Before Sunrise

6.9K 233 52
                                    

“Bal, wake up na.”

Nagising ako sa mahina niyang pagtapik sa balikat ko, at ang matamis niyang ngiti ang una kong nakita. Napangiti ako agad. Kung ganitong klase ng ngiti ang gumigising sa lahat ng lalaki sa mundo, siguro magkaka “world peace” na tayo.

“Okay ka na?” tanong ko habang inaayos ang kumot naming dalawa. Natulog kami sa tabi ng dagat para hintayin ang pagsikat ng araw.

“Okay na. Sorry ah. Sinira ko yung kagabi.”

“Sus, okay lang yun, no. Alam ko na lahat yun eh,” asar ko naman.

“Hala. Liar,” sabi niya sabay bangon at palo sa tiyan ko. “Hindi mo nga nakita yung Small Dipper eh.”

Hinila ko siya pabalik sa ‘kin at kinumutan ulit. “Hayaan mo na nga yang Dipper-Dipper na yan. Badtrip yan. Pinapaiyak mahal ko,” pang-aasar kong muli at pinisil ko ang pisngi niya. Yumakap naman siya sa ‘kin sa ilalim ng kumot. Biglang uminit. Delikado ‘to.

Hindi siya sumagot. Hindi siya nagsalita. Yumakap lang siya’t inilapit ang labi niya sa tenga ko. Maya-maya’y parang may naglundagang mga palaka sa dibdib ko nang nagsalita siya.

“Deej.”

“Hmmm?”

“Kiss mo ‘ko.”

Napalunok ako nang tingnan ko siya. Walang halong biro sa mga mata niya. Malalim. Parang bangin. Gusto ko nang talunin. May nagpa-patrol ba dito? Darating ba bigla si Tita Min? Sunod-sunod ang mga tanong sa utak ko. Pero nang ibinaba ko ang tingin ko sa labi niya, nasagot ang sarili kong tanong. Hinalikan ko siya.

Self-control – paalala ko sa sarili ko.

Agad naman niyang sinuklian ang halik ko. Marahas. Mabagal. Makagising ng demonyong lobong natutulog sa loob ng katawan ko. Makapikit mata.

Bigla niyang ipinatong ang isang kamay niya sa tiyan ko at napadilat ang mata ko. Alam kong hindi niya sinadya, pero mas lalong kumabog ang dibdib ko. Sinubukan kong magbilang na lang ng tupa. Sinubukan kong magbilang ng pera na ibinigay sakin ni Mama. Kulang na lang ay bilangin ko ang mga pilik-mata niya para lang ‘di mapunta sa kung saang pinto ng langit ang sarili kong mga kamay. Gusto ko na lang magpakalunod sa mumunting pagkunot ng noo niya habang patuloy ang pagdampi ng mga labi naming dalawa. May nagbibilang ba ng usa? Bibilangin ko din sana, pero biglang bumukas ang mga mata niya at inilayo ng bahagya ang mukha sa akin.

“Ayaw mo?” mahina niyang tanong, naghahabol ng hininga.

“Ha? Saan galing yan?” Nagmaang-maangan ako’t baka mahalatang kabado ‘ko sa takbo ng utak ko at sa masamang balak ng mga daliri ko. Tumingin lang siya, pilit na binabasa ang reaksyon ko. Swerte ko, madilim pa. “Ayaw mo ata, eh,” malungkot na tono ng boses niya. Mahirap nang ipagkalulo ng sarili kong mga mata. Kaya naman dali-dali akong pumikit, sabay lagay ng kamay ko sa leeg niya at sinunggaban ang mga labi niya. At doon ko hiniling sa diyos ng dagat na maging magnet ang kamay ko at manatili lang sa leeg niya dahil hindi ko na napigilan ang traydor kong dila na mag-hi sa dila niya.

Ilang segundo o baka ilang henerasyon ang lumipas at patuloy pa din kami. Iba siya kapag madaling araw at hindi galing taping. Matapang. Gabriela Silang. Walang pagaalinlangan. At kailangang ako ang maghinay-hinay at magpigil. Naramdaman kong umayos siya sa pagkakahiga nang medyo patagilid at bumaba nang ilang pulgada ang kamay niya. Sa puson ko pa. Anak ng tokwa. Parang ginusto ko nang binyagan ang kamay ko bilang Dora. Ang hirap. Ang sarap. Dali-dali akong nag-isip ng pangontra. Walang epekto ang tupa, kaya nag-isip ako ng mga salita. Mga painosenteng salita. Cotton candy. Okay yun. Kumalma ako nang kaunti. Pero naramdaman kong muli ang paggalaw ng kamay niya na ngayo’y nasa tagiliran ko na. Nakakakiliti. Nakakaulol.

Isa-isa kong sinambit sa isip ko lahat ng salitang maisip ko. Kahit ano. Pizza. Doughnut. Kamay ni Kath. Ah hindi. Kamay na bakal. Sandata. Ay puta. Hapon. Watawat. Kapayapaan. Pag-ibig. Himagsikan. May kaunti nang paghagod ang kamay ni Gabriela Silang. Kapayapaan. Pag-ibig. Himagsikan. Inulit ko na lang. Nakakabobo. Nakakawala sa huwisyo. May sundalong gusto nang sumaludo. Ayaw nang magpapigil ng kamay ko. Ibinaba ko ito sa likod niya, dahan-dahan, at biglang tumigil siya sa paghalik sa ‘kin. Naghabol lang ng hininga. Kinuha ko na ‘yun bilang pagkakataon. Agad na ‘kong umiwas at humiga nang nakapatong ang likod sa lupa at nagkunwaring akala ko’y tapos na kami.

Napansin kong ang tahimik pala ng paligid. Wala siyang imik at nag-alala ‘kong baka nakaramdam siya. Tatanungin ko na siya sana nang bigla siyang nagsalita.

“Ang tagal naman ng sunrise.”

Napakurap ang mata ko. Nakalimutan ko nang naghihintay nga pala kami ng pagsikat ng araw kaya kami nandito. Baka nakalimutan ko na din pangalan ko.

“Dala mo phone mo? Patugtog ka naman,” sabi ko. Kahit ano. Wag lang lumipad ulit ang utak ko sa mga gusto sanang lakbayin ng kamay ko. Wag lang love song. Wag lang kay Usher. Yung sa One Direction sana. Yung hindi ko alam. Yung walang magigising na di dapat gisingin.

“Okay.” Sinilip ko yung playlist niya. Katy Perry. California Girls. Ayos. Mukhang harmless.

Hindi ko na inintindi ang lyrics. Gumagalaw-galaw siya nang bahagya sa saliw ng kanta habang nakahiga kaya’t iniwas ko ang tingin ko. Mahirap na. Biglang dumating sa chorus. Sinabayan niya.

“California girls, we’re unforgettable.” Paos ang boses. “Daisy dukes, bikinis on top.” Nakikihalo ang tunog sa bloodstream. “Sun-kissed skin so hot we’ll melt your Popsicle.” Nanunuot sa buto.

Napaungol ako dahil sa frustration at tumalikod sa kanya. Ang daming pagsubok ng Diyos. Hindi ko na kaya. Tangina ni Katy Perry. Ano bang alam niya? Pa’no matutunaw yung Popsicle eh ang tigas-tigas na?

***********

AUTHOR'S NOTE: Sobrang miss ko na kayo. :)

Also, yung title na Before Sunrise, Sunset at Midnight eh kinuha ko lang sa Linklater trilogy. Movies yan. Favorites ko :)

The Littlest ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon