Chapter 16 (Unedited)

261 19 0
                                    

A.N. Yes I'm back na po :>

***

Napabuntong hininga si Lucia habang sinasampay ang mga sinampay nang matanaw sa may bintana ang kapatid niyang si Silvia na nakahilata sa loob ng mansyon.

Isang buwan na ang nakakaraan mula nang maging katulong sila sa hilagang mansyon na tinutuluyan ni prinsesa Amita pero ni minsan ay hindi niya nakitang magtrabaho si Silvia.

"Hindi mo manlang ba ako tutulungan sa pagsasampay?" pagrereklamo ni Lucia pagkapasok na pagkapasok niya sa mansyon.

Nakadapa sa sofa si Silvia. May hawak na salamin ang kaliwang kamay niya habang ang kanan ay naglalagay ng kung anong pampaganda sa muka.

Kapansin pansin din na mamahalin at mas detalyado ang disenyo ng damit na suot suot ni Silvia. Idagdag mo pa ang makintab niyang buhok at sobrang mahalimuyak niyang pabango na amoy ni Lucia kahit na sampung hakbang ang layo nila sa isa't isa.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing isang katulong si Silvia. Gayunpama'y isang normal na bagay nalang ang makita siya sa ganitong itsura.

Marami ang napapataas ang kilay sa ugali at pagkilos ni Silvia pero walang nagsasalita sa katulong man o maging ang mga opisyales ng palasyo. Para sa mga opisyales ay wala silang kinalaman sa isyu ng mga katulong, para naman sa mga katulong ay takot silang kabanggain si Silvia na siyang pamangkin ng punong katulong na si Matias.

"Nakakalimutan mo atang katulong tayo dito sa palasyo at hindi isang maharlika" pagpapatuloy pa ni Lucia nang magpatuloy lang sa pananalamin si Silvia.

"Nakakalimutan mo din bang pwede ka ding magenjoy imbes na magtrabaho?" sagot nito.

"Hindi ka manlang ba nakokonsensyang sumasahod ka nang walang ginagawang trabaho?"

"Hindi ka ba nakokonsensyang nagtatrabaho ka para sa prinsesang kalaban ng kaharian?"

"Madaming sabi sabi na mabuting prinsesa si prinsesa Amita at pati ang hari ay mukang nagkakagusto na sa kaniya"

Napataas ang kilay ni Sylvia sa narinig niya. "Nagkakagusto na sa prinsesa ang hari?"

Kung tama ang pagkaka-alala ni Sylvia, may sayad sa utak ang hari sa puntong gigilitan niya ng leeg ang kung sinomang babaeng magtangkang mang-akit sa kaniya. Nasaksihan niya din mismo kung paano nasira ang buhay ng mga babaeng naglakas loob na umagaw ng atensyon ng hari kaya ganon nalang ang pagkagulat niya sa narinig niya mula kay Lucia.

"Balita ko, imbes na angta-trabaho sa opisina ay binibisita niya ang prinsesa"

"Bakit hindi natin siya nakikita?"

"Nakita ko siya noong nakaraan sa balkonahe ng silid ng prinsesa"

Hinampas ni Sylvia sa lamesa yung hawak niyang salamin. Mapapansing nagkaroon ito ng basag pero hindi doon nakatuon ang atensyon ni Sylvia.

Minsan na niyang nagustuhan ang hari. Sino nga bang hindi mabibighani sa muka ng lalaking iyon. Agad lang sinukuan ni Sylvia ang nararamdaman niya nang mapagtanto niya kung anong klaseng tao ang hari. Pero ngayo'y mababalitaan niyang mayroong nakagawa ng bagay na hindi niya nagawa?

Hindi mapigilan ni sylvia na mainis. Gusto niyang masaksihan mismo kung totoo ang sinasabi ni Lucia at agad din niya iyong napatunayan nang marinig ang boses ng hari mula sa silid aklatan sa sumunod na araw.

"Magandang umaga, prinsesa"

Itinaas ni Amita ang tingin niya nang marinig ang pamilyar na boses ni sylvia.

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon