KRIS' POV
Paglabas namin ng elevator ni Kate bigla siyang tumigil sa paglalakad na para bang nakaglue na siya sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya. Hinila niya ko agad paharap sa kanya at dali daling pinindot yung button ng elevator.
"Kate ano bang ginagawa mo?" takang tanong ko sa kanya.
"Kris, ano kasi. Uhhmmm. Gusto ko muna sana bumalik sa bahay niyo. Oo! Kasi ano. Gusto ko manuod ng movie. Tama! Yun nga yon. Gusto ko man-" hindi pa siya natatapos magsalita ng may tumawag ng pangalan niya.
"Kate!" sabi ng boses at pagtingin ko isang lalaki. Well, mas matangkad ako sa kaniya. Kung tinatanong niyo kung gwapo siya. Pwede na. Pwede ng pagtyagaan. Pero mas gwapo pa din ako. Teka nga sino ba to?
"Kilala mo ba siya?" tanong ko kay Kate. Si Kate naman hindi makatingin sakin.
"Kate. We need to talk." Sabi nung lalaki. Huh? Naguguluhan na ko. Sino ba kasi tong lalaking to.
"Pano mo nalaman kung san ako nakatira?" kalmadong tanong ni Kate na parang pinipigilan niyang magalit.
"Nasabi ni Jash. Kate we need to talk." Sagot nung lalaki.
"Wala na tayong dapat pagusapan pa." Yun lang ang sinabi ni Kate at dumiretso na sa unit. Sinubukang habulin nung lalaki si Kate pero pinigilan ko siya.
"Bro. Ayaw ka niyang makausap. Pwede ba umalis ka na." Matapang na sagot ko.
"Wala kang alam dito kaya umalis ka sa harap ko." sabi niya. Eh gago pala tong lalaking to eh.
Sinuntok ko siya bago pa siya makapunta kay Kate. Lumaban siya pero hindi ako nagpatalo.
"Kris! Tama na!" awat ni Kate.
"Eh gago pala to eh. Sino ba siya Kate ha?!" patuloy na tanong ko at hinila ako ni Kate papunta sa unit
"Umalis ka na." Sabi ni Kate sa lalaki.
Pagpasok namin sa unit tinanong ko agad siya.
"Sino ba yung lalaking yon Kate? Bakit ganon na lang siya kung makapagpilit na kausapin mo?" si Kate naman hindi sumasagot at pumunta sa kwarto. Mayamaya ay may dala na siya first aid kit.
Hindi pa din siya nagsasalita habang ginagamot ako.
"Kate sagutin mo ko. Sino ba siya? Bakit ayaw mong sabihin sakin?" medyo may pagaalalang tanong ko.
"siya si Paul." Sagot ni Kate.
"Ano siya sa buhay mo?" patuloy na tanong ko dahil nacucurious ako sa mga kinilos niya kanina.
Hindi niya ko sinasagot kaya hinawakan ko na yung kamay niya na gamit niya sa paggagamot ng sugat ko para matigil siya sa ginagawa niya at matuon sakin ang attention niya.
"Ano siya sa buhay mo Kate?" tanong ko na may diin sa boses.
"Ex ko siya Kris." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. So, ex niya pala yung lalaki kanina. Kaya pala ganun na lang yung reaksyon niya nung makita niya yung mokong na yon.
"Mahal mo pa ba siya?" bigla ko na lang nasabi na hindi malaman kung san nanggaling.
Hindi nagsalita si Kate at binawi niya na yung kamay niya at pumunta na sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bigla na lang ang nagalit at kasabay non ang pagiinit ng ulo ko. ewan ko kung bakit apektado ko sa mga nangyayari. Siguro kasi magkasama kami ni Kate ngayon at dapat ko siyang protektahan.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...