Kris’ POV
Habang nakain kami tumawag si Manang Lina.
“Hello manang bakit po?”
“Ah sir nandito na po kasi si Ma’am Cristine tsaka si Sir Josh. Hinahanap po kayo. Dumating po sila kanina galing states” Sabi ni manang. At bakit naman hindi sinabi nila mommy na uuwi na sila. Paniguradong may balak na naman itong mga to.
“What?! Bakit hindi sila nagpasundo sakin?!” usually kasi nagpapasundo sila sakin dahil miss na daw niya ako pero ngayon parang hindi naman nakakatampo tuloy.
“Eh sir gusto daw po nila kayo kausapin”
“Osige pupunta na ko ngayon na.” Nakakainis naman kung kelan nagrerelax ako dito tsaka tumatawag. Istorbo.
“Ah- sir!” pahabol ni manang Lina
“Oh bakit?”
“Wala po sila dito. Nasa meeting po sila at pinapasabi lang po nila yon.” Ang gulo naman nila.
“Ha? Eh kelan ba balik nila?”
“hindi ko po alam eh.”
“Ah osige.” Yun lang ang sinabi ko at binaba ko na yung phone. Hindi ko alam kung anong meron sa plano nila mommy pero asahan mong pag sila ang nagpaplano humanda ka nang masorpresa. Its either gusto mo or ayaw mo yung sopresa nila kaya hindi mo alam kung magugustuhan mo ba.
Nagpaalam na ko kila Kate kasi pupunta ko sa mansyon. Medyo naiinis ako dahil hindi nagpasundo sakin sila mommy. At nagtataka ko kung ano yung sinasabi ni manag Lina na gusto nila ko kausapin.
After an hour, nakarating na din ako. Sinalubong ako ng mga maids namin at yung mga guard namin. Medyo matagal na din kasi akong hindi nakakapunta dito sa bahay. Sobrang busy kasi sa trabaho eh.
“Goodevening young master.” Sabay sabay na sabi ng mga maids at guards namin. Nginitian ko lang sila bilang sagot at dumiretso kay manang Lina na nakangiti sakin. Si manang Lina, siya yung nag-alaga sakin simula bata pa ko kaya sa lahat ng katulong siya yung pinakamalapit sakin.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...