Random

3.5K 153 17
                                    


A/N: Minsan, kahit kinulang na sa practice at di na malaman ang central idea, hala sige siya, sulat pa rin. Pasensya na. :)


***


May kaunting bakas ng pawis sa noo ni Kathryn na natuyo nang lakasan ko ang aircon sa kwarto. Hindi ko pala napunasan. Masyado kasi akong napatitig sa nginig ng labi niya matapos kaming mag... alam mo na, at napaisip na kahit araw-araw mo nang kasama ang isang tao, meron at meron ka pa rin palang madidiskubreng bago. Maliliit na detalye. Mga simpleng bagay. Tulad ng mga mata niyang bilog na lalo pa palang bumibilog kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa buhok ko. O ang ilang hibla ng bangs niya na lumilipat sa kabila tuwing humihiga siya patagilid bago ilapat ang mukha sa dibdib ko. O tulad ng balat niyang hindi ko malaman kung bakit mas makinang at makinis at malambot pagkatapos kong mahalikan ang bawat sulok. Mga pinong detalyeng wala namang halaga sa iba, pero ewan ko ba, nakakamangha pa rin. Napapatitig pa rin ako. Parang si Newton siguro nung bumagsak yung mansanas. O yung unang taong nakakita kay Mona Lisa. Magic, tol. May explanation naman talaga pero, pucha, namnamin ko muna. Ganon. Parang feeling siguro ng Diyos nung sinabi niyang, "Let there be light." And there was light. Tulad ng liwanag sa ngiti ni Kathryn sa gabi bago ako halikan. At sa liwanag ng mata niyang nakatitig rin sa 'kin at para ring nahihiwagaan. There was light sa ilalim ng kumot na bumabalot sa amin ni Kathryn. At oo, Lord, tulad mo, I saw that the light was good.

Paborito ko ang mga gabing tulad nito. Hindi pinagplanuhan. Random. Sa tagal ng relasyon namin, mas madami yata yung mga araw na napapalibutan kami ng mga tao. Pamilya, kaibigan, fans. Kahit yung mga taong hindi kami gusto, nasa tabi-tabi lang. Kaya naman yung mga pagkakataong tulad nito, na kaming dalawa lang, tahimik, at mas lalo pang kinikilala ang isa't isa, tinatrato kong espesyal. Rare. Parang may event. Parang may selebrasyon. Tipong matagal nang mag-asawang pinagkaitan ng extra oras, na pinaiwan sa lola ang dalawang bata para makatikim ng kaunting honeymoon. Kaunting oras na sagrado. Pero sapat na para mas lalo ko siyang mahalin.

Tumingala si Kathryn mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko at pinagmasdan lang ako. May tanong sa mga mata niya pero nginitian niya 'ko. Nginitian ko rin siya.

"Love, why are you so quiet?" Inabot ng kanang kamay niya ang pisngi ko at saka hinaplos. Mas napayakap tuloy ako.

"Wala lang," sagot ko. "Ineenjoy ko lang."

"Ineenjoy ang?"

"Ito. Tayo."

Kumunot ang noo niya at nag-pout. Kunwari hindi kinilig.

"You're so weird, tangi," tukso niya sa'kin gamit ang pinaka-sweet niyang boses na parang bata. Pa-cute. 'Kala mo e hindi pang rated R-18 ang pinaggagawa namin. Saglit siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin para mas matingnan ako nang mabuti. Ilang segundo lang tapos ngumiti na ulit siya. Naiintindihan niya.

"I like this, too. Very private. Our little secret na walang nakakaalam."

Ako naman ang nanukso. Ngumisi ako. Yabang ko e. "Bal, believe me, everybody knows." Pout. Tawa. Sabay kagat nang konti sa balikat niya.

Inirapan niya 'ko pero bumalik din sa pagkakayakap. "Yah. But still... They can't take pictures. They don't know how we do it. Still private."

Tama naman siya. Paborito ko 'to hindi lang dahil rare o special. Gusto ko 'to dahil ito ang pinakapribadong oras namin ng girlfriend ko. At alam ng lahat how much we value our privacy. Kahit nung kinumpirma kong kami na, sinigurado kong magtitira ako. More than five years? Oo, pero sinabi ko bang six years and three months? Napaiyak ka na ni Kathryn? Yes, pero yung handa akong tumalon sa bangin para sa kanya, alam mo ba? Yung mga pagkakataong amin lang, na walang nakakarinig at walang nakakakita, na ako si Daniel at siya si Kathryn at walang pwedeng sumali at humusga, yun ang mga pagkakataong pinakagusto ko.

The Littlest ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon