Chapter 13 (Unedited)

457 22 2
                                    

"Bakit ang layo mo, prinsesa?" tanong ni Alvin kay Amita nang manatili itong nakatayo sa may pinto ng banyo imbes na lumapit sa kaniya.

"Kailangan ko bang lumapit, kamahalan?"

"Paano tayo makakapag-usap nang maayos?"

"Naiintindihan ko naman ang sinasabi niyo dito, kamahalan" pagpupumilit ni Amita.

Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang mga tingin sa kaniya ngayon ng hari dahilan para magduda siya kung mayroon itong binabalak.

Isang linggo na din ang lumipas mula noong huli silang nagkita kaya hindi sigurado si Amita pero pansin niyang seryoso ang mga tingin ng hari sa kaniya.

"Kung balak mong dito magpahinga, maiiwan na kita-" bago pa matapos ni Amita ang sinasabi niya ay narinig niya ang pag pitik ng mga daliri ni Alvin at sa isang iglap ay nakaupo na siya sa tabi nito.

Agad na umusog papalayo si Amita mula sa hari na siyang ikinataas ng kilay ng huli. Isinara nito ang hawak niyang libro bago itinukod ang kamay sa kama at bahagyang lumapit sa kaniya.

"Hindi mo kailangang tumakas, hindi kita kakagatin..." Saad ni Alvin. Magkalapit na ang mga muka nila kaya agad na umiwas ng tingin si Amita.

"Hindi pa" natatawang dagdag pa ni Alvin sa sinabi niya na siyang nagpa-buntong hininga kay Amita.

"Ano bang gusto mo, kamahalan?" Tanong ni Amita dahil unti unti na naman niyang nararamdaman ang kakaibang sensasyon sa katawan niya kahit na magkalapit palamang sila.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam nating pareho na kung hindi kamatayan ay ipapatapon ako sa kung saan dahil sa ginawa ng hari ng Dela Cerda. Handa na ako sa parusang matatanggap ko pero hindi ko maintindihan kung anong klaseng parusa itong ginagawa mo ngayon"

"Sinong nagsabing paparusahan kita?"

Napatigil si Amita sa mga salita ni Alvin. "Hindi ba?"

"Napatunayan ko nang hindi ka kasangkot sa mga plano ng hari ng Dela Cerda kaya hindi kita ipapabitay" Saad ni Alvin habang pinapaikot ikot sa daliri ang hibla ng mala rosas na buhok ni Amita.

"Kung ganon anong gagawin sa akin? Sigurado akong hindi lang ako basta papakawalan gayong anak ako ng hari ng kabilang kaharian"

"Anong papakawalan? Nakalimutan mo na bang papakasalan mo ako, prinsesa?"

Nanlaki ang mga mata ni Amita bago napatingin sa direksyon ni Alvin. May ngisi na ulit sa mga labi nito

Matagal nang kumbinsido si Amita na hindi na matutuloy ang kasal dahil sa mga kaganapan kaya ganon nalang ang pagkagulat niya sa mga sinabi ng hari.

Naalala ni Amita na minsan nang sinabi ng hari na kaya siya pumupunta dito sa hilagang mansyon ay para dalawin ang 'mapapangasawa' niya pero akala ni Amita'y nagbibiro lang ito at tinatakot siya na huwag magtangkang tumakas pero mukang seryoso pala ito.

"Kung ganon, wala kang balak na ipapatay ako?"

"Kung meron, matagal ka nang hindi humihinga, prinsesa"

Kinilabutan si Amita sa sagot ni Alvin pero kahit papa-ano'y pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

Ibinaling niya ang atensyon sa hari na kasalukuyang pinaglalaruan ang buhok niya. Nakakaintimidate ang silhuweta ng hari at nakakatakot ang mga salitang lumalabas sa walang preno niyang bibig pero dahil sa eksena sa harapan ni Amita'y tila nabawasan ang takot niya dito.

Pansin niya ding kanina pa sinasagot ni Alvin ang mga tanong niya. Walang pagkairita sa boses nito habang sumasagot kaya sinamantala na ni Amita ang pagkakataong magtanong.

"Kaya mo din ba ako h... hinahalikan kasi kumbinsido kang ikakasal din tayo kalaunan, kamahalan?"

Napatigil si Alvin sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kakaibang sensasyong nararamdaman at hinahanap-hanap niya sa tuwing pinagdidikit niya ang mga labi nilang dalawa kaya tumango nalang siya. "Parang ganoon nanga"

Napatango-tango si Amita. Nalilinawan na siya sa mga dahilan ng mga kakaibang kilos ng hari. Kung alam niya lang na ganito kadaling magtanong kay Alvin ay matagal na niyang ginawa.

"Pero bakit mo ako isinasa-ilalim sa mahika sa tuwing h-hinahalikan mo ako?"

Napataas ang tingin ni Alvin mula sa malambot na buhok ni Amita. "Anong mahika?"

Napairap si Amita. Sa tingin niya ba'y hindi ko malalaman?

"Bagama't pinanganak akong walang mahika, maraming beses nang nalagay sa panganib ang buhok ko dahil sa mahika ng mga kapatid ko kaya alam ko ang sensasyon kapag may dumadaloy na mahika sa katawan ko"

Napakunot ang nuo ni Alvin sa mga narinig niya. Ang buong akala niya'y siya lang ang nakakaramdam ng kakaibang sensasyon sa tuwing magkalapit sila ni Amita pero mukang hindi iyon ang sitwasyon base sa mga narinig niya.

"Ginagayuma mo ba ako, kamahalan?"

Hindi napigilan ni Alvin ang pagkawala ng tawa niya dahil sa gma salitang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero lagi siyang nagugulat sa mga salitang lumalabas sa bibig ng babae sa harapan niya.

"Gumagana ba?" mahinang bulong ni Alvin bago muling itinukod sa kama ang mga kamay niya at inilapit ang muka kay Amita.

Sa kabila ng mga pagiimbestiga ni Alvin, wala pa din siyang ideya kung ano ang kakaibang sensasyong nararamdaman niya dahil sa prinsesa. Akala niya noong una ay kagagawan iyon ni Amita pero mukang nagkamali siya.

Gayunpaman, kagagawan man ito ng prinsesa o hindi, alam ni Alvin na hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili at takasan ang nararamdaman niya.

Hindi pa nakakasagot si Amita sa tanong niya ay ipinagdikit na niya ang mga labi nilang dalawa.

Isang linggo na din ang lumipas mula nang huling maramdaman ni Alvin ang kakaibang init na nagpapakalma sa buong katawan niya kaya hindi niya napigilang mas maging agresibo sa bawat kilos niya.

Mariing napakapit si Amita sa mga braso ni Alvin na ngayon ay nakakubabaw na sa kaniya. Tulad ni Alvin ay ramdam niyang mas matindi ang mahikang dumadaloy sa katawan niya. Malamang ay dahil ilang araw na ang nakakalipas pero ganunma'y wala nang nagawa si Amita kundi tanggapin ang kung ano mang ibigay sa kaniya ng hari.


The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon