“Smartass kasama mo ‘yung mga pinsan mong babae, then you bring shots as if you’ll die tomorrow.” Inis na sabi ni Zach kay Calum na nakaagaw ng atensyon namin.
Zach is my savior. Paano ba naman kasi ayaw akong tigilan ng kaibigan ni Calum, any moment parang kakainin ako ng buhay. Hawak hawak ni Zach si Lisha dahil kung ay babagsak ito. Nag-aya na rin itong umuwi dahil na rin sa kalagayan ni Lisha, isa-isa rin kaming tumango dahilan para sumimangot si Calum. Nauna na ring umalis ‘yung mga kaibigan namin, sinundo kasi ni Ian si Ashley kaya sumabay na rin ang iba. Pero mukhang magpapaiwan pa ‘yung mga lalaki.
Isa-isa kaming nagsitayo para makalabas. Liningon ni Shaina si Ashton bago pa kami mag-umpisang maglakad palayo. “Kuya drive us home, hindi kami kasya kay Kuya Zach.” Agad namang inubos ni Ash ang natitirang laman ng bote niya at nagsalute kay Shaina, lalo namang sumimangot si Calum sa ginawa ni Ash.
Tumayo na si Ash nang itulak siya paupo ulit ni Calum. “You’re not going anywhere dude. Ano takot ka sa mga kapatid mo?” Pagrereklamo ni Calum na tinawanan lang namin.
“Stop being so childish Calum, walang mag-uuwi sa mga kapatid ko. Zach’s right they need to go it’s getting late.” Inilabas nito ang susi mula sa bulsa niya at paulit-ulit na ihinagis sa ere.
“Dreary old men.” Pang-aasar nito na hindi binigyang pansin ninuman.
Lumapit si Zyla sa lamesa at ihinampas ang dalawang kamay dito habang may mga ngiting naglalaro sa kanyang labi. “Let’s all just go, we’ll leave Calum here. Sa bahay na kayo matulog.”
Inubos agad ng mga pinsan ko ang mga inumin nila at sabay-sabay na sinabing “Game.” At humagalpak sa kakatawa. Walang nagawa si Calum kung hindi ang magpaalam sa kaibigan nito na kanina pa namin kasama pero hindi umiimik. “Screw you, Zy! ” Pagmamaktol nito at padabog na lumakad palabas.
Magkakasama kaming mga babae sa isang guest room at sa kabila naman ay ang mga lalaki. Sa terrace kami nagpalipas ng oras para magkwentuhan hindi pa rin kasi kami inaantok. Naglabas din ng chips at ilang inumin si Evan kaya bumalik ang sigla ni Calum. Nagpicture rin kami at tinag si Drea, gusto raw kasing inisin nila Zy.
“Punta tayo sa beach bago magpasukan.” Out of the blue na sabi ni Ash sa kalagitnaan ng kwentuhan namin. Wala namang kumontra sa ideya ni Ash, subukan lang niya mapapatay siya ni Zy.
Nakangiting pumalakpak si Zy kulang na lang ay magtatatalon ito sa sobrang excitement na nararamdaman. Inisa-isa niya pa ang mga balak niyang dalhin.
“Aayain ko sila Nate para mas marami tayo. Tell your friends to come too.” Singgit ni Zach, tumango na lang ako sa ideya niya kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa gusto niya.
Pagkatapos ng ilang oras na kulitan ay iniwan na namin ‘yung mga lalaki. Rinig na rinig pa rin ang lakas ng boses ni Calum at Ash hanggang sa kwarto namin. Gusto ko na ring matulog pero hindi ko magawa hindi lang dahil sa ingay na gawa ng mga pinsan ko kung hindi dahil din sa nangyari kanina at sa posibilidad na sumama si Nate sa lakad namin.
****
“Hurry up, mahaba na ang pila.” Sigaw ni Calum mula sa sala ng bahay namin. Pupunta kami sa school ngayon para mag-enroll. Bukas na rin kasi ang punta namin sa beach kaya kailangan tapusin na namin lahat ng mga kailangan tapusin before we go.
“Oh shut up Calum, or I’ll tell Tito to take the car back.” Pinandilatan ko ito dahil kanina pa atat na atat paliparin ang kotse niya. After suffering for sometime nakumbinsi na niya si Tito Ed na ibalik sa kanya ang kotse niya, though may last warning na siya.
“Bilisan mo na kasi bibili pa tayo ng pagkain para bukas.” Kinampihan pa siya ni Lisha na kagagaling lang sa pagtetext kaya naka ngiti.
Inirapan ko na lang sila at kinuha ang bag ko. Agad din akong sumakay sa kotse ni Calum at binagsak ang pinto dahilan para tignan niya ako ng masama dinilaan ko na lang ito.