“I guess 10 minutes is not enough to gear up.” Sabi ni Calum. I just gave him a sweet smile as a response.
“Save it Drei. That won’t work on me.” Umiiling na sagot nito. Samantalang si Lisha ay gumala na ang paningin at si Evan naman ay tahimik lang.
Tinangal ni Lisha ang kanya tunic cover up tsaka itinali ang kanyang buhok. Black really complements her skin. As for me, I decided to go with the blue green bandeau, pero nagsuot pa rin ako ng denim shorts at nakalugay ang aking buhok. Hindi naman kami pareho ng confidence level ni Lisha. Si Calum at Evan ay parehong naka board shorts, pero si Evan ay naka sando at hindi binabalandra ang katawan niya unlike Calum.
“Two hours girls.” Pahabol ni Evan bago kami maghiwa-hiwalay.
Pinili kong unang pumunta sa mga souvenir shops, namataan ko naman na pumasok si Evan sa isang kainan katapat ng shop na pinasukan ko, ngumisi pa ito nang makita ako. Smart ass, why didn’t I think of that?
May nakita akong dalawang lalaking tumitingin ng mga paninda sa loob kaya agad ko itong nilapitan at nagpanggap na namimili lang din.
Nang maramdaman nila ang presensya ko at lumingon sila sa akin ay binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti. Hindi ko pinahalata na may kailangan ako sa kanila at umikot ako papunta sa kabilang gilid. Ramdam ko ang mga tingin nila na sumusunod sa akin.
“Hi, all alone?” tanong nung nakasalaming lalaki.
“Napahiwalay ako sa mga kasama ko e.” Tapos nginitian ko ulit siya. These smiles better be worth it.
“You can come with us for the meantime.” Singit ng kasama nitong chinito.
“Baka kasi hanapin ako ng mga kasama ko. Naiwan ko ‘yung phone ko sa room hindi ko sila ma-contact na sa kanila pa naman ‘yung susi.” Sana lang gumana ang plano kong ‘to.
“Here you can use my phone.” Alok nung chinito.
“No, she’ll use mine dude. Ako ang unang nakakita sa kanya.” Pagkontra nung nakasalamin.
I’m so gonna win this thing.
“If you don’t mind, pareho ko na lang hihiramin para hindi sila mag-alala at mabilis lang nila akong makita mamaya.” Ang kapal lang ng mukha ko grabe. Mga pakana talaga nung magkapatid na ‘yun.
Ngumiti naman silang dalawa at inabot sa akin ang mga phone nila, ang daling nakawan ng mga ‘to. Agad naman akong nagpadala ng text sa phone para sa proof na kinakailangan daw. Syempre binura ko rin ‘yung text sa phone nila mahirap na. Hindi naman sila nagtanong pa at ibinalik sa bulsa nila ang mga phone.
Sumama ako sandali sa kanila bago nagpaalam mag-CR at nagpatuloy sa aking ginagawa. Same scheme and it is going smoothly, lucky for me. Napatingin ako sa phone ko at tinignan kung ilang oras pa ang meron ako. Yeah I had it with me all along, ewan ko ba kung bakit hindi napapansin ng mga lalaking ‘yun.
“Last 8 minutes.” Sabi ko sa sarili ko. Bumalik na kaya ‘yung tatlo o patuloy sa pag-iikot?
Pinili kong sulitin na lang ‘yung oras na natitira. Pero hindi ko na alam kung saan ako pupunta na hindi ako makikita ng mga lalaking iniwan ko kanina. Napadpad ako sa malapit sa shore kung saan wala masyadong tao.
May isang grupo ng magbabarkada ang parang nagpipicnic at doon ako sa tapat nila dumaan. Saglit akong nakipagkwentuhan sa kanila, pero tulad kanina ay nagpaalam din akong mag-CR kaso sinundan pala ako nung isa, ang kulit lang.
Hinawakan ako nito sa braso at ihinarap sa kanya dahilan para mapataas ang kilay ko. Hindi niya pinansin ang pagtaas ng kilay ko at nagawa pa nitong lumapit sa akin at binulungan ako. “You can use my bathroom. My room has an amazing view of the beach, but I’d rather have a view of you on my bed.”
