Chapter 33 ~ baekhyun and mommy talk

61 3 0
                                    


Maya maya pa nagulat nalang ako nang biglang may nag bukas ng pinto at agad kami napabalikwas ni baekhyun ng pag tayo ng makita namin kung sino yung pumasok.

"Ay ang sweet! Kainggit!"- cassie

"Hi thea noona! Hi hyung! You're here too?"- sehun

"Yeah, and you're here too?" - baekhyun.

"Yeah"
Kamot ulong sagot ni sehun.

Nagkatinginan lang kaming apat.

Awkward..

Awkward..

Awkward..

Ah! Excuse me, i will wash this first.
Sabi ko habang mabilis na kinukuha yung mga hugasan na pinagkainan namin ng ice cream ni baekhyun.

"Let me help you"
Sagot naman ni baekhyun habang nakikipag agawan sa hawak kong baso.

No, i can do this.
Sabi ko bago mabilis na pumunta sa kusina, at iniwan silang tatlo sa salas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Inuumpisahan ko ng hugasan yung mga baso ng biglang pumasok si cassie at sumandal sa may kitchen counter at ngumiti ng nakakaloko sakin.

O, anong nginingiti-ngiti mo dyan?
Taas kilay kong tanong.

"Kanino galing yung roses? Kay baek oppa?" - cassie

Hindi ko sya sinagot at tinuloy nalang ang ginagawa ko.

"Yieee! Sabi na nga ba e, kumain pa kayo ng ice cream di nyo man lang kami tinirahan"
Nakapout nyang sabi.

Di ko pa rin sya pinapansin at tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Infairness, Ang sweet nyo! Kayo na?!" -cassie

Sa narining kong yon bigla ko ng mabitawan yung baso na binabanlawan ko.

Of course not! He's still courting me.
Sagot ko.

"Hindi pa sa lagay na yon? Grabe ah, sa lahat naman ng nagliligawan kayo na yung pinaka sweet. May pahiga higa pa sa lap at pasuklay suklay ka pa ng buhok ni baek oppa, what more pa kaya kung kayo na?"
Nakangising sabi ni cassie.

Shut up, e ikaw bat nagdala ka ng lalaki dito?

"Take note ate, di ako nagdala. Hinatid nya ako."- cassie

Tss! By the way ano nangyari dun sa pag aaudition mo?
Pag iiba ko ng topic.

"Ayon ok na, babalik nalang ako next week para ipakita yung talent ko."
Sabi nya sabay kuha ng inumin sa ref.

Kasalukuyan kong sinasalansan yung mga hinugasan ko ng bigla namin narinig yung boses ni mommy.

"Althea, cassandra! Halika nga kayo dito!"
Sigaw ni mommy mula sa salas.

Muntik ng maibuga ni cassie yung iniinom nya, at sabay kaming nagkatinginan, bago pumunta ng salas.

Pagkarating namin sa salas nakita namin si baekhyun at sehun na magkatabing nakaupo na parang mga batang pinapagalitan ng kanilang nanay, dahil parehas ang aamo ng mukha nila habang nakatingin kay mommy.

"Umupo nga kayo dalawa dito"
Seryosong sabi ni mommy samin.

Kaya dali dali naman kaming umupo sa harapan nila baekhyun at sehun.

"Bakit nyo pinapabayaan ang mga bisita natin dito sa salas? Di nyo man lamang iniintertain, ganyan ba ang itinuro ko sa inyo?" - mommy

Ah... ano po kasi mommy hinuhugasan ko lang po yung mga hugasan, pero inintertain na po namin sila.
Sabi ko sabay siko kay cassie para sya naman ang mag salita.

Disney Land Love Story (EXO Baekhyun fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon