“Bad shot ka kay Evan.” Tiningala ako ni Zy mula sa pagkaka-upo nito sa sahig ng kwarto ni Lisha.
Napahugot ako nang isang malalim na hininga. “Alam ko, bwisit ‘yung kapatid mo blinock pa ako sa facebook. Walang tiwala.” Hininaan ko ang huling linyang binitawan ko, pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Lisha.
“Uy, hindi naman sa walang tiwala. Ayaw lang niya na gumawa ka ng isang bagay na pagsisihan mo rin sa huli.”
“Bakit ano bang iniisip niyang gagawin ko?” Hindi ko maitago ang pag kainis sa boses ko.
“Aagawin si Nate.” Sabay-sabay na sagot nilang apat. Awtomatikong tumaas ang kilay ko dahil sa narinig ko. “’Yun din ang iniisip niyo?” Hindi makapaniwalang usal ko. Natahimik naman sila. “”Wag niyo na sagutin, obvious naman e.” Tinalikuran ko sila at hinarap ang cell phone ko. Hindi ko maiwasang sumama ang loob, ang akala ko ay maiintindihan nila ako kung bakit ko ginawa ‘yun.
“Hindi naman sa ganun, Drei. Pero Hindi rin naman kasi namin maiwasang isipin ‘yun. It was the topic before you pulled that stunt.” Pagkukumbinsi ni Clarisse sa akin. Naramdaman ko pa ang kamay nito sa braso ko na tila ba gustong harapin ko ulit sila.
I thought they knew me too well, or enough for that matter. Sinabi ko na ngang hindi ko isasali si Amara sa kagagahan ko bakit hindi nila ako kayang paniwalaan. Lalaki lang naman si Nate, ang dami kayang iba dyan. Bakit ko kailangan saktan ang kapwa ko babae dahil sa lalaking ‘yun? Yeah, I realized it now.
“Aray,” Inis kong binato si Lisha ng unang nadampot ko matapos ako nitong sabunutan.
“Ang arte nito. Sorry na nga kasi, ‘wag ka na magtampo. Sabihin mo na lang sa amin para saan ‘yung pagkuha mo ng number ni Amara at nang malinawan tayong lahat.”
“Nasasanay ka nang pinipisikal ako Lisha ha. Umayos ka pag ako napuno ibibitin kitang patiwarik. Tsaka kayo lang ang kailangan malinawan, ‘wag niyo ‘ko idamay.” Napa-nguso naman ito dahil sa sinabi ko. Aba nasasanay na nananakit ang bruha e, pasalamat siya pinsan ko siya.
Nanatiling tikom ang bibig nila at binigyan ako ng matatalim na tingin. Aba matindi, ako ang dapat galit dito e.
“Pakainin niyo muna ako. Ganda ng bahay walang maipakain sa bisita.”
‘Di pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan ay binomba na nila ako ng tanong kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang mga walang kwenta nilang tanong.
Sinabi ko sa kanila na wala naman akong intensyon na masama sa pagkuha ng number ni Amara. Gusto ko lang linawin ‘yung sitwasyon. Kung sila nga na pinsan ko nagawang isipin na kaya kong gumawa ng isang bagay na lampas sa kagagahan ko, paano pa kaya ‘yung ibang tao.
Nag-sorry naman silang apat dahil sa nangyari. Dapat lang, aba kung makapagsalita kasi kala mo hindi nila ako kilala. Pero bad trip pa rin ako kay Evan, sumbong ko siya kay Liezl e.
“Calum!” Sigaw ni Lisha sa kapatid na nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto nito. Agad naman itong lumingon, pero walang bakas ng kahit katiting na ngiti sa labi nito. ‘Di tulad ng nakasanayan lalo na pag nagkikita kita kami. Epekto ba nang pagsama sama niya 'yan kay Nate?
“Kain ka muna. Manang prepared snacks.” Umiling lang ito at halos patakbong tinunggo ang kwarto nito.
“Anong problema n’on?” Tanong ni Shaina.
“Ewan. He’s been–“
“All over the place. I know, ganyan din si Evan.” Dugtong ni Zyla.
Inabot ni Lisha ang inumin nito bago muling nagsalita. “He’s out most of the time. Napapadalas na rin ang pag-uwi niya ng gabi, parati siyang pinagtatakpan ni kuya kaya ‘di siya napapagalitan.” Kwento ni Lisha. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa mga pinsan ko. Ewan ko ba, pero parang mas mapapanatag ako kung alam ko na naghahasik lang sila ng kalandian pero hindi e. They’re not their usual selves.
Naputol ang anumang sasabihin ni Clarisse nang makitang humahangos na bumababa si Calum. Agad namang tinawag ni Lisha ang atensyon ng kapatid.
“Kadarating mo lang a, saan ka na naman pupunta? Gabi na at pauwi na sila Mama.”
Lumapit ito sa amin at nagtaas baba pa ang balikat. “May problema lang kaming kailangang ayusin. I’ll be home before midnight.” Kapansin pansin ang kulay itim sa ilalim ng mga nito, halatang hindi ito nakakatulog nang maayos. Nanatiling seryoso ang itsura ni Lisha maging ng tatlo nang nilingon ko sila, kaya naman wala akong nagawa kundi ang gayahin sila kahit na gusto kong maawa sa itsura ni Calum ngayon.
“Lish, not now please. Pag hindi kami nakahanap ng substitute coach ay hindi kami makakasali sa interschool. You know how important this is for us - for me.” Isang busina ang nagpatigil kay Calum sa pag-e-explain.
“Alis na ako. Ikaw na bahala kala Mama. I’ll explain everything soon.” Mabilis na hinalikan nito ang pisngi ng kapatid at kumuha ng ilang piraso ng tinapay at halos patakbong lumabas ng bahay.
Gusto pa sana siyang habulin ni Lisha kung hindi lang ito napigilan ni Zy. “Let him go. You know how important it is for them.” Bagsak ang balikat ni Lisha ng umupo ulit ito at ang mga mata ay naiwan sa pintong linabasan ng kapatid.
“I’m just worried. Mamaya kakahanap nila ng substitute coach mapabayaan na nila ang sarili nila. He looks like a mess already.” Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Na maging sa sistema ko ay hindi ko rin maalis.
“That’s why we’re here; we won’t let that happen. Bakit kasi si Coach Dane?” Ani ni Shaina
I guess we have to wait for them to open up to answer Shaina’s question. Alam kong hindi rin gusto ni Coach Dane na umalis na lang, dahil kung gaano ka-importante sa players ang bawat laro ganun din ito para sa kanya.