Si Miguel ang isa sa mga iilan na masasabi niyang kakampi niya. Sobrang lapit nila sa isa't isa noong mga bata pa sila pero unti unti silang nalayo noong namatay ang ina ni Amita.
Masasabi sila noon na childhood sweethearts dahilan na din ng maagang pagkakasundo sa kanila ng mga magulang nila. Matagal na panahon na iyon pero kung magiging totoo sa sarili si Amita, masasabi niyang may nararamdaman siya para sa kaibigan.
Patagal lang nang patagal ay mas gumagaling siya sa pagpapaniwala sa sarili niya na wala siyang nararamdaman.
Pero ang totoo'y pinilit niya lang kalimutan ang nararamdaman niya dahil bukod sa hindi magandang kalagayan at katayuan niya sa palasyo, masyado siyang abala sa pananatiling buhay para sa mga ganoong bagay.
Pero dahil na din siguro sa magulo at halo halong emosyon ni Amita. Idagdag pa ang katotohanang napaka komplikado ng sitwasyon niya ngayon, pagkabasa niya sa mga liham ay hindi niya napigilan ang mga luha niya.
Mabuti nalang at wala na si Yana sa silid kaya walang nakakita sa namumula niyang mga mata.
Mahinahong pinunasan ni Amita ang pisngi niya.
Maging siya ay hindi lubos na maintindihan kung ano ang iniiyak iyak niya pero madalas niya itong maramdaman kapag matagal na panahon niyang kinikimkim sa loob niya ang mga emosyon niya.
Tuluyan lang gumiba ang pagmamatigas niya nang mabasa ang nag-aalalang mensahe ng nagiisang kaibigan niya.
Napabuntong hininga si Amita at pinakalma ang sarili bago ibinaling ang tingin sa natitirang sobre sa harapan niya.
Wala siyang balak na sagutin ang mga liham na iyon dahil problema lang ang madudulot sa kaniya noon kung malaman iyon ng hari.
Sa totoo nga'y ang katotohanang natanggap niya ang mga liham ay maaari na niyang ikapahamak kaya naman agad niyang tinipon ang mga liham bago inipit sa isang libro at tinago.
***
"Anong meron at tila nagbago ang isip mo tungkol sa pagdadagdag ng mga katulong?" Tanong ni Alvin sa sinabi ni Amita.
Hindi na binanggit ni Amita na si Yana ang may hiling na magdagdag ng katulong. Sa tingin niya'y hindi na iyon mahalaga at isa pa'y alam niyang balang araw ay kailangan na din niyang magdagdag ng makakasama sa mansyon.
"Dahil sa pagsasa-ayos ng mansyon, kailangan na ng mas maraming tauhan para mapanatili itong maayos"
Hindi umimik si Alvin sa mga salitang iyon. May pakiramdam siyang may hindi sinasabi sa kaniya si Amita pero hindi niya maipinta kung ano iyon kaya tumango nalang siya dahil wala naman siyang dahilan para tumanggi.
"Kung ganon, ipapadala ko si Matias dito bukas ng umaga"
"Matias?"
"Siya ang punong katulong ng palasyo. Masama ugali niya kaya kung maaari ang katulong mo nalang ang ipakiusap mo sa kaniya"
Hindi mapigilan ni Amita na mapangisi nang marinig ang komento ni Alvin. "Anong ibig mong sabihin?"
Umirap si Alvin bago humiga sa kama.
Nandito sila ngayon sa silid aklatan. Simula noong nakaraa'y dito na natutulog si Amita kaya naman dito nadin tumatambay ang hari sa tuwing tinatakasan niya ang mga trabaho niya.
Alam ng lahat ang tungkol sa bagay na iyon dahil nadin sa pag tyi-tyismis ni Yana sa ibang katulong pero walang may lakas ng loob na sugurin ang hari upang pabalikin sa opisina niya.
Gayunma'y walang ka-alam alam ang dalawa sa silid patungkol sa kung anong mga usapusapang nabubuo tungkol sa kanila.
Ilang sandaling hinintay ni Amita ang sagot ni Alvin sa tanong niya pero wala na siyang narinig pa kaya inilipat niya ang tingin mula sa binabasang libro papunta sa lalaki sa tabi niya na kasalukuyang nakapikit.
BINABASA MO ANG
The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)
Storie d'amore***Synopsis*** Hindi ko mapigilan ang paglabas ng buntong hininga ko habang papalapit nang papalapit sa malaking palasyo ang sinasakyan kong karwahe. Iyon ang palasyo ng kaharian ng Castile. Ang kaharian pinaghaharian ng lalaking papakasalan ko. Si...