CMM 13:

15.1K 426 2
                                    

"Her smile reminds me of someone"

...

Maganda ang kababata ni Luke. Si Luke ang kanyang kaibigan, kasamahan niya sa kumpanya. Sabi nito bakla daw ito at inlove sa bestfriend.

Yet it takes one to know one. Hindi malandi si Luke sa mga lalaki, hindi gaya niya na pinipilit. Sanay na rin siya sa ginagawa, kinikilos at sinasabi. Sanay na rin siya aa pakiramdam. Pero nandoon pa rin ang kirot, after ng ilang buwan na komunikasyon kay Shy, nawala na lamang lahat.... ang pamilya nila ay wala ng komunikasyon dito. He had no idea, matagumpay ang daddy nito na mapaglayo sila.

Minsan, sa gitna ng gabi, napapaisip siya..kumusta na kaya ito? May asawa at anak na ba? Hindi bat ang unfair noon? Siya itong patuloy na naghihintay,piniling wag umalis sa kahapon, pero ito... hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan.

Siguro nga, this is his karma. Willing naman siyang saluhin anh lahat ng karma.

Kaya lang gusto niya kahit isang beses makita ito. Iyon lamang ang kanyang hiling, not fame and money, just the single sight of her.

He wanted to see of she still carries that set of loving eyes.

Kaya naman ng nakilala niya si Pyne, nadala siya sa mata nito. Parehas sila...kaya naman hindi niya maiwasan na sabihin na ang swerte ni Luke, kaya lamang bulag ito.

Hindi nito makita na ang bagay na hinahanap nito ay nasa harapan na. Nakakainggit, kung kaya nya lamang bumali ng pangako, siya ang papawi sa luha sa maganda nitong mata.

Pero hindi dahil patuloy siyang maghihintay.

Maghihintay kahit parang wala na.

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon