Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong nag ring.
Agad ko naman itong sinagot.Hello?
"Hello Bestie!! Bukas na nga pala ang flight nyo. Ako ang maghahatid sa inyo sa airport bukas ah"
Bat parang excited ka na umalis kami?
"Hindi noh, nalulungkot na nga ako ngayon e. Hahaha"
Nalulungkot, pero natawa? Tears of joy?
"Hahaha Oo, Masaya ako para sa inyo. Ano bang gusto mo bestie? Maglupasay ako at pigilan kang umalis? O sige bukas gagawin ko yan sa airport baka sumikat pa ako!"
Pfft! Baliw ka talaga. Yan ang mamimiss ko sayo e.
"Aww.. wag mo nga sabihin yan, yung luha ko nakareserved na para bukas ayoko mabawasan. Kaya wag mo na ako paiyakin ok?"
Hahaha, Oo na. Oh sya kaylangan ko na matulog maaga pa tayo bukas.
"Okey! Tulog na din ako. See you tommorow! Muaaah! Bye!"
Pagkatapos kong mag paalam sa kanya. Pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay na sa bag ko.
Pumunta ako sa may bintana para silipin ang mga stars.Ang daming stars ngayon lahat sila nakinang. Napatingin ako sa nag iisang pinaka makinang na bituin sa lahat. Sabi ni daddy kapag daw namimiss ko sya, hanapin ko lang yung pinaka makinang na bituin. Ibig sabihin daw kasi non sya yon at binabantayan kami.
Daddy, alam kong nakikita mo kami ngayon. Bukas nga pala pupunta na kami ng seoul ni cassie, mag kakasama na kami nila mommy. Alam kong masaya ka kasi mabubuo na ulit yung naiwan mong pamilya. Sayang nga e, wala ka. Pero ok lang, alam ko naman na palagi ka lang nasa tabi namin at binabantayan kami.
Napangiti ako ng kuminang yung bituin.Sandali pa akong nag star gazing hanggang sa nakaramdam na din ako ng antok.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
( at NAIA airport )
Kasama namin ngayon si mica at pati narin ang mommy nya. Pati nga friends ni cassie na sila venus nandito rin para ihatid kami. Di pa kami naalis dahil hinihintay pa namin yung mga susundo sa amin at Kanina pa iyak ng iyak si mica at halos basang basa na yung panyo nya kakapunas sa luha nya.
"Hoy mica, ano ka ba, para naman may natamay kung makaiyak ka."
Pabiro kong sabi dahil kahit ako naiiyak na din. Isa sa pinakamahirap na mahiwalay ka sa taong nakasama mo sa mahabang panahon." ka...kasi *sniff* m-mamimiss kita! *sniff* "
I pat her head.
Wag ka ng umiyak, sige ka papanget ka nyan. Di ka na madidiscover pag may dumaan na talent agent.
"Hahaha.. *sniff* sige na nga. Tatahan na ako *sniff* p-pero mamimiss talaga kasi kita e!"
At muli nanaman syang umiyak ng malakas. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.
Lagi naman tayong mag sskype e. Pag may nangyayari sasabihin ko agad sayo. Para kunwari mag kasama pa din tayo.
"Promise?"
I raised my pinky finger at her.
Promise!.
Then i smiled.Maya-maya pa, dumating na yung mga susundo samin. Nag paalam na ulit kami sa kanila sa huling pagkakataon.
We hug each other bago tuluyan ng umalis.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
( at Incheon International Airport. Seoul south korea. )Pagkababa namin ng eroplano naglakadlakad pa kami at agad na namin nakita si mommy.
BINABASA MO ANG
Disney Land Love Story (EXO Baekhyun fanfiction)
Diversossi Althea Ramirez ang babaeng bitter sa kpop, what if one day makabunggo nya si baekhyun ng EXO habang namamasyal sya sa hongkong disney land. may chance kaya na mag bago ang tingin nya sa kpop, at mainlove kay byun baekhyun na na-love at first sigh...