8

14 0 0
                                    

Hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa sa isang malaking bato na pwedeng upuan. Ngayon ko lang na-appreciate ‘yung ganda ng pwestong ‘to, kagabi kasi madilim na at kay Drea ang pokus ko. Walang masyadong tao ang nagagawi rito kaya siguro dito napili ng kapatid ko mag-emote.

Dumampot ako ng ilang bato sa buhanginan at tumayo malapit sa dagat. Isa-isa kong ihinagis ang mga ito sa tubig, hinihiling na  sana sa bawat bato na ihagis ko ay dahan-dahan din bumalik ang katinuan ko.

Naiinis ako sa inasal ko kanina. Hindi naman ako pinalaking ganun ni hindi nga ako ganun sa ibang tao lalo pa sa unang pagkikita lang. Nakakainis lang kasi ‘yung Amarang ‘yun, ano ba kasi ang ginagawa niya dito? 

Pero higit sa lahat naiinis ako sa sarili ko. Ayoko ‘yung pakiramdam na ‘to.

Muntik ko nang maibato sa taong humawak sa balikat ko ‘yung ilang natirang bato sa kamay ko. Panira ng moment.

“Brutal nito.” Aniya. Inirapan ko na lang ito at pinakawalan ang iilang batong natira sa kamay ko at baka sa kanya ko pa talaga maihagis.

Makapagsalita akala mo naman may record ako nang pananakit sa kanya.

“Ano bang ginagawa mo dito?” Iritado kong tanong. Hindi ba nila na-gets na kaya ako umalis kanina ay dahil gutso ko mapag-isa.

Lumapit ito at inakbayan ako. “Pinasundan ka nila, baka raw magkalat ka ulit.”

“At ikaw ang pinapunta nila? Para namang may magagawa ka kung sakali.”

Totoo naman, wala siyang magagawa hindi niya ako mapagbabawalan kung sakaling may balak nga ako. Pero sa dami nang iniisip ko ngayon hindi na pumasok sa isip ko ang mga ganung bagay.

“Arte nito, no choice lang din ako noh. Wala ni isa sa mga pinsan at kaibigan mo ang may gustong salubungin ‘yang sumpong mo pati nga kapatid mo taob sa’yo.” Rinig ko ang mahinang pagtawa nito, pero imbis na pansinin ito ay itinuon ko ang atensyon ko sa dagat. Nakakakalma ang paulit-ulit na paghampas ng alon sa dalampasigan. “Balak nga ni Nate na siya na ang sumunod sa’yo kaso sabi nila hindi raw magandang ideya ‘yun.” Dagdag niya.

Napatingin naman ako nang marinig ko ang pangalan niya. Pero bakit naman niya balak sumunod? At kaya niya bang iwan si Amara para lang puntahan ako? Kalokohan.

Mas mabuti na nga rin siguro na si Jacob ang nandito ngayon. Ewan ko pero gumagaan ang pakiramdam ko pagkausap ko ang lalaking ‘to. Siguro  dahil pareho kaming nasa isang kumplikadong sitwasyon.

“Gusto mo ba si Amara ang ihagis natin sa dagat? Kawawa naman kasi ‘yung mga bato napag-iinitan mo hindi ka naman inaano.”

Best friend ba talaga ni Nate ‘to? Kung maka-suggest kala mo hindi girlfriend ng kaibigan niya ang tinutukoy. Mas mukhang concern pa nga ito sa mga bato.

Napangiti ako nang mapaiit nang maalala ko ang pakilala ni Nate sa akin kanina. Bestfriend, huh.

“Sira, mag-aaway lang kayo ni Nate.” Pinilit kong alisin sa isip ko ‘yon at ngumiti kay Jacob.

“’Di ‘yan, pero pag-umanggal edi dalawa silang ihagis.” Natawa na lang din siya sa mga pinag-sasabi niya.

Nang humupa ang tawanan namin ay hindi na siya nagsalita pa. Ayoko nang ganito katahimik. Pero mukhang walang balak magsalita ‘tong isang ‘to anytime soon.

“Uy Jacob,” Bahagya ko itong binungo sa braso niya at nang bumaling ito sa akin ay hindi ko mabasa ang itsura nito. “May tanong ako,” 

Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang. Ngayon ko lang kasi na-realize ‘yung mga sinabi niya sa akin kanina nung naiwan kaming nag-iihaw.

“Ano ibig mo sabihin kanina?"

Mukhang hindi naman siya nagulat sa tanong ko at nginitian muna niya ako bago sumagot. Asus, nagpapacute pa daming arte. Aaminin ko gwapo si Jacob pero mas gwapo ito pag ngumingiti.

“Bakit ngayon mo lang tinanong?” Nakangising sabi niya. “Narinig ko lang kayo minsan ni Ash na pinag-uusapan ‘yun. Akala ko nga si Lisha lang ‘yung may mga  kalokohan sa ganyan pati pala ikaw. Don’t worry ‘di ko ipagsasabi.” Pagkatapos niyang magsalita ay tahimik lang nitong pinagmamasdan ang paligid. At mukhang may malalim na iniisip.

Bukod kasi sa mga pinsan ko ay wala nang iba pang nakakaalam kung paano ako mag-boyfriend. ‘Di tulad ni Lisha na alam nang lahat ang tungkol sa kanyang six months flings. Hindi rin naman kasi ako proud sa mga pinaggagawa ko. Pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko na magtino.

“Sobra ba ‘yung ginawa ko?”

Muli itong bumaling sa akin at binigyan ako nang nagtatanong na tingin. “’Yung kay Amara?” Napatango na lang ako.

Inaya ako nitong umupo malapit sa dalampasigan.

“Not to judge or anything pero hindi talaga maganda ‘yung inasal mo kanina. Kahit sabihin pa natin siya ang nauna.”

Ihiniling ko ang sarili ko sa balikat niya. Bakit ang daming alam ng lalaking ‘to? Tagos kung tagos. Sarap batukan parang inaral talaga ‘yung mga sasabihin niya sa akin para lalo akong maguilty.

“Saan hugot nun?” Pabiro kong sabi. Naramdama ko ang pagtaas baba ng balikat nito.

“Sapul noh?” Tanong niya na tinanguan ko lang.

“We all have our reasons, but that reasons don’t give us the right to hurt anyone, no matter how valid that is.”

Lahat ng sabihin niya totoo at may point, parang may pinagdadaan lang.

“Jacob,” Umayos ako ng upo at tinignan ito sa mata. “Thank you for putting some sense in me. I’m not promising anything but I’ll really try.” Para sa sarili ko rin naman ‘to.

Binigyan niya ako ng mahinang bundol sa balikat tsaka nginitian. “Sira.”

“Pero hindi ko rin sinasabing magiging magkaibigan na kami nung babaeng ‘yun a.” Pahabol ko. Mabuti na ang malinaw. Mamaya sobra silang mag-expect.

“’Di ko naman sinabing kaibiganin mo kung ayaw mo. Pero who knows malay natin maging close pa kayo.”

“Ano balak mo sa feelings mo kay Nate? As you can see hindi mutual ang feelings niyo, best friend zoned ka nga e.” Tama ba namang ipamukha? Bastusan lang fresh pa e.

“Susubukan ko ring kalimutan kung anuman ‘yung nararamdaman ko kay Nate.”

Kaya lahat basta gugustuhin. I maybe crazy but not to the point na maninira ako ng relasyon. Kung masaya silang dalawa edi magsama sila. Pag ako sumaya rin edi everybody happy na.

“Sige nga patunayan mo. Paano mo ngayon kakalimutan ‘yung lalaking palapit dito?” May nginuso ito sa likuran ko at doon ko nakita sila Nate kasama ang iba pa.

Kahit kelan wala talaga akong kadala-dala. Pag may tinuro sa likod ko lingon nang lingon.  Hala sige panindigan.

Wrong TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon