Nakakabored na pag nasa bahay ka lang pero nakakatamad din namang gumala dala ng init. I should be having some fun lalo na ngayong may taning na ang mga oras gaya nito. Kakatapos ko lang mag-net at kasalukuyang paikot ikot sa kama ko. Napaupo lang nung nagvibrate ang phone ko.
Lisha:
Want to hang out? Calum knows some place, let’s go boy hunting.
Natawa naman ako sa babaeng ‘to, maghahanap nanaman siya ng bagong iiyakan niya after six months. Crazy girl.Me:
Okay pick me up. Ask Zach to drive.
Ayoko na si Calum ang mag drive, that guy can make a car fly. Muntik na naming paglamayan ang isang ‘yun dahil na aksidente, paano ba naman kasi nakainom na nagdrive pa buti na lang at minor injuries lang ang natamo niya. Ang resulta ay kinuha ni Tito Ed ang kotse niya.Wearing my black skater’s skirt and crisp white blouse matched with my edgy heels I’m ready to go. Hinihintay ko na lang na dumating sila Lisha para makaalis na kami. Nang narinig ko ang sasakyan ni Zach sa labas ay agad akong bumaba. Nakasuot naman ng black body fit dress si Lisha na above the knees. This bitch won’t go home single tonight.
Napalingon si Mama sa amin nang narinig ang pagpihit ko ng pinto. “Tita we’ll just hang out.” Nakangiting paalam ni Lisha kay Mama matapos iyong halikan sa pisngi. Bumaling naman ito sa akin. Giving me a scrutinizing look.
“I’ll be a good girl promise. Zach and the rest will be there.” Lumapit ako kay Mama at niyakap ito. Kailangan payagan ako naka bihis na ako eh. “I’ll behave Ma, pleeeaaaase.” Paglalambing ko sa kanya.
She just sighed and took a glimpse of me. “Be good okay.” Naihampas ko na lang ang kamay ko sa ere dahil sa tuwa. Nagpaalam na rin kami sa kanya at hinatid niya kami hanggang sa pinto para makasiguro na si Zach nga ang kasama namin.
Tinext din ni Lisha ang iba pa naming pinsan at ilang mga kaibigan para sumama, lahat naman sila ay game. Tinext ko rin ang Ate ko para ayain sila ng mga kaibigan niya kaso that boyfriend of hers is so boring. Sa isang bagong bukas na bar kami pumunta kilala raw ni Calum ang may-ari.
Ang mga nakakahilong ilaw na malikot na sumasayaw ang sumalubong sa amin pagpasok. Hila hila ako ni Lisha papunta sa lugar ng mga pinsan namin. Si Zach naman ay naiwan sa isang babaeng humarang sa amin bago pa kami tuluyang makapasok. Nakita ko naman ang mga pinsan kong nagtatawanan kasama ang ilang kaibigan namin.
“Drei, ” Kumaway si Ashley nang makita akong papalapit. Umurong ito para bigyan ako ng espasyo para makaupo. Nandito rin sila Francine, Liezl, Destinee at ibang kaibigan ng mga pinsan ko.
“Little reunion we have here, but where’s Drea?” Natatawang usal ni Calum habang si Ash naman ay nag-order.
“Let me guess... Boyfriend? ” Napailing na lang si Evan sa sinabi niya. “Damn that boy, Drea was first an Enriquez before she became her girl.” Dagdag nito.
I feel Evan. Drea was an Enriquez there’s nothing wrong if she’ll hang out with us. Its fine with her friends, but that boyfriend of hers ... it’s a different story. But hell with that as long as my sister is happy.
“That boy should be careful, just one wrong move and I’ll beat the shit out of him, same goes for you all.” Seryosong sabi ni Ash.
“Ash, chill okay? Drea promised she’ll hang with us one of this day. Enough about her, let’s just have some fun.” Itinaas ko pa ang mga kamay ko at didiretso na sana ako sa dance floor para sundan ang mga pinsan kong nandoon na. Si Lisha may kasama na.