Chapter 5 (Unedited)

451 32 2
                                    

Matias Cortel ang pangalan ng punong katulong sa palasyo ng Castile.

Isa siyang matandang lalaki. Maliit at may katabaan.Laging nakasimangot ang muka niya at lagi siyang galit kaya naman kung hindi takot ay inis sa kaniya ang mga katulong ng palasyo. Gayunpaman, wala silang ibang magagawa dahil ang hari mismo ang naglagay sa kaniya sa posisyon.

Kasalukuyang naglalakad sa madilim na pasilyo ng palasyo si Matias. Malalim na ang gabi kaya tanging nagsisilbing liwanag nalang sa paligid ay ang lamparang bitbit bitbit ng matanda.

Tulog na ang halos lahat ng tao sa palasyo maliban nalang sa mga guwardiyang panggabi pero hindi na isang bagong bagay sa lahat na makitang pagala-gala si Matias sa pasikot sikot na pasilyo ng palasyo.

Iyon ay dahil sinisigurado niyang malinis ang bawat sulok ng palasyo at nagawa ng lahat ang kani-kanilang trabaho. Kung mayroon man siyang makitang dumi ay katakot takot na sermon at parusa ang matatanggap ng katulong na nakatoka sa lugar na iyon.

Iyon ang dahilan ng pagiging madesiplina at organisado ng mga katulong pero mukang may malalagot na naman bukas.

Napakunot ang nuo ni Matias nang makita ang bakas ng dumi sa sahig, hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

Agad niya itong nilapitan habang nagiisip ng kung anong ipaparusa niya sa nakatokang katulong sa bahaging iyon ng palasyo pero agad siyang napatigil nang mapansin na hindi iyon pangkaraniwang bakas ng dumi.

Bakas iyon ng dugo. Ang nag-iisang kinakatakutan ni Matias.

Agad siyang nanigas sa puwesto pero mabilis niyang dinukot sa bulsa niya ang isang bimpo bago ito pinunas sa bahid ng dugo.

"Nag-uwi na naman ng dugo ang may sayad sa-" bulong niya pa pero bago niya pa matapos ang reklamo niya ay may gumulong na madugong ulo ng halimaw sa harapan niya dahilan para mapatakbo siya habang sumisigaw.

Rinig na rinig ang sigaw ng matanda pero nang makalayo layo na ito ay saka lang kumawala ang tawa ni Alvin na kanina niya pa pinipigilan.

Nito niya lang nalaman na takot sa dugo ang matanda. Bagay na hindi niya inaasahan dahil sigurado siyang napakaraming pagdanak ng dugo na ang nasaksihan ng matanda dito sa loob ng palasyo.

Kung tutuusin, maging si Alvin ay isa din sa mga dahilan nito dahil siya mismo ang dahilan ng pagkamatay ng saarili niyang ama at kapatid.

Hingal at masakit na ang tiyan ni Alvin nang kumalma siya sa pagtawa. Ito ang unang beses na nakita niyang natataranta ang laging galit na matanda kaya hindi niya mapigilan na mapangisi kahit noong nagkabalik na siya sa loob ng opisina niya.

Dahil buong araw na nasa labas ng palasyo at pumapaslang ng mga halimaw, maraming papeles at tambak na trabaho ang nasa lamesa niya pero hindi niya iyon pinansin at agad na binuksan ang pintuan papuntang balkonahe.

Iniunat niya ang mga braso niya bago dumantay sa barandilya(railings).

"Anton" bulong niya at sa isang iglap ay sumulpot sa tabi niya ang isang itim na soro(fox).

"Tinawag mo ako, kamahalan?"

Kung masisilayan ng iba ang pangyayari, mamamangha o di kaya'y mabibigla sila sa nagsasalitang soro pero pinanliitan lang ito ng mata ni Alvin.

"Bakit ka nasa tunay mong anyo?" tanong niya dahilan para mapangiwi ang soro.

"Bakit ipis pa sa lahat ng pwede kong gayahin?"

Napangisi si Alvin. "Bakit hindi? Tinitilian ka ng mga kababaihan sa tuwing nakikita ka nila"

Napabuntong hininga si Anton. Maraming beses na niyang sinubukan pero hindi niya talaga matalo sa salita ang amo niya. Bahagya siyang umikot at sa isang iglap ay naganyong ipis siya.

Ang dating malambot at makinis niyang balahibo ay napalitan ng magaspang at mahabang antena.

Maging si Alvin ay may kung anong kilabot na naramdaman nang makita ang mabuhok na mga galamay ng anyo ni Anton pero hindi niya iyon pinahalata.

"Anong balita sa pinaguutos ko sayo?" tanong ni Alvin sabay iwas ng tingin sa insekto sa barandilya.

Imbes na sumagot ay katahimikan ang sumalubong sa tanong ni Alvin kaya naman wala siyang ibang nagawa kundi ibalik ang tingin sa ipis.

Hindi niya kita ang emosyon sa muka nito pero base sa pagiging tahimik niya ay mukang wala siyang maaasahang maayos na sagot.

"May pinaguutos ka, kamahalan?"

Tama nga ang hinala niya kaya naman napatawa nalang si Alvin at napahawak sa sintido.

"Si Amara Dela Cerda"

Sa mga salitang iyon ay natahimik ulit si Anton. Ang tanging naboses niya lang ay 'hehe' na siyang mas kinainis ni alvin.

Iniutos niya isang linggo ang nakakaraan na pagdating ni Amita Dela Cerda ay bantayan niya ang bawat kilos nito. Kung maaari ay kumuha din siya ng mga ibendensya na maaari niyang gamitin laban sa kahariang Dela Cerda.

Pero mukang wala siyang matatanggap na impormasyon ngayon.

"Huwag kang magpapakita sakin hangga't wala kang dalang impormasyon" saad ni Alvin bago inihagis sa balkonahe ang ipis.

Agad namang lumipad papalayo ang ipis at walang imik imik na naglaho. Malamang ay takot na baka magalit na niya nang totoo ang amo niya.

Hindi naman niya sinasadyang kalimutan ang pinapagawa sa kaniya pero masyado siyang nawili sa paglilibot sa kagubatan sa may kanlurang bahagi ng palasyo kaya nawala na sa isip niya ang iba pang dapat niyang gawin.

Gayunpaman hindi na niya pa iyon sinabi dahil alam niyang mas lalo lang maiinis ang amo niya.

Naiwang mag-isa sa balkonahe si Alvin. Malamig na ang simoy ng hangin pero imbes na pumasok sa loob ay iniunat niya ang mga kamay niya at pinagmasdan ang bahagyang panginginig nito.

Sa unang tingin ay aakalaing dahil iyon sa lamig pero tanging si Alvin lamang ang nakaka-alam na hindi iyon ang dahilan.

Hindi niya alam kung kailan nagsimula pero paunti unti siyang nawawalan ng kontrol sa sarili niyang mahika.

Napansin niya na iyon bago pa siya koronahang hari pero ang akala niya lang noon ay dahil lang iyon sa pagod.

Pero mula noong maging hari siya at padalang na nang padalang ang digmaan na siyang pinagbubuhusan niya ng malaking bahagi ng mahika niya, mas tumitindi ang pagkulo ng loob niya na para bang anumang oras ay babalutin siya ng sarili niyang mahika at ito na ang kokontrol sa kaniya.

Tila ba naging isa itong halimaw na kailangan niyang patahanin sa pamamagitan ng labis na paggamit ng mahika.

Iyon ang dahilan kung bakit madalas na lumalabas ng palasyo si Alvin para pumaslang ng mga halimaw sa kagubatan na tahimik namang namumuhay.

Kasuklam-suklam pero wala siyang ibang maisip na paraan para pakalmahin ang sarili niyang mahika.

Sinubukan na niyang alamin ang dahilan ng nangyayari sa kaniya. Nangalap siya ng mga impormasyon tungkol sa bagay na iyon pero kahit anong tingin niya ay wala siyang mahanap na dokumento ng pangyayari na katulad ng kaniya.

Tila ba siya palang ang nakakaranas ng ganito.

Napabuntong hininga nalang si Alvin bago pumasok sa loob ng opisina. Hindi siya takot na mamatay pero ayaw niyang ang sariling mahika niya mismo ang magiging dahilan ng pagkalagot ng kaniyang hininga.

Hiling niya lang ay makahanap ng sagot bago pa siya mawalan ng kontrol dito.

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon