“Tigilan mo ako Calum, I'm pissed. It’s your fault.” Sabi ni Shaina na ilang ulit kinukulit ni Calum para makuha ang papel nito nang lumabas ang guro sandali.
Nagpaseatwork ang teacher namin nang mahuling nagtetext lang si Calum ito at hindi nakikinig. Siya lang naman dapat ang nagdudusa pero dinamay pa niya si Evan na sinalo naman ni Liezl.
“Para hindi kayo matulog sa klase.” Tawa nito.
Umurong ito palapit kay Evan nang wala siyang napala kay Shaina at sinimulang kulitin ito para pakopyahin siya.
“Stop pestering him, Calum.” Sita ni Liezl. Napatingin naman sa kanya si Evan sandali, pero maya-maya lang ay bumalik na sa pagsagot.
“Unity is the best strategy, Liz. Tsaka hindi naman ikaw ang kinukulit ko a.”
“Exactly, si Evan. Leave him alone, will you?” Umiling si Calum dahilan para tapunan siya ng masamang tingin ni Liezl.
“How in hell will I finish mine kung hindi niya ako tutulungan.”
Napabugtong hininga na lang si Liezl at inabot ang kanyang papel. “Here, tantanan mo na lang si Evan.”
Agad naman niyang inilahad ang kanyang kamay para tanggapin ito pero bago pa niya makuha ito ay kinuha ito ni Evan at ibinalik kay Liezl.
“Bilisan mong kumopya.” Wika nito at padabog na nilapag sa mesa ni Calum ang papel niyang tapos nang masagutan.
Hindi naman pumayag si Liezl at nakipagtalo na pinaghirapan daw ni Evan ‘yung kanya kaya ‘wag niyang ipakopya kay Calum pero hindi na sumagot ang isa at dumukdok na sa kanyang mesa. Kaya si Calum na lang ang inaway nito.
“Ang ingay,” Hinablot ko ang mga papel ni Liezl at Evan na pinag-aagawan ni Liezl at Calum. Ibinalik ko kay Liezl at Evan ang mga papel nila at matalim silang tinignan. “Walang magpapakopya kay Calum!”
Gusto pang nasisigawan ng mga ‘to bago tumahimik.
***
“What’s with the long face?” Bungad ni Clarisse kasama si Lisha sa akin nang makita kami sa canteen. Hindi na lang ako sumagot kaya bumaling ito sa kapatid niya.
“Bagsak first seatwork niya kay Ms. Guevara.” Simpleng sagot ni Shaina at tumawa naman ito.
“Suicide ang magbagsak kay Ms. Guevara ng kahit ano, hindi ka aware?” Singgit ni Lisha.
Natural alam ko na mahirap ipasa ang subject na handle ni Ms. Guevara. Dumaan sa kanya sila Zach kaya kahit paano may clue ako kung paano magturo ‘yun.
“Kasalanan ng kapatid mo.” Sagot ko at masamang tinapunan ng tingin si Calum.
“Sana kasi hindi mo na ako pinagbawalan mangopya ‘di sana nakinabang ka rin.” Pailing-iling na sagot nito. “Tsaka hindi nga ako ang may kasalanan, kulit niyo.”
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at baka mas lalo akong mapuno. Nagagawa niya pang ngumiti. Bwisit siya. Paanong siya pasado at ako bagsak sa seatwork na ‘yun?
Pinagdiskitahan ko ‘yung cheese cake sa harap ko at inisip ko na si Calum ‘to para man lang makaganti. Bwisit unang araw ng pasukan ito ang bubungad sa akin.
“Hey awesome.”
Now I know the few drawbacks of having Nate as a friend. Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na kung anong meron ako towards him, bakit hindi man lang siya makisama?
“Dati bato ang pinupuntirya mo ngayon naman cheese cake. Why do you have to be so mean, Drei.”
“Ingit? Hala sige lumapit ka nang matikman mo kung gaano ako ka-mean.”
