CMM 7:

15.5K 458 15
                                    

CMM 7:

 

 

 

 “At dahil hangad nila na paghiwalayin tayo, nagdesisyon ako, magtatago ako para maging masaya ,kasama ka,”

 

May mga matang nakatingin, iyon ang bagay na malinaw kay Mir. Nanonood sila lalo na kapag kasama niya si Shy, kailangan nya tuloy limitahan ang kanyang kilos. Kahit gusto nya bawat Segundo kasama ang kanyang pinsan.

Mali.

Hindi pala sila magpinsan.

Makabulahan pala ang mabilis na pagtibok ng puso niya kapag kasama niya ito. Kaya nya na itong pangalan dahil alam niya na hindi ito mali.

Ibang tao. Sila ang manghuhusga, maging ang kanilang pamilya, pero ano nga bang kinalaman nila sa kung paano natin gagawing makabuluhan ang isang natatanging pagkakataon para mabuhay?

Alam niyang mas maaga pa, bata pa siya kung tuusin, pero isa lang ang malinaw, nakikita niya ang kinabuksan niya kasama si Shy.

“Iniiwasan mo ba ako?” tanong nito na nagpabalisa sa kanya.

“hindi, bakit mo nasabi yan?”

“hindi ka na masyado nakikipaglaro sa akin, hindi ka na rin sumasabay, mas pinipili mo pa na sa ibang babae, may crush ka nab a sa iba na ayaw kong malaman, lagi na ngang wala si daddy, wala na rin akong mommy, ikaw na lang tapos wala ka pa,  iiwan mo rin ba ako? “

Kay sarap isipin na nakadepende na ito sa kanya, kay sarap isipin na may kalakip na selos ang bawat salita nito.

Ang sarap isipin.

“hindi,” hinawakan niya ang pisngi nito, umiiyak na ito, hindi niya gusto itong paiyakin.”konting tiis lang at gagawa ako ng paraan.” Tumango ito sa kanya.

Nahinto ang tagpong iyon ng tawagin siya ng kanyang mommy. May takot sa mga mata nito.

Ang kanyang mommy, mali pero, kailangan niyang gawin ang nasa kanyang isip. Hindi niya kaya na hanggang tingin lang siya kay Shy. Kahit pa magsinungaling, handa siyang gawin.

Isang araw pumasok siya sa kwarto ng kanyang mga magulang. Naupo sa dresser ng kanyang mommy, tinitigan niya ang mga nalagay doon, lipstick, make up, mga babaeng pabango.

Huminga siya ng malalim at dinampot ang lipstick, nag-umpisa siyang padaanin yun sa kanyang labi, katulad ng napapanood niya sa kanyang mga ate at sa palabas. Pinakealaman niya ang lahat ng nandoon.  Ibang iba na ang kanyang histura, inakabahan siya sa posibleng mangayari, narinig niya ang busina sa baba, hudyat na dumating na ang tampok sa kanyang “palabas”.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto, nakatayo doon ang kanyang mga magulang na gulat na gulat.

“MIR!” mabagsik na tawag ng ama, hindi siya nagpapanggap na natatakot dahil tunay  ang kanyang nararamdaman. “anong ibig sabihin nito,”

“Daddy,” ang boses niya ay hindi na kasing tigas ng dati. Lumapit ang kanyang daddy, pilit binubura ang lipstick sa kanyang labi, masakit, kaya naman hindi niya mapigil na umarap,”dad masakit po,”

“talagang masasaktan kang bata ka!” singhal nito, nakatikim siya ng sambal kaya naman nabuwal siya at tumama sa kama, dinaluhan siya ng kanyang mommy na alalang alala, niyakap siya nito ng mahigpit.

Nakatayo pa rin sa kanilang harapan ang kanyang ama na galit na galit, dinuduro siya nito dahil hindi nito matanggap ang nakita, lalo na at nag-iisang anak na lalake ito.

“Umamin ka ngang bata ka, bakla ka ba?!”  huminga siya ng malalim habang umiiyak…

Ito na ang umpisa.

“Sorry dad,” lumapit itong muli at binigyan siya ng sampal, sa bigla ng kanyang mommy ay hindi nito napagil ang ama para masaktan siya, sumisigaw lang ito ng tama na!

“Ano masaya ka na?” hindi para sa kanya ang Sinabi ng ama, dahil sa  mommy niya na nakayakap ng mahigpit sa kanya habang umiiyak.

Saan nga ba ito masaya?

“Sorry, mommy, daddy, sorry po dahil bakla ako,” ulit niya na nagpahagul gol sa kanyang mommy, nagwawala naman ang kanyang daddy na bumaba.

Nakakatakot. Kung paanong handang handa siyang magsinungaling sa lahat para makasama si Shy, maging sa sarili niya, nakakaramdam siya ng takot at awa.

“Patawad anak, hindi kita naintidihan,” bulong ng kanyang mommy.         

Patawad mommy, dahil hindi ko rin maintindihan ang mga dahilan nyo kung bakit hindi kami pwede.





Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon