Tinawag ko na sila para kumain na. Tahimik lang kaming kumain. Hindi ako sanay kaya ako na yung bumasag sa katahimikan.
“Uhmm. Nga pala Jash, anyare sa pinuntahan nyo? Bakit ang bilis niyo naman ata?”
“Ah. Yun ba? Eh pinuntahan lang naman namin yung foundation kanina. Bumisita lang kami magtatagal sana kami don, kaso itong si Kiel biglang nagtext kaya ayun napaaga alis namin don. Namimiss ko na din kasi tong lalaking to eh.” Sabi ni Jash.
Yung foundation na sinasabi niya, yun yung tinutulungan naming magkakaibigan. Mahilig kasi kami sa mga bata. Kaya naisip namin na tumulong sa mga batang iniwan ng mga magulang nila. Kawawa naman kasi sila eh.
“Eh kamusta naman si Sister Anne? Namimiss ko na siya. Medyo matagal na din kasi akong hindi nakakapunta eh. Busy kasi.”
“Ayun okay naman siya. Kanina hinahanap ka nila Claire, namimiss ka na daw niya.” – Jash
“Namimiss ko na din siya. Hayaan mo pag may free time ako pupunta ko don.”
“Ehem. Kris right?” biglang singit ni Kiel na nakatingin kay Kris.
“Ah. Yah.” – Kris
“Where are you studying?” – Kiel
“Atlanta College” sabi ni Kris. Talaga?! So ibig sabihin schoolmate kami? Eh bakit hindi ko siya nakikita?!
“What degree are you taking up?” –kiel. Parang nagiimbestiga na tong lalaking to ah.
“Business Ad.” –kris. Ano to. isang tanong isang sagot ganon?
“Uhm. Kiel, para namang slumbook yang mga tanong mo. Teka. Easy ka lang. Tropa lang namin yan. Di yan manliligaw ni kate pero siguro dun din punta niya.” Singgit naman ni Jash. Eto talagang babaeng to kahit kelan hindi ako binibigo sa pagkainis sa kanya.
“Tumigil ka nga dyan Jash!” sita ko sa kanya. Baka mamaya kung san na naman mapunta yung usapan.
“Uhmm. So ilang taon na ba kayong magkakilala ni Kate?" – Kiel
“Kiel. Easy ka lang. Kanina lang sila nagkakilala.” Sabi ni Kent na medyo natatawa na kay Kiel kasi kung ano anong tinatanong nya. Si Kris naman parang medyo nahihiya na.
“At take note Kiel. Unexpected yung pagkakakilala nila. Wanna know why?” tanong ni Jash kay Kiel at tumungo naman si Kiel bilang sagot.
“Eh kasi kanina, yang si Kate nagseselfie. Tapos hindi niya alam na nasa edge na pala siya ng pool tapos ayun nahulog siya then nadaganan niya si Kris. Hindi niya pa kilala si Kris nung mga panahong nahulog siya sa pool, nakilala lang niya si Kris kanina sa restau namin, kaibigan pala siya ni Kent. Oh diba? Ganda ng story ni Kate.” Mahabang kwento ni Jash. Okay. Awkward na naman. Nahihiya na naman ako. Psh.
KRIIIIIIINNNNNGGG!
KRIIIIIIINNNNNGGG!
KRIIIIIIINNNNNGGG!
“Uhmm. Excuse me.” Sabi ni Kris at sabay pumunta sa terrace para sagutin yung tawag. Sino kaya yon? Parang ang importante eh.
Mayamaya pa ay bumalik na siya at parang nagiba yung aura niya. From kinakabahan na ewan kanina to parang galit at naiinis.
“Uhm. Sorry guys but I have to go first. See next time. Bawi na lang ako.” Sabi ni kris. “Kahit wag na!” sabi ni kiel at ngitian lang siya ni kris. “kailngan ko na talaga umalis. Bye! Thanks for the dinner.” At tsaka siya umalis.
Natapos na din kami magdinner at nagpaalam na din sila Jash.
“Aalis na din kami bestfriend baka kasi gabihin pa kami masyado. Maaga pa naman bukas.” Sabi ni Jash habang inaayos yung gamit niya.
“Ang sarap talaga ng luto mo Kate! Thankyou ha? Kung si Jash ba naman ganyan kasarap magluto edi hindi na kami pupunta dito para makikain.” Sabi ni kent at hinampas naman siya ni Jash sa braso.
“Aray naman babe!” reklamo ni kent na hawak yung part na hinampas ni Jash
“So ganon ha? Panget yung lasa ng luto ko? Psh! Kaya pala ang dami mong nakakain ha? Sige bahala ka sa buhay mo! Hindi na kita ipagluluto.” Mataray na sabi ni Jash at kinuha na yung gamit niya. “Bye bestfriend.” Sabay beso sakin. “Bye Kiel! See you na lang bukas ihatid mo si Kate kita na lang tayo.” At naghug kay kiel.
“Bye ate Jash! Osige kita na lang tayo bukas. Ingat kayo.” Sabi ni kiel.
“Sige na bye bestfriend ingat kayo sa daan ha? Thankyou sa pagsama sakin kanina. Bye!” masayang sabi ko sa kanya.
At bigla na lang lumabas si Jash at iniwan si Kent. Itong dalawang to parang mga bata lang eh pero sanay na kami dyan. Ganyan talaga sila magmahalan kaya natatawa na lang kami.
___________________
Sabaaaaaaw sarrreeeh. Bawi ako :D
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...