KRIS' POV
KRIIIIIIIING!
KRIIIIIIIIING!!
Parang automatic na napatayo kami nung tumunog yung cellphone niya. Woooo! Buti na lang. Grabe ang init ng pakiramdam ko ngayon kung alam niyo lang.
"Ah. H-hello Kiel." Oh! Kiel. Yun yung grabe makapagtanong sakin nung dinner sa condo ni Kate diba?
"Uhhh. Sorry hindi ko nasabi. Nandito ko sa bahay with mom and dad." Wow! Nagagalit na ata yung mokong na yon. Teka sino nga ba yun? Manliligaw? Boyfriend? Kaso parang hindi naman.
"Okay. See you tomorrow. Bye!" sabi ni kate sa kausap niya.
"I love you too. Ingat!" wow naman! May I love you too pa. Hello! Nandito kaya yung fiancé mo! harap harapan Kate oh! Grabe to.
"Uhhhmm. Ano. Sige una na ko. Magpahinga ka na. Good night." Sabi ko na lang para makaalis na tapos naglakad na palabas.
"Uhhm. Thank you nga pala." Pahabol niya. Eh marunong naman pala magthank you to eh.
"Wala yon. Sige magpahinga ka na." Yun lang at sinara ko yung pinto.
Kate's POV
Kanina pa ko nakahiga. Paikot-ikot dito. Hindi ko na alam kung pano ba ko magiging komportable sa pwesto ko.
Grabe kasi yung moment na yon. Buti na lang at tumawag si Kiel kung hindi nako hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko. Natitigan ko siya ng matagal. Yung mga mata niya, ilong, lips, jaw line. Parang everything seems so perfect. Parang wala namang mali sa mukha niya. Parang ang perfect eh.
Kinabukasan late na ko nagising. Buti na lang walang pasok ngayon. Hindi ko alam na nakatulog na pala ko kagabi. Maghihilamos na sana ko ng biglang nagring yung phone ko. unknown number.
"Hello? Who's this?"
"Ganon agad yung sagot? Wala bang good morning dyan?" eh nangaasar lang naman ata to eh.
"Sorry pero hindi kita kilala at bahala ka na sa buhay mo!" yun lang at in-end ko na yung call. Sino naman kaya yung palakang yon. Umagang umaga nangbabadtrip.
TIIIING! May nagmessage it means.
"Ang sunget naman ng fiancé ko. umagang umaga eh. Good morning! Remember this is our 1st day na magfiance tayo. Mamaya magkikita ulit tayo. ;)" Ah. So siya pala yung palakang tumawag kanina.
"Fiancé? Nagsabi na ba ko ng oo? Magkita mamaya? Magkita your face! Bahala ka sa buhay mo!"para na kong timang na kinakausap yung cellphone ko.
"Kate?"
"Ah. Hi mom! Good morning. Kanina pa ba kayo dyan?" shocks! Baka narinig niya yung mga sinabi.
"Not really. May kaaway ka ba? Parang naririnig kita na sumisigaw."
"Wala po mom. Baka guni guni niyo lang po yon." Palusot ko.
"Ah. Okay. Bumaba ka na. Ready na yung breakfast, kami ng daddy mo pupunta muna sa company and kiel will be here anytime soon kasi pinauwi ko na muna.
"Ah okay mom. Take care. I love you." yun lang at kiniss ko na siya then hug. The usual mother and daughter's signature goodbyes.
"I love you too honey. Okay bye." Tumango na lang ako bilang sagot at naghilamos na.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...