Universe

5.5K 316 51
                                    


Gumagana ba yung pagbibilang ng tupa?

Dalawang balik sa banyo, tatlong patay-sindi ng ilaw, at pitong palit-posisyon sa kama na ang nagdaaan pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Kahit anong pihit ng pwet ko at kahit anong pilit kong pumikit, hindi ako makatulog. Badtrip. Kung kailan namang dapat akong magpahinga matapos naming magbakasyon ni Kathryn na kami lang dalawa eh saka naman ako ayaw dapuan ng lintek na antok na yan. Pagod sa byahe pero gising na gising pa rin. Ewan ko ba.

Habang nakahiga kasi ako, ramdam kong biglang may kulang. Para akong may nawawalang tadyang. Parang kati na gusto ng kamot pero 'di ko maabot. Parang uhaw. O pwede ring para akong naghahanap ng espasyong pwede kong punan. At parang gusto kong umangat mula sa kama. Lumipad. Magpakawala sa kawalan at bumalik nang buo. Yung ganung craving na ayaw magpatulog? Yung tipong hindi lang gusto. Kailangan. Pero hindi ko naman magawa.

Alas-dos na ng madaling araw pero yung katawan at utak ko, hindi mapakali. Nanibago yata ako dahil solo ko ulit ang kwarto at wala si Kathryn sa tabi ko. Ang weird. Anong problema ko ba? Eh hindi naman talaga kami (sobrang) madalas matulog nang magkasama? Nabigyan lang ng konting kalayaan ng magulang, hinanap-hanap ko na?

O baka naman sadyang miss ko lang talaga. Miss ko na agad-agad. Miss ko na kahit kasama ko lang siya kanina.

Bumangon na lang ako't dumiretso sa harap ng TV. May isang fan na nagrekomenda sa'kin dati ng isang sci-fi na series at ngayon-ngayon na lang ako nagka-panahong panoorin. Maganda. Solid. May lalim. Nasa Season 2 na 'ko nun at dahil hindi naman ako makatulog, naisip kong manood na lang ng isang episode.

Sinubukan kong 'wag pansinin ang pagka-miss sa girlfriend kong sigurado akong tulog na tulog na sa oras na 'to. Baka kung blanko ang utak ko at di siya iniisip masyado, makatulog na rin ako pagkatapos ng palabas. Pero tungkol pala sa alternate universe yung episode, at habang pinapaliwanag ng matandang scientist kung paanong may ibang version ng isang tao sa "other side" na kamukhang-kamukha mo pero iba ang buhay at ugali at nakatuluyan, kay Kathryn pa rin napunta ang takbo ng isip ko. Kahit anong iwas, siya pa rin ang patutungahan. Sa kanya pa rin pala babagsak.

Pinause ko yung palabas. Inoff ang TV. Kinuha ang cellphone sa lamesita sa tabi ng kama at saka humiga ulit.

Magiging tayo pa rin kaya kung sa ibang mundo mo 'ko nakilala?

Alam kong tulog siya pero sinend ko pa rin. Lasing na nag drunk text kahit hindi naman lasing. Ilang segundo lang ang dumaan bago ako tuluyang ma-conscious sa ginawa ko. Shit lang, ano nga ulit tinext ko? Nanuyo lalamunan ko dahil sa hiya. Dali-dali akong nag-type ulit para bawiin yung tanong.

Joke lang. Sorry. Good night, mahal. :))

Napa-exhale ako pagkatapos dahil, tang ina, ang hassle ng tanong mo, Daniel. Ano yun?? Buti na lang at agad kong napagtantong para akong tanga.

Pero biglang tumunog yung phone. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, nanlaki ang mga mata ko. At parang slow-mo kong nilingon ang nakailaw na screen. Si Kathryn.

WHAT

San galing yun, bal? :)

Kathryn Bernardo, gising na gising at three in the morning. Wow. Teka. Imbes na mag-text ulit, tumawag na 'ko sa kanya. Magpapanggap pa ba ko? Kumapit lang naman talaga ko sa katiting na pag-asang baka gising pa siya. Pinagpapala talaga ang mga kumakapit, tang ina. Saka gusto ko lang naman kasing marinig ang boses niya. Baka sakaling pag narinig ko, makatulog na ko. Yung mahimbing. Yung parang may katabing Kathryn.

Isang ring lang at agad niyang sinagot.

"Bali, bat gising ka pa?" panimula ko. May tunog ng maiksing hagikgik sa kabilang linya.

The Littlest ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon