CMM 14:

15.7K 439 4
                                    


"She's not a dream?"

...

Umalis si Luke dahil nasaktan, pero mas nasaktan si Pyne, nawala ang kanilang anak dahil sa hindi pagkakaintidihan. Naisip ni Mir hindi niya hahayaan mangyari yun sa kanya.

Pero nasaan nga ba? Wala pa rin ang taong nagpaparamdam noon. Tampulan pa rin siya ng tukso ng pamilya, pero tanggap naman ng mga ito kung ano ang kanilang nakikita.

Marami ang nanghihinayang, sa mga reunion na napipilitan niyang puntahan, iyon ang laging bukambibig, ginagantihan niya lamang ng ngiti o di kaya'y pagpilantik ng kanyang kamay.

Dalawa lamang silang nakakaalam, pero mukhang nakalimot na ang isa.

Lumipas ang dalawang taon, bumalik si Luke, ibang iba sa Luke na umalis, determinado at puno ng reyalisasyon, pero para saan pa? Mukhang huli na ito, nakausad na ang babae na iniwan nito. Wala na itong babalikan...Sinabi niya na ibabaon niya ito dahil sa katangahan...kung bakit ngayon lang?

Bakit ngayon pa?

Pero sabi nga lahat ng bagay ay may dahilan....kasi may sumunod kay Luke. Babae.

At nakangiti ito sa kanyang harapan ngayon.

Para siyang natulos. Hindi makakilos, sumasabog ang puso. Naluluha ang kanyang mata.

Yung pag-asa niya , nakatayo sa kanyang harapan, habang binabanggit ang kanyang pangalan.

"Mir."

And damn it. She's not a dream.

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon