CMM 9:

14.8K 455 5
                                    

#unedited

....
CMM 9:

"Akin ka lang, ako lang...ganoon ito kasimple"

Nawala ang mga matang mapagmatyag, kaya ganoon na lamang ang kasiyahan ni Mir, salamat sa pagpapanggap.

" Nabawasan na ang may crush sa'yo." Komento ni Shy kagat kagat nito ang tinidor..inaayos niya kasi ang pagkain nila, lunch time, hindi niya palalampasin na magkasabay sila.

Napangisi siya.

"Ganoon ba? Eh di maganda." Tinulak niya ang baunan nito palapit para makakain na, mabuti na lamang at wala silang ibang kasabay, wala siyang kaagaw sa atensyon ni Shy.

" Ok lang sa'yo ang ganoon? Pati mga friends mo na lalaki ayaw na rin sayo, inilapit pa nito ang mukha para senyasan siya ba lumapit. Ginawa niya naman ang ibig nito." Natatakit sila na baka mahawa daw sila sa pagkabakla mo, yun ang narinig ko." May himig awa ang boses nito.

Pero hindi yun mahalaga.

Hinimas niya ang buhok nito at ngumiti.

" Don't worry too much, hindi ko pag aaksayahan ng panahon ang mga taong hindi ako kayang tanggapin. Kain na." Makita niya lamang na masaya itong kumakain parang nabubusog na siya.

Kung sana ganito lamang lagi.

Kung sana ganito lamang kasimple ang bawat bagay.

Pero hindi.

Dahil kung nabawasan ang humahanga sa kanya, kabaliktaran kay Shy.

Kabaliktaran sa babaeng itinatangi niya.

"Mir, hi- hindi ako sasabay pag uwi," nauutal na sabi nito.

Hindi makatingin sa kanya.

"Bakit?"

"May gagawin kaming assignment ni Veronica." Sagot niyo.

Ayaw pa rin talagang tumingin.

"Hintayin ko kayo, o baka kaya ko , ako na lang ang magturo-"

" Naku, wag na, ka-kami nalang, umuwi ka na, mauna ka na, sige bye!" Tumakbo ito.

May mali talaga.

Kaya naman nagmasid siya para makita ang mali na iyon.

Tama nga ang kanyang hinala...

Hindi si Veronica kung hindi si Denise ang kasabay nito.

Kaedad niya, at siguradong may crush sa kanyang Shy.

Nakakagalit.

Pero wala siyang karapatan.

Nasa likuran siya habang pinapanood ang sabay na paglakad ng mga ito.

Nakita niya rin kung paano inabot ng kamay noong Dennis ang kamay ni Shy.

Mas binilisan niya ang lakad.dumaan siya sa gitna para mapaghiwalay iyon. Huminto siya at humarap.

Bakas ang gulat sa mukha ni Shy.Inis sa mukha ni Dennis.

Panibugho sa kanyang mukha, samahan ng pgkabigo.

" Sana nagsabi ka ng totoo." Baling niya kay Shy saka muling tumalikod.

Hindi niya ito kayang saktan.

Hanggang doon lang ang kaya niyang gawin. Ang ipakita ang kanyang tampo.

Hanggang tampo lang.

Iniwasan niya ito hanggang sa hindi pa napapawi ang kanyang tampo.

"Anong ginagawa mo dito?" Matabang niyang sagot ng mapagbuksan ito sa labas ng kanyang kwarto.

Nakatungo.

Isasara niya na ang pinto dahil sa ayaw nitong sumagot.

Pero bigla nitong hinarang..

" ginawa ko yun kasi...."

"Kasi ano?"malamig niyang sagot.

Ito na ba ang kinatatakutan niya?

Ang pagkabigo kahit.hindi pa naman talaga siya nag uumpisa?

"Kasi...kasi..." unti unti itong timingala, may butil ng luha sa gilid ng mga mata..

"Kasi ano?" Napawi ang lamig sa kanyang tono, napalitan ng antisipasyon.

"Kasi nagiging crush kita, mali yun diba?"

Sandali siyang natigilan, hanggang sa hinili niya ito papasok sa kanyang kwarto, niyakap niya ito. Nilagay niya ang tenga nito sa tapat ng kanyang puso.

" naririnig mo ba?" Bulong niya sa babaeng yakap.

"Oo, " humihikbi ito.

Pero alam niya na nagkakaintindihan na sila. Parehas na sila ng daan na pinupuntahan.

Daan ng kasalan?

Sila lamang ang nagsasabi.

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon