Pagkatapos naman mag-dinner ay sinamahan ko na sa kwarto ang kapatid ko para makapagpahinga. Hindi ko na nga nagawang kausapin pa si Nate kaya nahihiya ako. Ngayon naman ay tanghali na ako nagising at hindi na nakapag breakfast. Kung hindi pa siguro ako binulabog nila Francine ay tulog pa rin ako.
“Grabe, tulog mantika ka talaga. ‘Yung mga pinsan mo nagkakalat na ng kalandian sa labas ikaw nananaginip pa.” Sabi ni Destinee nang makalabas ako ng CR. Tinignan ko ito ng matalim.
Hindi na ako nagulat sa mga ginagawa ng mga pinsan ko. What’s new anyway?
“E ikaw kaya magkaroon ng kapatid na may boyfriend na gago. Tsaka asan ba si Liezl, bakit hindi niyo kasama?” Hindi malayong kaya ako ang ginugulo ng dalawang ito ay dahil hindi nila mahagilap si Liezl.
“Siguro nakabuntot na kay Evan. Ano ba ang hindi niya maintindihan sa mga pinapakita ni Evan sa kanya? Halata namang hindi niya gutso si Liz, si gaga naman nagpapakatanga.” Seryosong sabi ni Francine habang inililibot ang tingin sa buong kwarto namin magpipinsan.
Nagkibit balikat na lang din ako, kahit ako ay naguguluhan minsan sa inaasal ng pinsan kung ‘yun.
“In love nga kasi. Ganun daw ‘yun e, nakakalimutan paganahin ang utak pag in love. Kaya hayaan mo na si Liezl, doon siya masaya e.”
Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at ang naka ngiting kapatid ko ang iniluwal.
“Buti gising ka na. Mag-ihaw na raw kayo, hinihintay ka na nila.” Wala man lang good morning o kaya naman ay pakainin muna nila ako, kailangan utusan agad?
Bwisit pagkatapos ko mapuyat sa kadramahan ng babaeng ‘to kagabi utos lang ang mapapala ko. Aangal pa lang sana ako nang magsalita ulit ito.
“Pa-thank you ko na ‘to sa’yo. Bilis na maglulunch na o.” At nagmartsa palabas ng kwarto. Sumunod na rin sa kanya ‘yung dalawa.
Nakasimangot akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko silang lahat ay masaya sa kani-kanilang mundo. Nang makita ako ni Calum ay agad nito akong nilapitan at makailang ulit tumingin sa paligid. Problema nito, hindi na naman mapakali.
Bwisit na rematch ‘yan ipagpilitan talaga.
“Calum, awat na. Pinapahirapan mo lang sarili mo e. Tanggapin mo na lang please, ‘wag mo na akong hiritan ng ganyan sumasakit ulo ko.”
Akala ko pa naman matatahimik na siya dahil hindi na rin kami nakapag-usap kagabi. Ginawa ko na ngang excuse si Drea para makaiwas, ‘yun din naman pala ang sasalubong sa akin.
Nilapitan ako ni Zy at inabot ang isang tupperware na may lamang mga karne. Agad namang kumunot ang noo ko.
“’Di pwedeng kumain muna?” Nakataas ang kilay na sabi ko. “Ang dami-dami niyo bakit ako pa mag-iihaw? Pakinabangan naman ‘yang baong boyfriend mo.”
Sinama lang ata dito ‘yan para i-display o para pangbwisit kay Evan. Ayaw na ayaw kasi ni Evan na nagkakaboyfriend ang Ate niya pero siya wala ring preno kung humakot ng babae kaya nabwibwisit din si Zy.
Inilingan ako nito at sinabing, “Mangangamoy usok siya, bawas pogi points ‘yun.” At ako okay lang mangamoy usok? “Besides may mga willing namang tumulong sa’yo. Ikaw kaya ang pinakamagaling sa ganyan.” At sila naman ang magaling sa kainan.
“Ako ‘di willing.” Matabang kong sabi. “May pa-pogi points pogi points ka pang nalalaman dyan, hindi naman pogi in the first place tsaka hindi rin kayo magtatagal niyan.” Pang-aasar ko.
Hindi na ito sumagot pa at tinulak na lang ako kung saan nagpapabaga sila Zach. Nag-eenjoy naman sila na sila-sila lang bakit kailangan pa akong sumali. Nang makita ako ni Ash ay tinuro ako nito kay Zach at biglang naging seryoso ang itsura nito.
