“Hindi ka pa rin tapos mag-impake.” Pumasok ang kapatid ko sa kwarto at humiga sa kama ko, edi siya na ang mabilis mag-impake.
Kanina pa kasi ako hindi makapili sa kung ano ang mga dapat kung dalhin, buti pa si Zy alam na ang mga dadalhin niya. Pinakita ko sa kanya ang dalawang swimsuit na hawak ko. Ang isa ay floral na triangle top at ang isa naman ay blue green na bandeau.
Ngumisi ito at nagawa pa akong i-head to foot pagkatapos ay umiling.
“ ’Yung bandeau since flat chested ka naman.”
Tinignan ko ito ng masama bago ilagay sa bag ang damit.
“Mana-mana lang ‘yan. Tignan mo ikaw halos wala na ngang kinakapitan ‘yung bra mo, at least ako meron pa.”
Rinig na rinig ko ang pagwawala ng Ate ko dahil sa sinabi ko, iniwan ko kasi muna siya sa kwarto. Akala niya siguro papatalo ako sa kanya, aba hindi dahil bunso aapihin na lang ng panganay.
Hanggang sa inayos na namin ‘yung mga pinamili namin kahapon ay hindi ako tinantanan ng masasamang tingin ng kapatid ko.
“Drea! Drei!” Tawag ni Zach sa amin. Nakalimutan ko kasi ‘yung sarong ko at ang kapatid ko ay sinundan pa ako. Hinihintay siguro na bawiin ko ‘yung mga sinabi ko, too bad wala akong planong gawin ‘yun.
“Move your asses or iiwan namin kayo.” Nanggagalaiting sigaw ni Lisha hindi pa nakontento sa pagsigaw at kinaladkad kaming dalawa palabas.
“Sa may bintana ako.” Dumiretso ako sa upuan sa likod katabi ng bintana, mahirap na at baka maunahan. Si Drea naman ay umupo sa harap ko, natatawang napailing na lang ako sa kanya.
Dalawang van ang dala namin, si Zach ang magdridrive sa isa at si Jacob naman sa isa. Siyempre magkakasama kami ng mga pinsan ko, sa amin din sasakay si Liezl na pinepeste na si Evan, at si Ashley na kasama si Ian.
Sumilip si Ash para i-check kung sino na ang mga nasa loob. “Drei, sure kang dyan ka?” Pinagtaasan ko ito ng kilay, obvious naman kasi. “Sungit, nagtatanong lang e.” Umalis ito na natatawa. “Nate, dito maluwag pa sa tabi ni Drei.” Naka ngisi itong bumaling sa akin.
Humanda ka sa akin mamaya, lulunurin kita. Hilig nitong ilaglag ako kahit kelan.
“Hala masikip na kaya dito. Tatabi sa akin si Zyla tapos dito pa si Calum sasakay, sa kabila na si Nate.”
Paano ako makakapagrelax kung katabi ko ‘yang lalaking ‘yan.
“Sasabay si Zy sa boyfriend niya.” Dagdag ni Evan na kanina ay nakatingin sa labas ng bintana at hindi pinapansin si Liezl pero agad ding bumalik ang tingin nito sa bintana. “And Calum’s where the girls at.” Dagdag ni Ash dahilan bakit nasira ulit ang moment ni Evan at ng bintana. Seriously, maganda naman si Liezl pero mukhang mas nagagandahan si Evan sa bintana.
“That shit head, usapan dito siya.” Ginulo pa nito ang buhok at halos masira ang cellphone dahil sa panggigigil.
“Katabi mo na ako at lahat pero mas gusto mo pa ring sumama sa pinsan mong malandi, and be with other girls.” Nakasimangot na singit ni Liezl. Ang antipatiko kong pinsan sinuot lang ang kanyang wayfarers at earphones.
Konti na lang talaga makakatikim na rin ‘tong si Evan sa akin. Oo pinsan ko siya pero kaibigan ko rin si Liezl. He doesn’t have to be rude.
“Hey that’s a foul. Kapatid ko ‘yung sinasabihan mong malandi.” Pagtatanggol ni Lisha na nakatayo sa tabi ni Ash habang naka akbay dito.
“Bakit totoo naman a.” Matigas na sabi ni Liezl.
“Yeah, whatever.” Sagot nito at naupo katabi ni Drea.
