Aesy's Letter for Mommy Liza.
Hi mom, kamusta kayo? Pasensya na kayo at dinaan ko ang pamamaalam ko sa pamamagitan ng sulat. Hindi ko po kasi kayang sabihin sa inyo ito ng harapan dahil alam ko labis ninyo itong ikalulungkot, Kaya nag decide po ako na sulatin nalang. Alam ko po pag binasa nyo to is Wala na ako, nasa kabilang buhay na ako.
Labis po akong nagpapasalamat sa pag tanggap ninyo sakin from the very start. Ramdam na ramdam ko po yung pagkakaroon ng buong pamilya, sa inyo ko lang po naranasan lahat ng yun mom.
Walang hanggang pasasalamat po ang ibibigay ko sainyo sa pagmamahal, pag aalaga at pag suporta samin ni Sandro. Kahit na madalas ang away namin andyan parin kayo para Gabayan kami hanggang sa huli.
Walang hanggang pasasalamat po ang ibibigay ko sainyo sa pagmamahal, pag aalaga at suporta sa mga anak namin ni Sandro. Muli po sa huling buhay ko, humihingi po ako ng pabor na nawa'y samahan nyo si Sandro sa pagpapalaki at pag aalaga sa mga anak namin.
Opo, mahirap pong tanggapin pero Ginawa ko na po ang makakaya ko mom. Gustuhin ko man pong lumaban pa pero katawan ko na po mismo ang sumusuko.
Hindi na po kinakaya ng katawan ko ang Araw araw na sakit. Pasensya na po kayo at binigyan ko pa kayo ng obligasyon na alagaan ang mga anak namin, kayo lang po ang malalapitan ko sa mga panahong gipit ako.
Muli mom, ako ay labis na nagpapasalamat.. Nawa'y pag handa na ang puso ni Sandro para sa iba. Sana po ay Bukas palad nyo rin siyang tanggapin kagaya ng pag tanggap ninyo sa akin,
Hiling ko po ang inyong kaligayahan hanggang sa huli ng aking buhay.
Mahal na mahal kita mom.
Mag iingat ka palagi
Ako ay laging nasa tabi ninyo, nakagabay at nakasubaybayLove.
Aesy ❤️Ps: Mom may mga recipe akong iniwan na nakapaloob sa Envelope na to. Pwede nyo pong subukan panigurado matutuwa si Dad
YOU ARE READING
Love at First ❤️
FanficThe story of a simple girl who caught the attention of SANDRO MARCOS but she ignored him. You must read the story. ✨AUTHOR'S NOTE✨ Every name, place and etc. is just a fiction and my Imagination. Read at your own risk.