CMM 5:

17.1K 527 19
                                    

#shortstoryshortupdatewagumasanamahaba

.........................................

CMM 5:

“Nagagalit ako sa hindi maipaliwanag na dahilan, bakit hindi mo kasi maintindihan na dapat ako lang? ang simple lang naman noon diba?”

 

Nauso ang Flames sa school. Binabalewala lang ni Mir kapag naririnig nya ang kanyang pangalan na ipinapareha sa kanyang mga kaklaseng babae, ang F daw ay Friends, lovers naman ang L, Angry and A, married ang M, Enemy ang E, tapos Sweetheart ang S. Nauubos ang mga oras ng mga babae sa walang kwentang bagay, pinagtatawanan lang nilang mga lalake iyon. Hindi naman kasi iyon totoo.

Pero ng nakita ni Mir na ang likod ng notebook ni Shy ay mag ganoon din, nakararamdam siya ng pinaghalong inis at curiousity,buong pangalan ni Shy iyon at sa isang lalake na ang pangalan ay Lemuel John Sison.

Lalong napakunot ang kanyang noo ng Married ang lumabas, pinilas niya itong bigla , tyempo naman na nakita iyon ni Shy.

“Bakit mo nilukot?” reklamo nito sa kanya.

“May crush ka pala sa sipunin na kaklase mo?” sigaw niya dito, nasa loob sila ng kwarto nito, nagpaaturo kasi ito sa assignment sa kanya, since ahead siya dito kaya willing siayng turuan ito.

“Hindi naman, yung kaklase ko lang gumawa niyan, si Marie,” depensa nito, hindi siya naniniwala dahil halatang naglilihim ito.

“May gusto ka sa kanya?”  noong panahon na yun,  gusto niya lang malaman ang sagot, at sa hindi malaman na dahilan, sana hindi. Hindi pa talaga siya sanay na ipamigay o mag kagusto sa iba ang pinsan.

“Gusto mo ba siya?” ulit niya dito,” crush mo ba iyon?” may bikig sa kanyang lalamunan, bakit ganito ang pakiramdam niya? Galit na galit siya sa isipin an iyon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, at ang dahilan pa noon  ay ang isang kalokohan na laro ng mga babae.

“Hindi, cute lang siya , pero hindi ko siya gusto, si Marie kasi eh,” sagot nito, napahinga siya ng maluwag, kahit paaano gusto niya ang sagot nito.

Kumuha si Mir ng ballpen at nagsulat sa notebook. Isinulat niya ang kanyang buong pangalan at ang pangalan ni Shy bago iniabot ang notebook dito.

“Oh, I solve mo yang pangalan natin!” utos niya dito, takang kinuha naman nito ang notebook. Nakatingin lang ito sa kanya,

“Bakit ayaw mong gawin?” tanong niya dito.

“hindi naman tayo pwede I flames eh, kasi pinsan tayo,” sagot nito, pero, wala syang pakiealam, patuloy niya itong inutusan.

“Wala akong pakialam, basta!” utos niya kaya napasunod na rin ito, tumabi pa siya dito habang nilalagyan ng cross ang kanilang mga pangalan at binibilang ang letra.

Excited siya at kinakabahan sa resulta.

Tumigil si Shy at napatingin sa kanya, nakalabi ito.

Nakalabi ito.

Hindi niya maintindihan kung bakit , paulit-ulit yung nagrereplay sa utak niya. Napalunok siya at tinanong ang sagot sa  kanilang flames.

“Anong result?”

 Hindi ito kumibo, bagkus, binilugan lang resulta ng ginawang flames…at ang sagot ay nagpangiti sa kanya, sa kabila ng pagiging bawal dapat nito.




“LOVERS.”

 

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon