CMM 6:

16.9K 462 9
                                    

#unedited

…………

CMM 6:

“Narinig ko ang mga bagay na  hindi ko dapat marinig ,pero gustong gusto kong  paulit-ulit na pinapakinggan…”

Paborito nina Mir at Shy na maglaro ng habulan sa malawak na garden sa bahay ng kanilang lola. Si Mir ang laging taya, pero okey lang, kapag nahuli naman niya kasi si Shy ay kikilitiin niya ito hanggang sa maiyak na ito sa kakatawa.

Sa ganoon umiikot ang kanilang mundo. Masaya sila na silang dalawa lang, hindi kasi sila masakyan ng kanilang ibang pinsan. Yung mga ate naman ni Mir, abala sa pag-aaral at pagbe-bake, hindi mahilig mag bake si Shy, mahilig lamang itong kumain kagaya niya. Ang mga kaibigan naman ni Mir, abala sa pag gigirl hunting. Hindi siya natutuwa doon pero okey na rin ay hindi na sa pinsan niyang si Shy tumitingin ang mga ito.

“Masarap ito tikman mo?” alok ni Mir kay Shy, tinitikman nila ang mga binake na cake ng kanyang mga ate, maraming klase iyon. Balak mag put up ng business ng kanyang mga magulang, yung mga made to order na sweets,kagaya ng cake, brownies, cookies at iba pa.

Kumuha si Mir sa kutsara at sinubo dito,” masarap ba,” tango nito sabay ngiti ng matamis, kasing tamis ng cake na tinitikam niya na nagpapatuwa sa kanya. Makalat ito kumain kaya naman pinahid ng kanyang daliri ang nagkalat na icing sa bibig nito, pero imbes na ipahid yun sa panyo, dinala niya ang daliri sa kanyang bibig at dinilaan din ang icing.

Mas matamis iyon kumpara sa kanyang natikaman kanina sa hindi niya maipaliwanag na paraan. Nagulat din ito sa kanyang ginawa, kaya naman nagkatinginan sila, natigil lamang sila ng parehas nilang marinig ang boses ng mommy ni Mir.

“Mir!?”  pabalik balik nitong tinignan silang dalawa,”Ma-masarap ba yung cake?” tanong nito, nagtinginan sila ni Shy at sabay na tumango.

“Yes mommy, sobrang sarap, I’m sure maraming bibili nito,” agree si Shy sa sinabi niya.

Kinabukasan maaga siyang uuwi dahil sa sakit ng ngipin,hindi niya na hinintay si Shy, binilinan niya na lang ang kanyang ate na sunduin ito. Ayaw niya kasi na mag-isa itong umuwi, baka lokohin ng mga tambay sa kanilang lugar.

Narinig niya na may kausap ang kanyang mommy sa kwarto nito, nakilala niya ang boses, ang dalawa ay mula sa kanyang dalawa pang tita. Mali ang makinig sa usapan ng matatanda, yun ang mahigpit na bilin sa kanila pero ng marinig niya ang kanyang pangalan at pangalan ni Shy sa isang pangungusap, itinapon niyang bigla ang bilin na iyon.

“may hindi maganda akong nararamdaman sa dalawa, ina ako kaya alam ko,” boses yun ng kanyang ina.

“paranoid ka lang,” mataray na sagot ng kanyang isang tita.

“hindi ako paranoid nararamdaman ko, iba eh, hindi sila mapaglayo, at noong maapaaway si Mir, alam nyo ba ang dahilan? Dahil gusto lang ligawan si shy noong bata!” matigas na sabi ng mommy niya. Totoo naman yun, inaway niya yung kaklase niya dahil doon. Nababastos si Shy. Nababastos siya.

“Normal lang sa magpinsan ang ganoon, ganoon natin sila gustong palakihin hindi ba? Anak talaga ang turing ng kapatid natin sa anak ng kanyang asawa, let’s keep it that way.” Matigas na sabi ng isa pa nyang tita.

“Sa tingin ko talaga hindi normal, paano kung gusto nila o magustuhan nila ang isa’t-isa?”  napatigil siya sa sinabi ng kanyang mommy…

Dahil ba sa ito ang kanyang ina kaya alam nito ang pakiramdam na hindi niya kayang pangalanan?

“Nasisiraan ka na? kung saan saan ka dinadala ng imahinasyon mo ate.”

“alam ko ang kutob na ito, hindi ko to pwedeng balewalain.” Diin ng kanyang mommy, nagkaroon ng konting katahimikan, hindi niya gaanong maintindihan ang nangyayari hanggang sa muling magsalita ang isa niyang tita.

“kung ganoon, mas hindi nila dapat malaman na hindi talaga sila magkadugo, ilihim natin yon, wag natin hayaan na dumating sa punto na maeskandalo ang ating pamilya.

“sige, sang ayon ako,” sabi ng kanyang mommy.

Hindi sila magpinsan ni Shy. Iyon ang pinaka topic ng usapan. Ngunit bakit imbes na malungkot, mas nakaramdam siya ng saya. Narinig niya ang yabag palabas na ang mga ito. Hindi niya daw pala iyon dapat malaman. Sikreto na balak nilang itago habang buhay.

Maingat siyang lumabas muli ng bahay…

Bumilang ng dalawampu bago muling pumasok hawak ang ngipin na himalang hindi na masakit.

“Mir?! Kanina ka pa?” gulat ang kanyang mommy sa pagkakita sa kanya…

at syempre dahil sa kanyang narinig kanina,

“hindi po mommy kadarating ko lang, “

Nagdesisyon siya na magsinungaling.

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon