Siniko ako ni Lisha nang mapansin na titig na titig ako kala Nate at ‘dun sa babaeng kasama niya. Ipinakikilala ni Nate sa mga pinsan at mga kaibigan ko ‘yung babae ngayon. At wala akong ibang maisip kundi bakit hindi ako ang babaeng ‘yun. What’s wrong with me?
“Fix yourself. You’re already on the verge of killing them.”
Pinilit kung ngumiti at nagmukhang busy sa pag-iihaw nang nakita kong papalapit na sila sa pwesto namin. Could they just spare me the introductory speech?
“You’re an Enriquez, so suck it up.” Bulong ni Lisha sa akin. How I wish it was that easy.
Tumikhim si Nate kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. “Amara, this is Lisha. Lisha, Amara.” Turo niya kay Lisha na agad namang nginitian si Amara.
Sinulyapan ako ni Nate at nginitian. Goodness Nate, ‘wag kang ngumiti dyan. Not now.
“And this awesome lady here is Drei, my best friend.”
His what?! I wasn’t informed.
Lumapit ito sa akin at nakipagbeso. Why can’t she just be a bitch, so I could easily get away when I grill her?
“Finally we’ve meet. I’ve heard a lot about you.” Naka ngiti nitong sabi sabay hampas sa dibdib ni Nate. Mabilis namang dumampi ang labi nito sa buhok ng babae. Hindi ko tuloy maiwasang itaas ang kilay ko sa nasasaksihan ko.
“Great things Drei. Hindi kita sinisiraan.” He answered in between his uncontrollable giggles.
“Not his bestfriend.” Pagtatama ko. Napasimangot naman si Nate sa sinabi ko. Ad far as I remembered, si Jacob ang best friend niya.
“Can’t say the same about you, sorry.” Hindi ko natago ang paiit sa aking tono.
Alam kong hindi maganda ng inasal ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan. Siguro ay nahalata ni Amara na hindi ako natutuwa sa presensya niya kaya nag-iba rin ang itsura nito.
“Who would not know an Enriquez after all? Want me to hook you up with one? You two are not –“ Singgit ni Lisha nang mapansin ang tensyon sa pagitan naming tatlo, pero mukhang hindi niya rin gusto ang babaeng ‘yan.
Alam ko na kung saan papunta ‘to at sana ay hindi na niya kinailangan pang itinanong.
“Actually oo, we’re together. I can see maganda ang lahi niyo, pero I’m happy with Nate. Maraming mata ang sumisigaw ng inggit sa paligid. I’m not planning to give them a chance with him.” Nakangisi itong bumaling sa akin na para bang may gusto itong ipahiwatig. Kapansin pansin din ang paghigpit ng hawak niya kay Nate. Akala mo naman ay tatangayin ito ng hangin at kailangan pang mala-ahas niyang ipulupot ang kanyang kamay kay Nate.
I take it back. She’s a total bitch.
Palihim kong kinurot si Lisha na pinandilatan ako. Hindi ko naman intensyon na pagbuntunan siya ng kung anuman ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang ay kahit paano ay mailabas ko ito, lalo na pagkatapos ako tignan ni Amara na wari mo’y nang mamaliit.
“Gotta hate what you can’t be.” Mahinang bulong ni Lisha na alam kong nahagip nang pandinig ni Amara dahil lalong sumama ang itsura nito, kung ako ang tatanungin. Sa tingin ko ay sinadya niya talagang iparinig iyon dahil hindi na nagawang sumagot pa ni Amara at nakipagsukatan na lang ng tingin sa aking pinsan.
“Sorry natagalan ako sa pagkuha ng uling. Dumating kasi si Amara.”
I couldn’t care less. Gusto ko sanang sabihin ‘yan sa pagbabakasakaling maisipan niyang paalisin na ang babaeng ‘yan.
“Okay lang. Ikaw na ang bahalang tumapos dito, tutulungan ko pa sila Zy.” Pagdadahilan ko para makalayo sa kanila.
Ang sakit nila sa mata! Pero meron sa loob-loob ko ang kumirot din.