CMM 8:

15.3K 457 16
                                    

#unedited

.............

CMM 8:

 

 

Nakakamangha na wala akong pakialam sa aking sariling kalungkutan, mas pinoproblema ko kung paano kita mapapasaya at makakasama ng walang mga matang nakatingin na mali tayo, na mali ito.”

 

 

Wala nang nagawa ang mommy ni Mir sa pangalawang bugso ng galit ng kanyang ama, masakit para dito na ang anak nito ay naging ganoon. Akala niya sa bawat palo at pananakit ay titino ito.

Pero paano magbabago ang isang taong naging pinal na sa kanyang desisyon? Iniisip niya lang posibilidad na paghiwalayin sila, mas lalo siyang masasaktan, kaya kung anuman ang makuha niya ngayon mula sa galit ng kanyang ama.

Tatanggapin niya. Kabayaran na rin sa kasalanan at pagpapanggap na kanyang ginagawa.

“Mir, anong nangyari sa’yo?” matapos ang isang linggo na pagkakakulong sa loob ng bahay ay pinalabas na rin sya. Napawi na rin sa kanyang paningin ang galit ng ama, kinakausap na siya nito, ang lungkot sa mukha ng kanyang ina ay mas nadagdagan pa kapag ginagamot nito ang kanyang mga pasa.

Sa isang buong linggo, wala siyang ginawa kung hindi pagalingin ang mga pasa at planuhin ang kanyang mga plano. Di siya makapaniwala na kaya nga na tong desisyunan ng ganito.

“wala ito,” he assured, umiiyak na yumakap ito sa kanya,” tahan na,” alo niya dito, bumitiw ito at sumisinghap singhap pa rin. Napakaganda talaga nito kahit umiiyak.

“sabi nina ate, ba-bakla ka daw totoo ba?’ alangan na tanong nito sa kanya.  Lumingon siya sa paligid, wala ng mga nakamasid hindi gaya ng mga nakaraang linggo.

Malaya na naman silang dalawa.

“Gusto mo ba akong maging bakla?” tanong niya dito, hindi ito makasagot, nakatingin lamang sa kanya.  Hinaplos niya ang maamo nitong mukha.

Ganito ka pala kabilis. Tukoy niya sa rigodon ng kanyang puso.

“Gusto mo ba? Sabihin mo sa akin ang totoo please?” nagmamakaawa siya, higit sa lahat, mahalaga ang magiging opinion nito. alam niya, sinasamantala niya ang kainosentehan nito, pero hindi siya lalampas sa linya hanggat hindi pa tama ang panahon. Hindi pa nya ipapaalam hangga’t hindi pa nito handang marinig ang laman ng kanyang puso.

May panahon ang lahat.

Gaya ng panahon na ngayon para marinig kung ano ang opinion nito.

“Gusto mo ba Shy?” napakagat labi ito, saka sunod sunod na umiling.

“Hindi ko alam pero ayoko, ayaw kitang maging bakla.” Pag-amin nito na nagpatuwa sa kanya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad, hinalikan niya ang noo nito sa sobrang tuwa.

Halik lang naman sa noo.

Nagulat ito sa kanyang ginawa.

“Ako ay ako kapag tayong dalawa lang , ako ay akala nilang ako kapag kaharap ang iba, “ sabi niya dito, halata ang pagkalito sa kanyang sinabi.

“Hindi ko maintindihan, kuya Mir,” minsan lang itong tumawag sa kanya ng kuya, at lagi niyang ikinakainis ang mga minsan na yon, katulad ngayon.

“ Mula ngayon, tawagin mo akong mommy, nammimiss mo ang mommy mo diba? Magiging katulad niya ako sa buhay mo, karamay mo at masasabihan ng problema, kasama mo din sa masasayang oras, hindi na nila tayo mapaghihiwalay,”

Alam ni Mir na imposible, sino siya para humiling ng ganoon? Sino siya para palitan ang lugar ng mommy nito sa puso ni Shy? Pero ito lang ang tanging paraan.

Hindi lang sa kanyang pamilya siya nagsisinungaling, higit sa lahat kay Shy tungkol sa kanyang tunay na intensyon

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon