10

14 0 0
                                    

Magsisimula pa lang ako magligpit ng gamit ko nang may kumatok kaya agad akong napatayo para pagbuksan kung sinuman ‘yun.

“Tita Celine,” Nakangiti kong bati at hinalikan ang pisngi nito. “Calum?” Biglang napawi ang ngiti ko nang makita ko ito na nakatayo sa likod ng mama niya na mukhang aburido. Ginagawa niyan dito? Friday night is his time with his girls, kahit na buong linggo ay ‘yun na ang ginagawa niya.

Bumalik ako sa mga gamit kong nagkalat sa sala namin para ligpitin ito bago sila pinatuloy. Biglaan naman kasi ang pagpunta nila. Ang kalat tuloy.

“Mukhang nag-aaral ka, busy?” Tanong ni Tita Celine.

“Kakatapos ko lang po. Upo po kayo. Ano po palang gusto niyong kainin?” Umupo nga ito pero si Calum ay naiwang nakasandal sa may pinto.

Basta ko na lang pinagsama-sama ‘yung mga papel na ginamit ko. Mamaya ko na lang aayusin talaga.

“No thanks hija, andito sana ako para humingi ng pabor sa’yo.”  

Bigla akong napatingin ulit sa kanya dahil sa narinig ko. Agad naman itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“S-sige po.” Alanlangin kong sagot na nginitian lang niya at bumaling kay Calum.

Parang gusto kong bawiin ‘yung pagpayag ko. Sabi na nga ba hindi magandang pangitain na bigla na lang napasugod sa bahay si Tita lalo pa’t kasama ang magaling niyang anak. If Calum is involved, don’t expect it to be good.

Napatingin ako kay Calum na nakahiling hindi pa rin umaalis sa kanyang pwesto, pero nakabusangot na ang mukha. Ano nanaman ba ang ginawa nito?

“Hija I need your help.” Panimula nito. “He’s not doing well in math, and I just found out awhile ago. Pasaway na bata ‘yan kaya pala ayaw ako papasukin sa kwarto niya.”

Paano namang hindi babagsak ‘yan e puro kalandian ang ginagawa sa loob at labas ng classroom.

“Pwede bang turuan mo siya? If he needs to spend the night here, it’s totally fine.”

Dahan dahan akong napatanggo  na agad ko ring pinagsisihan. Masyado na bang naubos ang natititrang katinuan sa akin kaka-aral?

Math and Calum, what a great combination. Piece of cake, kung pagbibilang ng mga nilalandi niya ang gagawin namin.

“Ma naman. Hindi ba pwedeng bukas na lang ‘to, it’s Friday night.” Maktol ni Calum.

 “Hindi ka magbabasketball hanggang hindi mo ako binibigyan nang matinong grades.” Lumapit sa amin si Calum na halatang hindi ikinatuwa ang sinabi ng ina.

“O, bakit naman nadamay ang basketball ngayon dito?” Iritadong tanong niya.

Hindi siya pinansin ni Tita at muli akong hinarap. Gusto ko na talagang umatras dito. Parang sinabi na gumawa ako ng isang milagro nito e.

“Please Drei. I know may quiz kayo sa  Monday.” Oo dahil ulit sa kanya. Nahuli nanaman kasi na hindi nakikinig.

“I’ll see what I can do Tita, pero hindi po ako nangangako na makakatulong talaga ako.”

“See Ma, hindi siya sigurado kung makakatulong siya baka lalo pa akong bumagsak niyan e.” Tinignan ko ito ng masama. Galing magsalita akala mo naman ang dali niyang turuan. E mauubos ang pasensya ko sa kanya e.

“I’ll go ahead, ikaw na bahala sa kanya.” Tumayo na ito at naglakad papunta sa pinto. “Drei, I give you authority over him. Thank you ulit hija.”

Napangiti naman ako doon. Authority over Calum, I guess hindi na rin masama ‘yun kapalit ng sakit sa ulong ibibigay niya sa akin.

“So nabuko ka na pala.” Pang-aasar ko.

Wrong TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon