“Kaya pala pumunta kayo sa bahay nun.” Bungisngis na sabi ni Clarisse. Si Calum naman ay hindi umiimik pero nakakunot ang noo kaya inawat ko na sila bago pa magwala ‘tong isa.
Nag-angat naman ng tingin si Calum sa akin at tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. Nang makaupo ako ay agad akong inabutan nito ng isang notebook na halos kapareho nung sinira niya.
“Drei gawa raw ulit kayo ni Calum ng paper boat at airplane.” Pang-aasar ni Des. Napairap na lang si Calum at hindi na pinatulan pa ang sinabi ni Des.
Nagtatakang tinignan ko ang inabot niya sa akin at ibinalik ang tingin sa kanya, binigyan niya lang ako ng isang tingin na para bang sinasabing buklatin ko iyon kaya ‘yun nga ang ginawa ko. “'Yan na kasi ang pinakamalapit na handwriting sa’yo. Maganda na rin naman ang sulat ni Krissa, tsaka sinabi ko talagang ayusin ang pag kopya ng notes.” Dagdag nito.
“Krissa? ‘Yung babaeng kausap mo nung isang araw? Akala ko pa naman.” Komento ni Evan.
Ngumisi naman si Calum at hinarap siya. “She is,” Ibinalik nito ang tingin sa akin. “Okay na ba sa’yo ‘yan o palitan ko pa?” Umiling ako tsaka nginitian ito. “Okay na ‘to. Thank you.” Hindi naman na niya talaga kailangan palitan ‘yung notebook ko. Tsaka nito ginulo ‘ang buhok ko kaya inis na hinampas ko siya.
Lumapit ako rito at binulungan. “About what you said that night, it’s the other way around. Ako ang lumayo.” Tumango-tango ito na parang alam na kung anuman ang sinabi ko. “I know, scaredy cat.”
“Uy ano ‘yan. Traydor ‘tong dalawang ‘to o, nagsosolo.”
“Wala ka pala Lisha. Pinagpalit ka na ni Drei pati si Evan laos na rin.”
“Ano ka ba Francine, andito naman ako parati para kay Evan. Hindi na niya kailangan ng isang Calum Aiden Enriquez sa buhay niya ako lang sapat na.” Ani ni Liezl sa isang malambing na boses at umurong para lalong dumikit kay Evan na ngayon ay naninigkit nanaman ang mga mata.
“Alam mo Evan, masyado kang pakipot. Maganda naman si Liezl mabait pa tsaka hindi siya katulad ng mga babae mo, boto na ako dyan sagutin mo na.” Biro ni Zyla sa kapatid pero ang tingin ay kay Liezl na abot tenga ang ngiti at sinabayan pa ng ilang tango at thumbs-up. “Saya mo no girl. Nagbibiro lang naman ako, bawal pang mag-girlfriend ang kapatid ko hanggang wala akong matinong boyfriend.”
“Masaya ka na ba na pinaasa mo ako? Tsaka sino ba nagsabing ibo-boyfriend ko ‘yung kapatid mo? Aba naman ang tagal ko nang naghihintay tapos girlfriend lang papel ko, hindi ako makakapayag! Hintayin mo lang magiging magkapatid tayo.” Madramang sabi ni Liezl habang kami ay nagpipigil ng tawa.
“O, tapos na kayo?” Napatingin naman silang dalawa kay Shaina. “Nagwalk out na si Evan kanina pa.” Nagpalinga-linga naman si Liezl na umaasang mahagip ng mata si Evan.
“Na na, kasama na Cassidy gawa sila baby.” Iiling-iling na sabi ni Calum habang nakangisi kasabay nang pagkumpas ng mga kamay.
“Zyla naman kasi e, ‘yung higad nakadikit nanaman tuloy sa kapatid mo.” Natawa na lang si Zy sa inasal ni Liezl. Mabilis na niligpit nito ang mga gamit niya at agad tumayo para siguro hanapin si Evan.
“Sundan na namin si Liezl baka kung ano nanamang kahihiyan ang gawin nun.” Paalam ni Des at sabay silang umalis ni Francine.
Tumikhim si Lisha dahilan para makuha ang atensyon ko. “Totoong iniiwasan mo si Nate?” diretsahang tanong nito. Tumango na lang ako, there’s no point in lying obvious naman kasi e.
“Bakit?”
Nag-angat ako ng tingin kay Clarisse. “Gaga lang ako pero hindi ako mang-aagaw.” My happiness for Amara’s pain? It’s not worth it. Lalo pa at alam ko na masaya sila pareho sa isa’t isa. Tsaka wala namang ginawang masama sa akin si Amara para gawin ko ‘yun sa kanya. Siguro inggit lang ako sa kanya kasi meron siyang gusto ko na kahit anong gawin ko hindi ko pwedeng makuha.
“Paano kung gusto ka rin pala ni boy at naghihintay lang siya ng go signal galing sa’yo para hiwalayan si girl?”
Napailing na lang ako. “Ganun din ‘yun. Bottom-line masasaktan siya. 'Di ko siya idadamay pa sa kagagahan ko.”
“Aray,” Inis na pakli ko kay Lisha. Parang sira batukan ba naman ako. “Gaga ka ngang tunay. You can’t lose something if it truly belongs to you. It will always find its way back into your arms. Sooner or later maghihiwalay din ‘yung dalawa kung hindi meant to be. Tsaka ayaw mo ‘yun naging masaya ka kahit paano natulungan mo pa sila.” Napapalakpak naman si Calum dahil sa sinabi ng kapatid.
“Hugot na hugot a. ‘Yan ba natutunan mo kay Aarron.” Tinalasan siya ng tingin ni Lisha. “Joke lang e. Sige nga translate mo na lang ‘yung sinabi mo.” Bawi nito.
Siraulo talaga si Calum bakit kailangan pa niyang banggitin ‘yung lalaking ‘yun. It was a nightmare Lisha wishes to forget.
“Para sa akin, ang nonsense nang ginagawa mong pag-iwas, kasi at one point kailangan mo na lang harapin ‘yung sitwasyon, so bakit ‘di na lang habang hindi pa masyadong kumplikado. You know, life is simple we just opt to complicate things.” Napatahimik kaming lahat dahil sa sinabing ‘yun ni Shaina. “Not to mention, the longing you both have in your eyes tuwing magkikita kayo.”
“Sha’s right Drei. You can’t just avoid the situation like it would do any good. Hindi naman namin sinasabing you have to steal Nate. Damn no. You’re better than that. Just talk about it and we’ll see what happens.” Hindi ko namalayang nakabalik na pala si Evan pero hindi nito kasama sila Liezl. Siguro plano talaga nilang kausapin ako tungkol dito.
“Dami mo pang sinabi. Simple lang naman. Drei, just go with the flow. ‘Yun lang ‘yun.” Ani ni Calum.
Inabot ko ‘yung tubig ko dahil sa totoo lang hindi ko naman alam kung ano ang dapat kung sabihin sa kanila kasi lahat nang sinabi nila alam kung tama.
Hindi na rin naman nila ako kinulit pa tungkol doon at iniba ang usapan.
“Uwi na tayo.” Aya ko sa kanila. Tumango naman sila at nagsimulang magligpit ng gamit.
“Enriquez!” Lahat kami ay napalingon sa sumigaw. Natawa naman si Jacob ng dahil doon.
“May kailangan ka?” Tanong ni Shaina.
Napansin ko na lang na hindi ito mag-isa nang makalapit sila. “Sorry, si Calum at Evan lang pinatatawag kasi kami ni Coach.” Paglilinaw ni Nate.
Tumalikod na siya sa amin pagkatapos at tila nagulat pa ang mga pinsan ko sa inasal na ‘yun ni Nate. Hindi naman kasi siya dating ganyan. Dati ngingiti siya tuwing makikita niya kami o kahit man lang ako ngayon ang seryoso nang itsura niya pati na rin ang pagkakasabi niya kanina. Ni hindi niya nga ako nagawang tignan nang matagal, agad siyang umiwas nang mag pang-abot ang mga tingin namin.
“Nate,” Tawag ko sa kanya nang nakailang hakbang na ito. Hindi ito lumingon pero alam kong hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. “Pwede bang makuha number ni Amara may sasabihin lang sana ako.” Napasipol si Jacob dahil sa sinabi ko habang si Nate naman ay pinagtaasan ako ng kilay nang nilingon ako, ganun din si Evan. “Please” Paki-usap ko nang hindi ito sumagot.
Tumango ito sa akin at sinabing ite-text na lang daw niya bago tuluyang umalis.
“Una na kayo o hintayin niyo pa kami ni Evan?”
“Una na lang kami ang dami ko pang assignments e. Tinext ko na rin naman si Ash dadaanan niya kami.” Sabi ni Clarisse habang bitbit na ang kanyang ilang libro.
“Lisha, hintayin mo si Zach parating na rin ‘yun. Aral-aral din a, tama na muna ang paglalandi.” Bilin ni Calum sa kapatid. Muntik na nga itong masapak ni Lisha buti na lang at mabilis itong naka iwas.
“Zy you go straight home, no boys. Sabay ka na lang kay Zach o Ash." Inikutan lang ng mata ni Zy si Evan. Parang gago talaga ‘tong dalawa, galing magsalita pero hindi kayang i-apply sa sarili.