“Ano ba yan! Hindi ko naabutan si Sir Alex. Nako bes pano na ko nito.”
“Ikaw kasi bes eh. Lagi ka na lang kasi late nagigising kapag Saturday. Ano ba kasing ginagawa mo? Eh hindi ka naman sumasama samin nila rizza eh pano ka naman napupuyat niyan?” – jash
“Ay nako jash feeling ko kasi walang pasok ngayon. Natural sabado tsaka nakakapagod kaya kapag Friday hindi ko lang alam kung bakit.”
“Alam mo bes. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka na. Dati hindi ka naman nalalate ng gising, ikaw pa nga pinakamaaga samin eh. Tapos ngayon lagi ka ng late.” – jash
Right now nasa canteen na kami at medyo maraming tao ngayon kasi sportsfest.
“teka nga bes oorder muna ko para satin. Wait ka lang dyan ha?”
“okay.”
Ilang saglit lang bumalik na si jash.
“grabe jash ang dami ha tsaka bakit ganito yung mga order mo puro paborito to ni mommy ah.”
OHMY! SI MOMMY! YUNG EVENT!
Nagising ako ng dahil don. Tinignan ko yung orasan at nataranta na ko nung nakita kong 8 na. Grabe masyado atang napasarap yung tulog ko. Nako baka magalit si mommy sakin at madissappoint.
Bumangon na ko agad. Naligo ng mabilisan. At nagbihis na lang ng simpleng dress. Bahala na late na ko eh. Tumakbo na ko papuntang elevator. Takbo papuntang kotse at nagdrive ng matulin.
After 45 minutes ayon nakarating din ako. Event daw pero parang wala namang tao. Diba dapat kapag sinabing event madaming tao, nagkakasayahan. Ganon dapat diba? Tss. Ano na naman kayang pakulo nito nila mommy.
“Hi Kate!” bati sakin ni auntie lyn. Siya ung pinakamatagal naming maid dito.
“Hi auntie lyn. Ah nagumpisa na po ba yung event? Bakit po parang wala namang tao?”
“Event?” patakang tanong ni auntie. “Ah. Baka yung kay Mr. and Mrs. Padilla yung sinasabi mo.”
“Ha? Sino naman sila?”
“Ah. Sila yung business partner ng mommy at daddy mo. Nandun sila sa garden.”
“Ah osige auntie lyn thank you.”
Takbo lakad takbo lakad. Yan ang ginawa ko para lang makapunta agad sa garden. Grabe sobrang haggard na ko pero go pa din. Pagdating ko don parang ang saya saya nila kaya medyo nahiya pa ko lumapit. Mamaya na lang kapag medyo patapos na para di ako masyadong nakakaabala.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...