CMM 1:

43.1K 734 11
                                    

#shortupdate#shortstory

CMM 1:

 

“Narinig mo lang yung kwento na gusto ko na marinig mo, wala kang ideya sa kung ano ang totoo, o talagang hindi lang ako handa sa kung anuman ang sasabihin mo sa oras na malaman mo na,”

 

 

Yung kwento ng alibughang anak sa bible, yun ang laging sinasabi ng mga tita niya kapag napapag-usapan ang kanyang isang tita , yung sumunod sa kanyang mommy, lumayas daw kasi ito noon,  at kung ano ano pang mga bersyon ng kwento na hindi niya na lang pinapakinggan.

Bata pa siya at mas mahala ang maglaro imbes na  makinig sa pagtatalo ng mga matatanda.

Hanggang sa isang araw.

Bumalik ang alibughang anak kasama ang pamilya nito, ang kanyang asawa, at isang anak na babae. Napa ka cute nito, bilugan ang mukha at may kulay brown na buhok, brown din ang mga mata nito, bagay na bagay dito ang suot niotng putting damit, nagmumukha itong isang anghel sa palabas na paboritong panoorin ng kanyang Ate Myca.

“What‘s your name?” bati ni Mir sa batang kasama, anak ng kanyang tita, kaya pinsan niya kung tutuusin. Tinignan muna siya ng batang babae, siguro mas matanda siya ng ilang taon dito, nasa grade four na siya, ito malamang nasa grade two pa lang, madalas kasi ang nakikita niya na ganitong height nasa grade two lang. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagmamasid sa kanya, wala kasi ang lahat ng matatanda, may pag-uusapan daw, kaya siya ang naiwan dito sa sala kasama ng kanyang bagong kilalang pinsan.

“Hindi ako bad,” sabi niya dito para mapalagay ito sa kanya, sa nakikita niya kasi na mga bagahe na dala ng mga ito, mukhang magbabakasyon ito sa bahay ng kanyang lolo at lola. Nandito sila ngayon sa matandang bahay, bukas kasi ang 50th anniversary ng kanilang lolo at lola. Pupunta ang kanilang mga kamag-anak, maraming pagkain, maraming laro.

“Shy,” napangiti na si Mir ng marinig ang boses nito.

“bagay sayo ang pangalan mo,” puri niya dito saka tinabihan…natutuwa siya sa ideya na may bagong siyang pinsan, mahilig siyang makipagkilala…gusto niya ito, gusto niya si Shy, alam niyang magugustuhan ito ng iba pa nilang pinsan.

Sana magustuhan din siya nito.

 

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon