Kate’s POV
DIIIIINGDOOOONG!
DIIIIINGDOOOONG!
DIIIIINGDOOOONG!
Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell. Sino naman kaya to? eh quarter to 12 na. Buti na lang wala dito si Kiel kung hindi maiinis yun. Buti na lang dun siya natulog sa mansion. Bumangon na ko at binuksan ang pinto.
“Hi!” sabi niya.
“Bakit nandito ka?!” Madaling araw na nanngangapit-bahay pa din?!
“Wala lang gusto ko lang dumalaw. Masama ba?” sabi niya at nakangiti. Jusme! Dadalaw ka ng madaling araw? Eh kung di ka ba naman tanga eh no? Nanbubulabog ka eh.
“Dumalaw?! What the hell?! Do you know what time is it? Dadalaw ka ng madaling araw hindi mo man lang ba iniisip na baka maistorbo mo ko?!” galit na sabi ko.
Nagulat ako ng pumasok siya ng walang sabi-sabi. Wow! Ang kapal ng mukha.
“eheeem. Siguro naman alam mo yung word na trespassing diba? At tsaka may unit ka diba?! Bakit nandito ka? Haleeer! Close ba tayo?!” sinarado ko na yung pinto at sinundan siya.
Humiga siya sa sofa at pinikit ang mata niya na para bang doon matutulog.
“OY! Kris! Ano ba naman! Wala ka bang sofa at dyan ka natutulog! Bumalik ka na nga don sa unit mo! Pag hindi ka tumayo dyan tatawag na ko ng guard!” tuloy-tuloy na sabi ko at parang wala naman siyang naririnig.
“Ah ganon? Osige. Hindi ka talaga tatayo dyan ha?” sabi ko at naglakad papunta sa ref. Kukuha ako ng malamig na tubig at ibubuhos sa pagmumukha niya. Lumapit ako sa kanya at binuhos yung napakalamig na tubig na galing sa freezer.
Napatayo naman siya ng automatic at parang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha niya. Napangiti naman ako don. Well, masasabi kong ang cute niya pagganyan yung mukha niya.
“What the hell?! Look what have you done!” sigaw niya sakin. At ako naman pinipigil ang tawa.
“I told you na tumayo ka dyan but then hindi mo ko sinunod. So bakit ngayon nagrereklamo ka?!” sabi ko ng nakataas ang kilay. Ngumiti naman siya ng nakakaloko at lumapit sakin.
LAKAD – SIYA
ATRAS-AKO
LAKAD- SIYA
ATRAS- AKO
LAKAD- SIYA
ATR---
Wala na pala akong aatrasan. Nasa dingding na pala ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...