Chapter 2 (Unedited)

534 39 4
                                    


"Sinong mag-aakala na magkaibigan sila prinsesa Amita at ginoong Miguel?"

"At muntik na silang maitakdang makasal. Nakakatawa"

"Nakakatawa pero nakaka-inggit" Natatawang saad Katrina, isa sa mga kaibigan ni Amara, kaya naman napatigil sa paglalakad ang huli.

Nilingon niya ang kaibigan at nginitian. "Naiinggit ka kay Amita?"

Sa mga salitang iyon ay sandaling napatigil sila Katrina at Camila. Napatingin sila sa isa't isa bago muling napatawa.

"Hindi ko alam na nais mong maging katulad ni prinsesa Amita" Mapang-asar na sabi ni Camila.

"Sinong gugustuhin na maging si Amita? Naiinggit lang akong malapit siya kay ginoong Miguel"

"Bakit mo naman kaiinggitan ang pagiging malapit niya kay ginoong Miguel?" tanong ni Amara.

"Malamang wala kang pakealam sa mga ganitong bagay Amara dahil ikaw ang hinahabol ng mga kalalakihan pero si ginoong Miguel ang ninanais pakasalan ng lahat ngayon"

Natawa si Amara.

"Seryoso iyon Amara" Natatawang saad ni Katrina. "Bukod sa siya ang pinaka gwapo, siya din ang tagapagmana ng pamilyang De la Cerda na isa sa mga pinakamaimpluwensyang pamilya ngayon"

"Matangkad din siya at maputi" dagdag pa ni Camila na siyang ikinatawa ng dalawa.

Gayunpaman, kapansin pansin sa ngiti ni Amara na hindi ito umaabot sa mga mata niya. "Paalam na muna Katrina at Camila, pupuntahan ko muna si ama bago ako bumalik sa gitna ng plaza"

Nagpaalam na si Amara sa mga kaibigan niya bago naglakad papunta sa tolda ng hari. Hindi niya alam kung bakit pero sa kalagitnaan ng kompetisyon kanina, bigla itong umalis.

Malamang ay may kailangan siyang kausapin o di kaya'y may problemang kailangan solusyunan.

Gayunpaman, hindi mapigilan ni Amara na mapasimangot dahil hindi niya nasaksihan kung paano siya nagpinta. Mamaya pa ang anunsyo ng mga panalo pero alam na ng lahat na siya ang panalo.

"Kamahala-"

"Anong ibig mong sabihing gusto niya ng kasunduan ng kasal?" Hindi natuloy ang pagbati ni Amara sa hari nang marinig niya na may kausap ito sa loob ng tolda.

Hindi siya tumuloy sa pagpasok sa tolda pero hindi din siya umalis dahil napukaw ng mga salitang iyon ang atensyon niya.

"Sabi sa mensaheng ipinadala ni haring Castile, makakasigurado lang siyang hindi tayo magtataksil sa kaniya kung magiging magkapamilya kayong dalawa, kamahalan"

"Anong magkapamilya?!"

Napaurong ng bahagya si Amara nang makarinig siya ng pagkabasag ng kung ano mang binalibag ng hari pero higit na mas nagulat siya sa mga sunod niyang narinig.

"Sigurado akong gagawin niya lang na bihag si Amara"

Napahawak sa bibig si Amara dahil sa gulat.

Si haring Alvin Castile ay kilalang hari na may sayad sa utak. Madaming bali-balita tungkol sa kaniya mula pa noong hindi pa siya nakokoronahang hari pero ang pinakabago ay ang balibalita na meron siyang alagang ipis na ginawan niya pa ng sariling palasyo.

Sabi-sabi pang merong sariling titolo ang ipis na iyon kaya naman hindi mapigilan ng lahat na mapasampal sa noo sa tuwing nababanggit ang pangalan ng haring iyon.

Idagdag pa sa mga patong-patong na balita tungkol sa kaniya, kilala din siya sa pagiging malupit sa labanan.

Sa lahat ng gerang nilabanan niya, lagi siyang nangunguna at lahat ng iyon ay naipanalo niya.

Ibang iba sa karaniwang mga hari na nagpapadala lang ng mga heneral habang sila ay nagpapasarap sa sarili nilang palasyo.

Marangal pakinggan pero madugo at brutal siyang makipagpatayan kaya naman hindi parin noon maaalis ang kilabot na nararamdaman ng iba sa tuwing naririnig ang pangalan niya.

Nanatili sa labas ng tolda si Amara hanggang sa marinig niya ang pagtatapos ng usapan ng hari at ng kung sino ang kausap nito.

Naghintay siya ng ilang minuto bago siya pumasok para hindi mapaghalataang nakinig siya sa usapan ng dalawa.

"Kamahalan"

"Amara" Pagbuntong hininga ng huli. Bakas sa mga tingin niya ang pag-aalala at alam ni Amara ang dahilan noon.

Gayunpaman, bago pa makapagsalita ang hari ay nginitian niya ito. "Kamahalan, naaalala mo ba yung pangako mo sa akin noong nakaraang taon na meron akong isang kahilingan na anuman ay tutuparin mo?"

***

Buong akala ko'y bukas na bukas din ay maririnig ko ang iba't ibang uri ng usapan tungkol sa amin ni Miguel.

Sinong mag-aakala na bago pa matapos ang araw ay may balitang gugulat sa lahat.

Natapos na ang lahat ng paligsahan at oras na ng pagaanunsyo ng mga nanalo sa nakalipas na tatlong araw. Tulad ng inaasahan ko, sa lahat ng kompetisyon, lagi lang akong pumapangalawa kay Amara o kung minsan ay mas mababa pa. Maliban sa Isa.

"Para sa paligsahan ng pagpinta, madami ang lumahok at sumubok pero isa lang ang pumukaw sa mata at damdamin naming mga hurado" panimula ng nag a-anunsyo.

Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang itsura ng ini-pinta ko kanina pero agad iyong nawala nang marinig ko kung sinong nanalo.

"Palakpakan natin ang nagwagi, ang obra ni prinsesa Amita"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad naka kibo. Tama ba ang pagkakarinig ko?

Napansin ko din na madami ang napalingon sa wagi ko. Nilingon ko ang direksyon ni Amara na sigurado akong siyang dapat manalo pero nakangiti din siyang nakatingin sakin at pumapalakpak pa.

Hindi ko inaasahan pero wala akong ibang nagawa kundi pumunta sa harapan.

Ang bawat nananalo sa paligsahan ay nakakatanggap ng regalo mula sa hari at dahil ito ang unang beses na mararanasan ko ito, hindi ko alam kung paano siya haharapin.

Bahagya nalang akong yumuko at hinintay kung ano mang premyo ang matatanggap ko.

Ang pagkakamali ko lang sa pagkakataong iyon ay ang pagaakalang premyo ang matatanggap ko.

"Ito ang unang beses na makakatanggap ka ng regalo sa akin kaya naman nang malaman kong ikaw ang nagwagi, hindi ako nagdalawang isip na gawin itong engrande.

Panimula ng hari na siya namang ikina-taas ng kilay ko. Buong buhay ko, hindi siya nagpakita ng pagmamahal o pakealam manlang kahit noong buhay pa si Ina kaya naman nakakasukang marinig ang pagpapanggap niya.

Mabuti nalang ay nakayuko ako kaya't walang nakakita.

"Dahil din sa nasa tamang edad ka na, pinagkakalooban kita ng madangal na kasunduan ng kasal"

Sa mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng takot. Mag la-labing siyam palang ako sa sunod na buwan. Nasa tamang edad na ako para magpakasal pero karaniwang edad para magpakasal sa kaharian ay bente pataas.

Iyon ang dahilan kaya hindi ko inaasahang haharapin ko ang problemang ito nang mas maaga kesa sa inaasahan ko.

"Mula sa araw na ito, si prinsesa Amita, ay nakatakdang ikasal sa pinakamagiting na hari ng kontinente. Ang hari ng kahariang matalik na kaibigan ng kaharian. Si haring Alvin Castile"

Sa unang pagkakataon na naging una ako, hatol ang natanggap ko.

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon