Pagkauwing pagkauwi ko sa unit, inisip ko agad na magimpake para hindi na kami magkasama ni Kris sa iisang bubong. Pero bigla ko naman naisip yung sinabi ni mommy na kapag daw umalis ako kukunin niya yung cards ko at babawasan yung allowance ko. That is unfair diba? Grabe. Pero sino ba naman ako? Syempre wala akong magagawa. Kaya ayun hindi ko na inimpake yung mga damit ko.
Kumain muna ko at natulog na lang.Nagising ako dahil nauuhaw na ko. At paglabas ko gising pa si Kris at nakaupo sa study table.
"Nandyan ka na pala." Sabi ko. at dedma lang siya. Hala! Ano naman kaya problema niya? Di ako sanay.
Dumiretso na ko sa ref para kumuha ng maiinom. Pagsara ko ng ref may note ulit.
"Taba! Kinain mo ba yung burger?" sabi sa note.
"Ah sayo ba yung burger?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang yung pagttype niya sa laptop niya.
"Ah sige. Bababa na lang muna ko. Bibili ako ng burger mo." sabi ko. Bumaba na ko para bumili ng burger niya. Grabe naman dahil lang sa burger hindi namamansin. Kahit madilim na lumabas pa din ako ng unit. Nung nakalabas na ko ng tower bigla na lang may humila sakin na siyang kinagulat ko.
"Ano bang ginagawa mo?" galit na tanong niya.
"Bibili po ng burger niyo. Nakakahiya naman po kasi sa inyo." Sabi ko. hinila niya ko papasok ng tower at pabalik ng unit.
"Ano ba?" inis na tanong ko sa kanya.
"Alam mo masyado kang nagcoconclude eh." sabi niya. WOW HA?! Sorry naman don
"Okay sige ako na. Sorry kasi kinain ko yung burger mo. Kaya nga ko bababa diba? Para palitan yung burger mo ng hindi ka na nagmumukmok." Sabi ko. tapos ngumiti siya.
"Basahin mo ulit yung note." Sabi niya. At binasa ko naman yon.
"Oh anong tanong?" sabi niya.
"Kung kinain ko yung burger." Sabi ko.
"tapos anong ginawa mo?" tanong niya
"Bababa ako para palitan yung burger mo." sagot ko.
"Hay nako. Ang hina mo din palang umintindi. Nagtanong ako kung kinain mo yung burger. Kasi binili ko talaga yan kanina para sayo alam ko naman kasing gutumin ka kaya bumili ako. Masyado kang nagbibigay ng conclusion eh." sabi niya.
"Eh hindi ka naman kasi sumasagot eh." sabi ko.
"May ginagawa kasi ako." Paliwanag niya.
"Sa susunod kainin mo lang ng kainin kung anong nandyan. Kasi sating dalawa talaga yan. Magfiance na nga tayo diba?" sabi ni Kris. F na F niya talaga eh no?
"Hindi pa ko um-oo." Sabi ko
"Matulog ka na. May practice pa kayo bukas. Good night." Sabi niya at bumalik na sa table niya.
Ako naman pumasok na ng kwarto. Okay naman si Kris. Yun nga lang may pagkamayabang. Grabe hindi ko talaga maintindihan. Ano ba tong nararamdaman ko. kinikilig ako na ewan. Itutulog ko na nga lang to.
Kinabukasan nagulat ako sa nakita ko. May nakahain na, na pagkain sa table. Wow! Hindi ko ineexpect to ha? At may note na naman sa ref.
"Hi taba! Good morning! Kumain ka na muna bago maligo. Wag kang magalala walang gayuma yan. –handsome."
May pagkaloko loko talaga tong lalaking to eh. tinikman ko yung niluto niya. Okay naman. Marunong naman pala magluto tong kumag na to. habang nakain ako biglang bumukas yung pinto.
"Oh san ka galing?" tanong ko.
"Sa gym. Hindi mo alam yon." Sabi niya.
"Ang yabang mo talaga! Alam ko yung gym no! Sus! Pakita ko pa sayo abs ko eh." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...