Dapit-hapon

9K 341 162
                                    

Dapit-hapon. Palubog na ang araw para sa namamasyal sa Manila Bay. Naghahalo na ang liwanag at dilim sa paningin ng mga makata. Malapit nang mag-orasyon ang mga relihiyosa. "Kunin mo na ang sinampay!" sigaw ng mga nanay. "Tabi tayo sa folding bed," lambing ko naman kay Kathryn.

Malapit nang mag-dilim pero may natitira pa ring liwanag sa labas ng tent kung saan nagpapahinga kami. Break daw muna sabi ni Direk kaya nama't hawak-hawak ko ang kaliwang kamay niya habang naghihintay na tawagin para sa susunod na eksena. Isa 'to sa mga paborito kong parte ng taping. May kaunting layo sa ingay at camera, may kaunting kapayapaan, may kaunting init galing sa balat ni Kath. Tahimik. Sapat.

Abala siya sa pagbabasa at pagtingin-tingin sa Instagram at abala naman ako sa pakikipag-holding hands sa kanya. Relaxing, masarap sa pakiramdam, kaya naman iidlip na 'ko sana. Pero bigla siyang nagsalita.

"Naniniwala ka sa 'end of the world'?"

Nawala ang antok ko. "Ha? Sa'n galing yun?"

Lumangitngit ang folding bed kung saan kami nakahiga nang bahagya siyang gumalaw at humarap sa 'kin. Ibinaba ni Kath ang phone niya pero hindi inalis ang kamay na nakapulupot sa mga daliri ko.

"Nabasa ko lang. May news kasi. Isang girl. She got arrested daw kasi nanggulo siya sa parang plaza? Basta ganun. Tapos kine-claim niya na end of the world na daw bukas," paliwanag niya na may kaunting kunot ang noo.

"Ano yun, may sira sa ulo?" tanong ko naman.

"I don't know," sagot niya bago mag-pout. "I'm just thinking...pa'no kung totoo yun? Na may date na para sa end of the world?"

Napaisip ako. Nung bata ako, oo, naniniwala ako. Pano ba naman, ang astig kaya ng idea na may katapusan ang mundo. Gusto ko yun. Yung tipong nagbabagsakan mga building at nilalamon ng lupa ang mga tao? Cool. Rakenrol. Pero bata ako nun na walang takot at tuwang-tuwa sa ideya na mawala na lang bigla kasabay ng mundo.

Nakatingin lang si Kathryn habang naiisip ko lahat yon, at ayaw ko namang isipin niyang hindi ko siya sineseryoso kaya dali-dali ko na ring sinagot. "Dati, oo. Pero ngayon, hindi na."

"Why?"

"Kasi ayoko na? Kasi gusto ko pang mabuhay nang matagal? Gusto ko pang gawin lahat ng 'to..." Tiningnan ko ang mga mata niya bago ibaba ang tingin sa kung saan magkahawak ang mga kamay namin. "Kasama ka."

May maliit na ngiti sa mga labi niya bago muling magsalita. "But what will you do kapag 'end of the world' na pala talaga tomorrow?"

"Ayoko nga nun."

"Kunwari nga lang. Just try to imagine it."

Kulit. "Ikaw," sabi ko bago pisilin ang ilong niya, "Kung anu-ano yang mga binabasa mo sa Internet ha. Isipin ko pa. You first."

"Me? I'll spend the rest of my time with you and my family," sagot niya na parang naplano na ang lahat at kasama ako sa mga planong yun.

"Yun na yon?" tanong ko, pa-macho, na para bang hindi natunaw ang buong pagkatao ko.

"Why? Yun lang naman mahalaga, right? Kasi--" Napatigil siya sa pagsasalita dahil may kung ano yata siyang nakita sa mukha ko. Sabay grin at iwas ng tingin. Hindi ko alam pero bigla ko na lang sinuklay ang buhok niya gamit ang isang kamay ko. Involuntary na galaw ng katawan siguro. At kung may bibig lang ang puso ko, napangiti na yun panigurado.

"O, your turn," udyok niya.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. Mahirap nang mawalan ng lakas ng loob habang umi-ispeech at nagpapaka-romantic.

The Littlest ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon