Sunday Morning

10.3K 304 137
                                    

“Come and rest your bones with me." 

Malambot ang kama't mga unan. Malambot ang kumot. Malambot ang balat sa balikat ni Kathryn kung saan nakalapat ang labi ko. Malambot ang liwanag ng umagang sumisilip sa bintana ng kwarto. Malambot ang lahat. Matigas ako. I mean matigas ang ulo ko. Matigas ang paninindigan ko. Dahil sa kabila ng lahat, nasa kwarto niya 'ko't nakahiga sa kama niyang puno ng alaalang di namin makwento sa iba. Wala kasing bawal-bawal sa pusong nagmamahal. Corny, amputa. Pero totoo. Kaya't heto ako't nagpapaka-corny, nagpapakalango sa lambot ng lahat at ng bagong gising na si Kath, sa puting kwarto niyang may pintuang bawal ilapat.

"Are you okay?" usisa niya, malambing ang boses, nagaalala. Pumikit ako sa balikat niya saka humalik ng isa.

"Hindi," sagot ko naman. Mabilis siyang umikot paharap sa akin at ipinatong ang kanang kamay sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng palad niya sa itim kong t-shirt. Parang init ng pandesal tuwing umaga sa probinsya. Parang bahay. Parang tahanan. Kinuha ko ang palad niya't hinalikan din ito. 

"Why?"

May kunot na sa noo niya. Ngumisi na lang akong parang aso. Ayaw ko nang sagutin, ayaw ko na ding isipin. Pinagmasdan ko na lang siya. Magulo ang buhok, mapungay ang mata. Bahagyang nakakagat sa labi dahil sa pagaalala. Gusto ko nang halikan pero nagpigil ako. Mas gusto ko munang magpakalunod sa mukhang nakikita ko. Si Kathryn ang maganda sa "magandang umaga." O siya mismo ang buong umaga. Ang "wag na tayong lumabas sa kwartong 'to at magpakabaliw na lang sa isa't isa" kind of umaga. Kind of umaga. Putang ina?

Ibinaba ko ang tingin sa leeg niya, sa dibdib, sa tiyan, sa kung saan-saan pa. Sleeveless ang puti niyang pantulog. Naisip kong ibaon ang lungkot ko sa kilikili niya, at gumawa doon ng sarili kong mundo. Pero nagpigil nanaman ako.

"Do you want to eat?" tanong niyang muli. Napahalakhak akong bigla na parang gago. "Ano bang kakainin, Kathryn?" biro ko naman. Na-gets niya't sinapak ako sa braso. Sarap.

"Dito na lang muna tayo," pakiusap ko sa kanya.

"Okay."

Mabilis namang kausap si Kathryn. Pero mabilis din siyang kumilos. Niyakap niya 'ko nang mahigpit at ginawang hotdog na unan ang kanang binti ko. Ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko. At sa isang simpleng kilos na yun -- o baka noong papahiga pa lang ako para tabihan siya, o baka habang papasok pa lang ako sa kwarto niya -- nawala bigla ang lungkot ko. 

Inilapit ko pa siyang lalo sa akin at niyakap nang mas mahigpit. Napaisip ako. Siguro may kanya-kanya ngang langit ang mga tao. Sa umagang ‘to, ang mga unan ang ulap at si Kathryn ang liwanag. Ang mga daliri niya ang ubas at ang labi niya ang alak. Ito ang langit ko. Sana ito rin ang langit niya. 

Binagtas ng kamay ko ang katawan niya. Mula leeg hanggang tiyan. Dahan-dahan. May pagsamba. Nanahan ang kamay ko sa kinis ng hita niya. At naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Na-kwestiyon ko tuloy biglaan ang turo ng simbahan. Kung ang apoy ay sa impyerno, Lord, bakit ang init ng langit na ‘to?

“Bali,” hatak niya pabalik sa utak kong lumilipad. “Are you sad kasi pagod ka na?”

“Huh?” Malungkot pala ‘ko? Hindi ko na yata naalala. 

“Pagod ka na ba?” malungkot niyang tanong. Naghihintay ng sagot. Kahit di siya magpaliwanag, alam ko ang tinutukoy niya. 

“Sobra,” sigaw agad ng utak ko. Pero di ko sinabi. Mali. Hindi tama. Napabuntong-hininga ako at hindi agad nagsalita. Hinanap ko ang sagot sa kisame, pero mukhang nanunuya ang puting pintura. Sumagot daw ako. Para daw akong tanga. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

The Littlest ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon