CMM 3:

21.6K 530 5
                                    

A/N: supershort talaga ang concept ng story na'to kaya wag po magtaka..

CMM 3:

“Bumalik ang alibughang anak…para magpaalam lang ulit, aalis  siyang muli  at hindi na muling babalik,”

 

Natuwa si Mir nang sa mismong school na nila mag-aral si Shy, siya ang kasabay nito lagi, inihahatid niya pa ito sa klase at sinusundo. Tuwang tuwa talaga siya kapag kasama ito, masayang kalaro si Shy, hindi maarte gaya ng iba niyang pinsan na babae. Hindi siya maselan kapag nadudumihan ang damit.

“Sabi ni mommy, okey lang daw madumihan basta ba nag enjoy at may natutunan,” iyon ang laging sinasabi ni Shy na tumatak sa kanya, cool ang mommy nito, mabait ang kanyang tita, kaya hindi niya maintindihan ang kanyang mommy at ibang kamag-anak kung bakit suwail ang tawag nila sa mommy ni Shy. Para kasi sa kanya napakabait nito, hindi gaya ng parents nila na laging nakabawal.

Mabait din ang daddy ni Shy, marami siyang natutunan, marami kasi itong karanasan bilang researcher, sa mga lolo at lola niya nakatira ang  mga ito kaya madalas siya doon. Lahat naman sila halos madalas doon.

“bakit ka umiiyak?” isang araw na lang, nakita niyang umiiyak si Shy, habang nakatalungko ito likod ng bahay, yakap niya ang isang teddy bear na ineregalo daw ng mommy nito. Gusto niya na rin na maiyak, ayaw niya kasing makitang umiiyak ito, pakiramdam niya , siya rin nasasaktan. Nasasaktan siya para sa kanyang pinsan.

“Si mommy, nagpapa-alam na siya ulit,” hindi maintindiha ni Mir ang sinabi ni Shy, naging malinaw lang yun, pag lipas ng ilang linggo.

Natuklasan ng lahat na may cancer pala ang mommy nito… at ang pagbabalik nito ay para humingi ng tawad at matanggap muli ng pamilya. Ang masayang bahay na iyon ay napuno ng iyakan, hanggang sa dumating ang araw na iniilagan nilang lahat.

Pumanaw na ang alibughang anak.

Namatay na ang mommy ni Shy, iyak siya ng iyak, sa bawat pag-iyak nito, nandoon si Mir para dumamay, para pumahid ng luha.

Habang ibinababa ang kabaong nito sa lupa, nanguha ng bulaklak si Mir, pinabaon niya ang isang pangako sa pagkamatay nito.

“Don’t worry po tita, ako na pong bahala kay Shy, aalagaan ko po siya at mamahalin, promise po,”

Mamahalin? Mababaw lamang noong una, pero kalaunan….iba na ang nagiging kahulugan ng pagmamahal na nasa isip niya…hindi na lang isip niya.

Pati doon sa parte kung saan natin tinatapat ang kamay kapag kumakanta ng Lupang Hinirang..

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon