Chapter 17 (Unedited)

406 19 1
                                    

"Hindi mo naman sinabi sa akin na mayroon ka palang naiwan na kasintahan sa Dela Cerda, prinsesa"

Isasara palang sana ni Amita ang pinto sa pagpasok niya sa opisina pero agad siyang napatigil sa bungad sa kaniya ng hari.

Napansin na niyang mayroong hindi magandang nangyari nang ipatawag siya ng hari sa opisina nito imbes na ito ang pumunta sa kaniya pero hindi lubos akalain ni Amita na dahil iyon sa rasong ito.

"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin, kamahalan"

Napatawa si Alvin sa sagot niya pero halata sa muka nito na hindi ito natutuwa. Inihagis niya sa sahig ang mga liham na pamilyar na pamilyar kay Amita. Ito yung mga sulat na ang buong akala niya ay na sunog na niya kahapon.

Tumayo sa kinauupuan si Alvin habang hawak hawak ang isa sa mga liham. "Mahal kong Amita"

Napasinghal siya sa inis dahil sa nabasa niya pero agad niya ding pinagpatuloy ang pagbabasa. "Bakit hindi mo manlang nabanggit sa akin na ikakasal ka sa hari ng kabilang kaharian? Ang buong akala ko'y tayo ang magsasama-"

Hindi na tinuloy pa ni Alvin ang binabasa niya at agad niyang sinunog yung hawak hawak niyang papel. Pumulot pa siya ng isang liham at ito naman ang binasa.

"Mahal kong Amita, Ligtas ka bang nakarating sa kaharian ng Castile? Huwag kang mag-alala dahil ngayo'y nakakasigurado na akong labag sa loob mo ang pagpapakasal sa baliw na hari ng Castile-" napatawa si Alvin nang mabasa niya ang mga salitang iyon pero marahan niyang pinapatunog ang kaniyang leeg na tila ba nagtitimpi ng galit.

"Mukang ako ata ang dahilan ng pagkakaudlot ng istorya ng pag-iibigan ninyo, prinsesa Amita"

Sa buong pagbabasa ng hari sa mga liham ay walang nasabi si Amita. Bukod sa gulat pa din siyang nasa kamay na ng hari ang mga liham na akala niya'y nasunog na niya, hindi niya din alam kung anong isasagot sa mga sinabi ng hari.

Totoong pinagkasundo sila ni Miguel at totoong nagkaroon sila ng nararamdaman sa isa't isa. Bagama't kailanma'y hindi naging opisyal ang relasyon nila, base sa mga liham ni Miguel sa kaniya ay mahirap itanggi na hindi nagkaroon ng namamagitan sa kanila. Idagdag mo pang hindi maitatanggi ni Amita na si Alvin ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Miguel. Simula't sapul palang ay hindi magaling magsinungaling si Amita kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"Bakit hindi ka nagsasalita, prinsesa?"

"Ano ang gusto mong sabihin ko, kamahalan? Wala nang magbabago dahil pareho kami ni Miguel na wala nang magagawa sa sitwasyo-"

Napatigil sa pagsasalita si Amita nang ihampas ni Alvin sa lamesa ang kamao niya. Napahawak ito sa sintido. Hindi niya din lubos maintindihan sa kung ano ang ikinagagalit niya. Totoo ang sinabi ng prinsesa. Wala naman nang magbabago dahil pareho silang wala nang magagawa sa sitwasyon.

Hindi niya lang maintindihan kung bakit sobra ang inis na nararamdaman niya sa puntong may kung anong kirot sa may dibdib niya lalo na nang mapagtantong hindi tinanggi ng prinsesa ang mga sinabi niya. Idagdag mo pa kung paano niya tinawag na 'Miguel' ang lalaking iyon habang sa kaniya ay 'kamahalan'.

"Bumalik ka muna sa hilagang mansyon" utos ni Alvin na siya namang agad na sinunod ni Amita.

Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan, naramdaman ni Alvin ang mas pagtindi ng nararamdaman niyang kirot sa dibdib. Sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, naramdaman ni Alvin ang pag-agos ng luha sa mga pisngi niya.

***

Hindi alam ni Amita kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong nakausap niya ang hari sa opisina nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon