^^Chapter 65^^

351 19 4
                                    

Aesy's letter for Simon

Hi si. Hahahaha lintika wala pa ako sinasabi natatawa na ako sayo, kamusta? Ako okay lang kung nasaan man ako ngayon. For sure miss mo na ako, ako din e. Miss na din kita

Natatawa ako sayo promise. Napakababa ng standard mo sa babae, talagang pangarap mo makatagpo ng kagaya ko? Sweet mo naman simon.

By the way, iwasan nyo na magtalo ni Vinny about sa kambal okay? Alam ko naman na parehas hahabol sa inyong dalawa yun dahil sainyo ko sila maiiwanan.

Masaya ako habang sinusulat to. Although namimiss kita, sayang lang hindi ka man lang nagpakilala sakin ng Girlfriend mo. Napaka suplado mo kasi, napaka selan mo Juice colored!

Simon? I don't know how to say Thankyou for everything.. But you know what? As a Thankyou gift binibigay ko na sayo ang Collection ko, pero hayaan mo lang na doon nakatabi sa kwarto ni Sandro.

Pasensya kana Simon ha? Hindi man lang kita nayakap for the last time.. Mahihirapan kasi akong lisanin ang mundo kung makikita kong umiiyak ka at nasasaktan kaya dinaan ko na lang sa sulat,

Sa mga oras na ito alam ko binabasa mo to ng alanganing oras, oras kung saan nanonood tayo ng mga Funny Movies.

Pag namimiss mo ako si, pumasok ka lang sa kwarto ni Vinny at manood kayo ng mga funny movies o di kaya gamitin mo yung accoustic guitar ko.

Alam kong matagal mo ng hinihingi sakin yung mga guitar ko, pasensya kana at ngayon ko lang binigay sayo tapos hindi ko pa personal binigay.

Si? I just wanna say Thankyou for always protecting me and taking care of me. I know its hard to accept but you have to, for my twins please?

I am Happy and Safe now in my place.

Lagi mong tatandaan na palagi lang ako nasa tabi mo sa oras na malungkot ka.

Hayaan mo matatagpuan mo din ang Pinapangarap mo na kagaya ko in a Right time and a Right place.

Thankyou for everything.. Mag iingat ka palagi si,

Love.
Aesy ❤️

Love at First ❤️Where stories live. Discover now