Aesy's letter for Vinny Bunny.
Hi vinny bunny buddy.. Huwag kana umiyak, nahihirapan ako oh napaka iyakin mo pa naman din. Miss mo na ako? Miss mo na luto ko? Hayaan mo pag nagugutom ka magpaluto ka kay mom iniwan ko na sa kanya yung list ng mga recipe na niluluto ko.
I felt the love that you gave for me.. And I don't know how to say thankyou vinny sa lahat ng ginawa mo para sakin, para samin ni kuya mo at para sa aming pamilya.
Labis akong nalulungkot na sa kabila ng lahat ng sayang pinagsamahan natin, sa kalungkutan tayo magtatapos.
Mabigat sa loob ko vinny ang iwanan kayo, pero hindi na kinakaya ng katawan ko vinny I'm sorry. Gusto ko lang malaman mo na nasa safe na ako ngayon, No pain and No Sadness. Kaya sana tanggapin mo ang lahat ng ito vinny para ako ay mapanatag kung saan man ako naroroon ngayon.
Higit sa pagkakaibigan ang binigay mo sakin vinny, Salamat at naranasan ko magkaroon ng kapatid na kagaya mo. Pasensya na din at hindi man lang kita nayakap hanggang sa huli.
Salamat sa love na binigay mo para samin ng mga pamangkin mo. Hiling ko na sana wag na kayo matalo ni Simon, alam nating lahat na parehas hahabol sainyo ang kambal dahil sainyo sila maiiwan.
Pasensya na din kayo at binigyan ko kayo ng obligasyon sa kambal. Mahal na mahal nyo naman sila diba?
Hindi ko alam kung ano patutunguhan ng sulat kong ito. Pero kung namimiss mo ako, yayain mo si Simon dyan sa kwarto mo at manood kayo ng mga funny movies.
Vinny? Lagi mo itong Tatandaan, kahit nasaan ka man o kahit anong ginagawa mo.. Palagi akong nasa tabi mo, Hindi ako mawawala sapagkat ako ay palaging nasa puso at alaala mo.
Yung Raptor ko, saiyo ko na iniwan.. Na kay kuya mo yung susi, alagaan mo ha? Lagi mong paliguan.. Bahala kana doon tutal naman yun ang palagi mong Hinihingi sakin, pasensya kana at ngayon ko pa naibigay sayo kung kailan wala na ako.
Marami pa sana ako gustong sabihin saiyo pero.. Siguro hanggang dito na lang, alam ko sunod sunod na naman ang patak ng luha mo.
Ikaw na muna bahala sa kuya sandro mo at kina Xander at Jovi okay? Huwag mo sila masyadong paiyakin.
Love.
Ate Aesy ❤️
YOU ARE READING
Love at First ❤️
FanficThe story of a simple girl who caught the attention of SANDRO MARCOS but she ignored him. You must read the story. ✨AUTHOR'S NOTE✨ Every name, place and etc. is just a fiction and my Imagination. Read at your own risk.