CMM 2:

30.9K 584 4
                                    

CMM 2:

 

“yung panahon na tayong dalawa lang sa ating mundo, tahimik, ikaw at ako lang, iyon ang aking pinakamasaya hanggang sa tumigil…”

 

That’s our house, that’s tita Leng, yung dalawa nating tita at si tito Jules, malapit lang dito ang bahay nila, sa village natin may park din sa court,  last year kasali kami sa tournament ng mga kaklase  naming, hindi kami ang nanalo kasi kinampihan ng referre yung kalaban naming.” Inutusan si Mir na ipasyal ang bagong pinsan na si Shy, matagal daw kasi ang magiging usapan nga pamilya, okey lang naman sa kanya na ilibot ito.

Kung magtatagal ito sa kanila, dapat alam na rin niya ang mga magiging pasyalan nila, yung mga paglalaruan.

“malapit lang dito yung elementary naming, maganda doon , malaki, saka may playground din , nag-aaral ka rin diba?”

Tumango lang ito sa kanya, kahit puro tango at iling lang ang sagot ni Shy sa kanya, tuwang tuwa pa rin siya na ipasyal niya ito.

“Tara,” yaya niya dito, inilahad niya ang kanyang kamay, tinigna muna nito sandali bago kumapit sa kanya, akala niya mapapahiya siya dito. Buti naman at hindi.

“Mir sino yan girlfriend mo?” huminto ang nagbabike niya na mga kalaro para usisain kung sino ang kasama niya.

“Ang cute niya” sabi pa ng isa. Tumingin si Shy sa kanya.

“Hi-hindi ko siya girlfriend, pi-pinsan ko siya ngayon lang siya dumating,” sagot niya dito, akala niya aalis na ang mga ito, pero ipinarada ng mga ito ang mga bike at pinaligiran ang kanyang pinsan.

“Wow ang cute niya , mas maganda siya sa crush ko na grade six, Mir, pwede sya na lang ang crush ko? Pwede ko siyang maging girlfriend pakagraduate ko ng grade six, kasi yung kuya ko, noong nayari lang siya ng grade six ng girlfriend,” mayabang na sabi nito na nagpainis kay Mir, intinago niya ang natatakoy na si Shy sa kanyang likod. Tinulak niya sa dibdib ang kalaro. Bahala ng magalit.

“Bawal mong I girlfriend ang pinsan ko, ayaw ko, saka hindi ka pa nga tuli eh, kaya hindi ka magkakaroon ng girlfriend!” hindi na hinintay ni Mir na sumagot ito, hinila niya na si Shy palayo, tumakbo sila hanggang makarating sila sa kanilang likod bahay.

May tree house doon, ang kanilang palasyo na magkakapatid.

“Halika, akyat tayo,” kinumbinsi niya muna ito na hindi mahuhulog bago niya napilit umakyat. Namangha ito ng makita ang loob, malaki kasi iyon, maraming laruan na pamababae, konti lang ang sa kanya, kapag kasama niya ang mga kapatid , siya ang tumatayong alipin at mga prinsesa daw ang mga ito, nakakainis kaya madalas hindi siya umaakyat kapag kasama ang mga ito.

Pero ngayon, habang kasama niya si Shy…kahit ito ang maging prinsesa, hindi siya magrereklamo, hindi siya tatanggi…kasi pakiramdam siya ang prinsepa.

May mali ba?


Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon