Chapter 3 (Unedited)

498 33 1
                                    

A.N: Third person na ang gagamitin kong way ng pagsusulat. Mas prefer ko na to. I hope di maapektuhan yung reading experience niyo.

***

Mula nang araw na malaman ni Amita na ikakasal siya, hindi na nawala ang kaba sa dibdib niya.

Inaasahan niya nang darating ang panahon na itatakda siyang ikasal sa taong hindi niya kilala alang alang sa kapangyarihan at kayamanan ng palasyo. Iyon ang dahilan kung bakit nagp-plano na siya kung tatakas ba siya sa palasyo at mamumuhay sa malayong lugar o di kaya'y magpapakasal agad bago pa siya makasundo ng hari sa iba.

Plano niyang maghanap ng lalaking may tirahang pagmamay-ari malayo sa kapital. Kahit na walang titolo at malaking kayamanan ay tatanggapin niya basta't makakalayo na sa impyernong kinalalagyan niya.

Binalak niya pa na kung pagtungtong niya ng edad labing siyam ay di pa siya makakahanap, aalukin niya si Miguel na pakasalan siya kahit na sa loob lang ng isang taon.

Sino nga lang mag-aakala na bago pa siya umabot sa ika-labing siyam na kaarawan ay ipapadala na siya ng hari sa kahariang Castile para ipakasal kay Haring Alvin.

Habang papalapit nang papalapit ang karwahe niya sa malaking palasyo ng Castile ay mas lalo pang bumibilis ang kabog ng dibdib niya.

Buong buhay niya, ginusto niya lang mamuhay nang tahimik. Hindi niya ginustong maging prinsesa lalo na ang maging reyna ng isang kaharian. Lalo na kung ang magiging asawa niya'y kilalang may sayad sa utak at walang awa sa mga labanan.

Idagdag mo pa ang katotohanan na nasa bagong lugar at sitwasyon si Amita.

Hindi niya alam kung paano siya ituturing ng mga tao sa lugar na ito lalo na't alam ng lahat na hindi naman kagandahan ang relasyon ng kaharian niya at ng Castile. Hindi na siya magugulat kung ituturing siyang bihag at direkta siyang ihahatid sa bilangguan pagkadating na pagkadating niya.

Kung ano ano pang matitindi at nakakatakot na senaryo ang inisip ni Amita na kahahantungan niya kaya naman hindi niya mapigilang mabigla nang madatnan niyang tahimik ang paligid. Walang katulong ni guwardiya man lang sa tapat ng palasyo na sumalubong sa kaniya.

Napalingon lingon siya at inakalang nagkamali siya ng binabaan. Nilingon niya yung kutsero at itatanong na sana kung nasa tamang lugar nga ba sila pero napatigil siya nang mapagtanto kung ano ang nangyayari.

Pagpapakita ng pagrespeto ang simbolo ng pagsalubong sa paparating na bisita. Hindi na umasa si Amita na sasalubungin siya ni haring Alvin mismo pero hindi niya din inaasahang ni walang isa man ang sasalubong sa kaniya.

Malinaw ang mensahe ng pangyayaring ito.

Hindi siya tanggap sa lugar na ito.

***

Napangiwi sa inis si Asher nang may tumalsik na dugo sa pisngi niya.

Nilingon niya ang pinaggalingan nuon at doon nakita niya si Alvin na nakangisi sa kaniya habang pinapaslang yung halimaw sa harapan niya. Rinig na rinig sa kagubatan ang nakakakilabot na sigaw ng halimaw habang pinupuluputan siya ng matutulus na baging na siyang kinokontrol ng huli.

Nandito sila ngayon sa kagubatan sa labas ng palasyo. Nasa liblib na lugar sila na siyang tanging lugar na tinitirhan ng mga Culebron- Isang halimaw na tila ba isang malaking ahas.

Malalaki ang lahi ng halimaw na ito. Singkapal ng bewang ni Alvin ang katawan nito at doble ng ulo niya ang laki ng ulo ng halimaw. Mahahaba at matutulis din ang mga pangil nito na siyang kinalalagyan ng nakamamatay na lason.

Nakakatakot at mapanganib ang halimaw pero likas na ditong manirahan sa liblib na kagubatan. Hindi din ito basta basta umaatake kung hindi unang kakalabanin kaya naman hindi malaki ang banta nito sa sangkatauhan.

Baliw lang ang sasadyaing puntahan ang mga Culebron. Isa na doon ay si Alvin at ang kaibigan niyang pangulong heneral ng kaharian na si Asher.

"Hindi ka pa ba nasisiyahan sa dami ng pinaslang mo ngayon araw?" Tanong ni Asher bago nilingon ang mga mga bangkay ng Culebron sa paligid nila.

"Wala pa tayong isang oras sa lugar na ito, huwag mo sabihing gusto mo na agad umuwi sa asawa mo?" Tanong ni Alvin habang patuloy padin sa pagpaslang sa mga Culebron.

Walang tigil ang paggamit niya ng mahika. Apoy, baging, kidlat, at kung ano ano paman ay ginagamit niya sa pagpaslang sa mga halimaw.

Gayunpaman, kapansin pansin na walang bahid ng dugo sa suot niyang puting baro gayong napaliligiran siya ng madugong eksena.

"Hindi katulad mo, may naghihintay sa akin na umuwi"

Napatigil si Alvin sa narinig niya at nilingon ang kaibigan. "Mayroon ding naghihintay sa akin ngayong araw"

Napabuntong hininga si Asher sa kumento ng kaibigan niya. Alam niya ang tinutukoy nito.

Ngayon ang araw ng pagdating ng mapapangasawa niyang si Amara Dela Cerda pero wala siya sa palasyo ni hindi siya nagutos na salubungin ito sa pagdating.

"Hindi mo ba naisip na baka tulad ko'y mahulog din ang loob mo sa babaeng pinagkasundo lang sayo? Ano nalang ang sasabihin mo para mapatawad ka niya sa ginagawa mo ngayon?"

Halos alam ng lahat ang istorya ni Asher at ng asawa niya. Napagtripan lang ni Alvin ang kaibigan niya isang araw na siyang humantong sa pagkakakasal ni Asher at ni Doña Elis.

Sinong magaakala na mahuhulog ang loob nila sa isa't isa?

Napatawa si Alvin. "Sa kasamaang palad, anak siya ni haring Dela Cerda"

Hindi pa nakokoronahang hari si Alvin ay matagal nang nagdudulot ng sakit sa ulo ang kahariang Dela Cerda. Malaki at makapangyarihan ang kaharian nito kaya hindi pwedeng basta basta nalang makipag gera si Alvin tulad ng gusto niyang gawin.

Isa pa, kung siya ang unang aatake, mababahala ang iba pang mga kaharian lalo na't mula nang mapasa kay Alvin ang trono ay palaki nang palaki ang kapangyarihan at kayamanan ng kaharian.

Doon palang ay nababahala na sila lalo na kung malalaman nilang nilusob niya ang kahariang Dela Cerda dahil lang sa nagbibigay ito ng sakit ng ulo sa kaniya..

Pero siyempre, hindi noon mahahadlangan si Alvin.

Kailangan niya lang gumawa ng magandang dahilan para lusubin ang kaharian ng Dela Cerda. Alam niyang walang kukwestiyon sa paglusob niya kung ang kabilang panig ang unang aatake kaya naisip niyang gamitin ang isa sa mga anka na babae ng hari.

Balita niya'y isa sa mga paborito niyang anak si prinsesa Amara. Tamang tama lang na gamitin para galitin ang sakit sa ulong hari.

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon