Chapter 7 (Unedited)

419 30 1
                                    


Labing anim na taon si Alvin noong una siyang nakapunta sa kaharian ng Dela Cerda. Pinadala siya ng tatay niya na noong panahong iyon ay hari para maging espiya sa kaalit na kaharian.

Hindi pa ganon ka tanyag ang pangalan ni Alvin at hindi pa malaki ang impluwensya niya kaya kahit na tila pagpapakamatay ang pagtanggap niya sa misyong binigay sa kaniya ng hari ay wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin iyon.

Nagkunwari siyang isang komersyante (merchant) na pansamantalang mananatili sa kaharian. Nagkunwari siyang nagtitinda ng mga mamahaling bato mula sa ibat ibang kaharian kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang mga maharlika.

Noong panahon ding iyon ay nakatagpo niya si Amara Dela Cerda.

Tandang tanda niya pa kung paano siya nito walang hiya hiyang inalok na maging 'alaga' nito.

"Nakakapanghinayang kung magiging isang komersyante lamang ang may ganiyang muka" Saad ng labing limang taong si Amara.

Dahil sa pagkabigla at pandidiri na din ay hindi napigilan ni Alvin na tapikin papalayo ang kamay ng prinsesa na siyang nakahawak sa braso niya.

Iyon ang dahilan kung bakit muntik nang mapakulong si Alvin sa pananakit sa isang dugong royale at tuluyang mabiso ang pagkatao niya pero buti nalang at napailalim niya agad sa mahika si Amara.

Inalis niya ang memorya nito pero kahit ilang taon na ang nakakalipas ay hindi niya malilimutan ang babaeng halos sumira ng mga plano niya.

Iyon ang dahilan kung bakit sigurado si Alvin na hindi si Amara Dela Cerda ang nasa harapan niya.

"Sino ka, binibini?" Tanong niya sa babae sa ikatatong pagkakataon.

Sa pagkakataong iyon lang natauhan si Amita. Hindi niya lubos akalain na mabibisto agad ng hari ang sikreto niya.

Bagamat magkaibang magkaiba ang ugali at katangian nila ni Amara, magkamukang magkamuka sila.

Parehong kulay rosas ang kulot nilang buhok at bagamat mas bilog at malaki ang mata ni Amita ay parehong kulay asul ang mga mata nila. Iyon ang dahilan kung bakit malakas ang loob niya na hindi siya agad agad mabubuko.

Gayunpaman, alam ni Amita na wala nang saysay pang magkunwari dahil base sa obserbasyon niya ay kumbinsido si Alvin na hindi siya si Amara.

Personal niya kayang kakilala si Amara?

Tanong niya sa sarili pero mas nanaig ang kabang nararamdaman niya sa sitwasyon.

May kung anong ngiti sa muka ni Alvin habang tinatanong nito kung sino siya pero malinaw sa mga mata nito na hindi ito nasisiyahan.

Bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Amita nang umatras siya papalayo kay Alvin.

Nakaupo parin sila sa may sahig pero imbes na tumayo ay yumuko siya at buong pusong humingi ng tawad. Base sa karanasan niya, mas malaki ang tiyansang gumaan ang parusang matatanggap niya kung hihingi na siya agad ng tawad.

Dahil sa ginawa niya, hindi niya nakita kung paanong kumunot ang nuo ni Alvin nang lumayo siya. Wala narin sa isip niya kung paanong magkasaklop ang mga kamay nila bago siya lumayo.

Sino nga bang makakapagisip pa ng maayos sa ganitong sitwasyon?

"Amita Dela Cerda?"

Mas lalong nadagdagan ang kaba ni Amita nang marinig niya ang pagtawag ni Alvin sa pangalan niya.

Nakaluhod pa din siya sa sahig pero ngayon ay nakaupo na sa upuan ang hari.

Nilahad ni Amita ang lahat ng alam niya tungkol sa sitwasyon. Kung paanong siya ang inanunsyo ng hari na ipapakasal sa Castile imbes na si Amara. Pinagdiinan niya ding wala siyang alam tungkol sa bagay na ito.

Kung gusto mong mamatay, wag mo ako idamay

Kung kaharap lang ni Amita ang tatay niya ay isisigaw niya ang mga salitang iyon. Alam niyang walang alam sa pamumuno ng isang kaharian ang hari niyang lulong sa alak at mga babae pero hindi niya inaasahang madadamay siya sa katangahan nito.

Bukod sa nasapanganib ang relasyon ng kaharian at Dela Cerda at Castile, higit sa lahat ay nanganganib ding mapugutan ng ulo si Amita.

"Hindi ko alam na mayroon pang isang prinsesa ang Dela Cerda"

Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon ay mapapabuntong hininga nang malakas si Amita. Halos katulong ang turing sa kaniya sa mismong palasyo ng Dela Cerda kaya hindi na siya nagulat na hindi alam ng mga taga ibang kaharian na mayroon pang isang prinsesa bukod kay Amara.

"Ako ang anak ng yumaong reyna ng Dela Cerda. Hindi maganda ang relasyon nila ng hari kaya noong namatay... siya..."

Hindi alam ni Amita kung paano niya itutuloy ang kwento nang hindi magmumukang kawawa. Mabuti nalang ay inunahan na siya ni Alvin.

"Wala akong interes malaman ang baho ng apelyidong Dela Cerda" saad niya bago tumayo at naglakad papalapit kay Amita.

Agad na napahigpit ang kapit ni Amita sa damit niya. Mamamatay na ba siya ngayon?

Hindi siya sigurado kung naniniwala si Alvin sa sinabi niya pero hindi naman siguro siya nito gigilitan ng leeg sa mismong opisina niya?

Kung ano anong bagay pa ang pumasok sa isipan ni Amita sa kung bakit ito naglalakad papalapit sa kaniya pero kabaliktaran ng lahat ng iyon, tumigil lang ito sa harapan niya at iniabot ang kamay niya.

Tila ba nagaalok na alalayan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod.

"Kamahalan?"

Hindi alam ni Amita kung guni-guni niya lang pero inirapan siya ng hari.

"Hindi kita papatayin"

Sa mga salitang iyon ay agad niyang inabot ang kamay nito at tumayo nang diretso. Sinilip niya ang ekspreson sa muka ni Alvin, palipat lipat ang tingin mula sa sahig at sa muka ng lalaki, per mukang wala nga itong balak na patayin siya.

Nakahinga siya nang maluwag pero naudlot din iyon agad sa sunod na sinabi ni Alvin.

"Magkunwari ka munang si Amara hangga't hindi ko pa nakukumpirma ang mga sinabi mo, prinsesa Amita"

***

"Hindi ko alam na maginoo ka pala kamahalan para alalayang tumayo ang prinse-"

Kumento ni Anton pagka-alis na pagka-alis ni Amita pero bago niya pa iyon matapos ay napasigaw siya sa taranta nang sa isang pitik ng daliri ni Alvin ay umapoy ang buntot niya.

"Mayroon lang akong gustong kumpermahin kaya ko ginawa iyon" sagot ni Alvin habang natataranta padin si Anton na patayin ang apoy sa buntot nito.

Hindi na siya nasagot ni narinig ni Anton dahil naglaho na ito sa bintana. Malamang ay para patayin ang apoy sa buntot nito.

Naiwang mag-isa sa silid si Alvin pero mapapansing nakatuon ang atensyon niya sa mga kamay niya.

Nakasandal siya sa upuan at nakataas ang kanang kamay na siyang pinanghawak niya sa kamay ni Amita. Hindi na ito nanginginig tulad noong nakaraan.

Naalala niya kung paanong muntik na siya mawalan ng kontrol sa mahika niya kung hindi lang dumating ang prinsesa.

Ang pinagtataka niya lang ay "bakit at paano?"

Anong ginawa ni Amita at biglang tumigil sa pagwawala ang mahika niya?

Base din sa obserbasyon niya, mukang walang kaalam alam ang huli sa ginawa niya.

Mukang kailangan niyang mas seryosohin ang pagmamatiyag sa prinsesa ng Dela Cerda.

The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon