Chapter 6- yes or no

23 1 0
                                    

Kris’ POV

“Oh! Hi baby!” sabi ni mommy sabay kiss sakin.

“Mom, I’m not a baby anymore.” Sabi ko na medyo naiinis pero nakangiti.

“Hi son! How are you?” sabi ni daddy.

“I’m good.” Sabi ko at nginitian siya.

“Oh, by the way, this is Mrs. Kateline and Mr. Jake Villegas.” Pag-iintroduce ni mommy sa kasama nila si daddy naman nakangiti lang. Wait! Parang iba yung atmosphere dito ah.

“Hi mr and mrs. Villegas, nice to meet you po.” Then nakipagshake hands naman ako sa kanila. Parang mababait naman sila.

“This is Kris our son.” Pag-iintroduce ni mommy sakin at ngumiti naman sila mrs. And mr. villegas.

“Nice to meet you din hijo. Aba! At pogi naman pala talaga itong anak niyo ha.” Sabi ni mrs. Villegas. Syempre naman no. Ako pa ba? Psh.

“So, let’s go? Kain na tayo medyo nakakagutom bumyahe eh.” Sabi ni daddy then nagtawanan sila.

Pumunta na kami sa dinning table then nagsalita na si daddy.

“Son, sila yung business partner namin ng mommy mo. Classmate namin sila noong grade school pa lang kaya kilala na namin ang isa’t-isa.” Sabi ni daddy.

“Sila ang may-ari ng Villegas group of company and napagkasunduan namin ng daddy mo at nila mrs. And mr. villegas na palakihin ang company at palawakin pa ang market nito so we end up in a decision.” Shet! Yang decision na yan parang alam ko na eh. Mom naman. Nilakihan ko ng mata si mommy at daddy pero tumatawa lang sila.

“Ah hijo, alam namin na biglaan ito pero syempre para din naman ito sa inyo. Gusto lang naman namin siguraduhin ang future ng mga anak namin. Pareparehas lang naman kami ng gusto ng mommy at daddy mo.” Sabi ni mrs. Villegas. May nagsasabing ayoko pero mas malakas yung boses na nagsasabi na gawin ko dahil wala naman sigurong masama.

“But mom, dad, I’m not yet ready and I’m sorry to disrespect you mr. and mrs villegas but I don’t even who is she.” Sabi ko.

“baby makikilala mo siya bukas and I bet magugustuhan mo siya.” Sabi ni mommy.

“But hijo, hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo talaga. Napagkasunduan naman namin ng mommy at daddy mo na kung hindi talaga magwowork out edi ititigil namin pero kung sakaling magwork out edi itutuloy natin.” Paliwanag ni mr. villegas.

Itutuloy ko ba to o hindi? Wala naman sigurong mawawala kung ittry ko diba? Sabi na nga ba at tama ang iniisip ko eh. Arrange marriage. Hay. Ang hirap talaga kapag may companya kayo pati buhay mo nababago eh. Pero sabi naman nila pag hindi nagworkout ititigil nila diba? So pwede  pa din.

Siguro naman maganda yung anak nila. Mukha namang maganda yung anak nila dahil maganda din naman si mrs. Kateline. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa din kung saan ko sila nakita eh.

“Okay. But make sure na kapag hindi nagworkout hindi niyo  na itutuloy.” Sabi ko at tumango naman sila mommy at daddy na nakangiti pati na din sila mr. and mrs. Villegas.

“From now on, Don’t call me Mrs. Villegas. Call me Tita kateline or better Mommy.” Sabi ni mrs. Villegas na ngiting-ngiti.

“Okay po. Mrs. Villega—I mean mommy.” Sabi ko at ngumiti.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon