CMM 10:

15.1K 457 10
                                    

...

" Matapang tayo sa ating nararamdaman, pero takot tayong makita, takot tayong mahuli dahil baka iyon na ang maging huli..."

"Mir." Ramdam ni Mir ang kaba kay Shy, magkayakap sila sa tagong parte na iyon ng mansion. Ilang buwan na rin silang may unawaan, patuloy ba nakukuntento sa mga nakaw na pagkikita at pagsasama.

" sandali na lang...na miss kita ng sobra, tatlong araw tayong hindi nagkita." Tatlong araw kasi sila sa Manila.Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito.

"I miss you too." Nahihiyangwika nito. Nilayo niya ang sarili para damahin ang maamong mukha nito, napakaganda talaga ng kanyang mahal,mas lalo itong gumaganda habang tumatagal. Parami na rin ng parami ang mga humahanga at nagpaparamdam dito.

Pero wala ni isa ang makalapit, sa higpit ng kanyang pagbabantay. Walang nagdududa, walang mga mata na parang lawin kung makatingin.

"May regalo ako sa'yo." Kinuha nya ang box sa kanyang bulsa.

"Ang ganda," puri niya sa hikaw na bigay nito. "Isuuot ka na ba?" Pinigil ni Mir ang kamay nito na huhubarin ang hikaw na suot..

"Wag ngayon...sa tamang panahon, gusto kong itabi mo yan,Pasensya ka na  kung yan lang ang nakaya ng ipon ko, pero darating ang araw , mabibili ko kung ano man ang gustuhin mo."

Matamis itong ngumiti sa kanya.

" salamat, pero wala akong regalo sa'yo," nakalabing sabi nito. Hinaplos ni Mir ang labi nito.

" hindi naman ako nanghihingi ng kung ano, kuntento na ako na mahal mo rin ako."

Nagkakaisa ang mga puso nila sa sayang kanilang nararamdaman, pakiramdam na parang may malamyos na musika sa paligid at mga ibong umaawit.

"Mir?"

"Hmm?" Hinawakan ni Mir anv kamay nito, nanlalamig.

" Pwede bang, pwede bang-"

" pwedeng ano?"

"Pwedeng turuan mo akong humalik?"

Sandaling natigilan si Mir pero naramdaman niya ang kaseryosohan sa boses nito.

"Ikaw, sa'yo ko lang gusto, " tiyak namumula ang pisngi nito, maging siya.

Gusto niya rin naman...at hanggang maari sabay nila iyong matutunan parehas.

Hinawakan niya ang baba nito habang tinatawid ang kanilang distansya, sa una parehas silang nakadilat, pero habang papalapit, sa di namalayan, sabay na nilang pinipikit ang kanilang mata.

Dampi sa una, hanggang sa humagod pataas, pababa, paunti unti hanggang sa paulit ulit.

Magdadampi, tataas, bababa...uulit muli, lalalim...

Ang kanilang unang halik.

Na naging huli ba rin.

" What the hell is this?!!" Mabilis silang bumitaw at napatingin.

"Dad!" Boses ni Shy na punong puno ng takot

...

Call me Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon