Chapter 12 - Hell no!

20 0 0
                                    



"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ko sa kanya


"Easy ka lang Kate! Si tita may gawa nito." Paliwanag niya.


"Ha?! Hindi ko maintindihan."


"Wait. Bago ko ikwento, pwede bang pumasok ka muna dito. Nakakahiya bukas pa yang pinto."


Ay oo nga pala nandito ko sa pinto. Pumasok na ko pero hindi ako lumalapit sa kanya. Kahit na kitang kita ko yung abs niya dahil naka tuwalya lang siya at kakatapos lang magshower.


"Oh. Nakasarado na yung pinto Kris. Baka gusto mo na ikwento yung nangyayari?" sabi ko.


"Okay. Pano ko ba sisimulan? Ah! Kanina sa event nung umalis ka sinundan kita pero may biglang humarang na van sa harap ko. Tinakpan nila ng panyo yung mata kaya wala kong makita."



FLASHBACK (Kris' POV)


"Your dad told me that I will be working with you. So I'm looking forward for tomorrow. Wow! I'm so excited!" pangaasar ko sa kanya.


"Ha-Ha-Ha. I'm not going because I have personal matters to attend to. Kaya kung gusto mo ikaw na lang."


Yun lang at umalis na siya at tumakbo pa. Sinundan ko siya para pigilan pero may biglang humarang na van sa harap ko at tinakpan ang mata ko.


"Wag kang kikilos kung ayaw mo masaktan." Sabi ng isang lalaki.


"Sino ba kayo? Ano bang kasalanan ko sa inyo?" sabi ko habang sinasakay nila ko sa van.


"Napagutusan lang po kami boss." Sabi naman nung isa.



"Kung sino man yang nagutos sa inyo, wag niyo ng sundin dahil wala kayong mapapala sakin." Sinubukan ko silang labanan pero masyado silang malakas at madami. Hindi ko na din sila malabanan dahil nakaposas yung mga kamay ko.

Ilang saglit lang ay pinababa na nila ko at naramdaman kong nasa elevator na kami.


"San niyo ba ko dadalhin? Pakawalan niyo na ko. Wala kayong mapapala sakin." Paulit ulit na sabi ko.


Mamaya maya ay may narinig akong pagbukas ng pinto at tinanggal na nila yung piring. Hindi ko masyadong maaninag kung sino yung nasa harap ko dahil kakatanggal pa lang ng piring pero nung luminaw na, nakita ko si mommy at daddy, pati na din si tita at tito.


"Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko sa kanila.


"Sorry baby. Ito lang yung paraan na naisip namin para mapaglapit kayo ni Kate." Sabi ni mommy.


Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon