Chapter 14- a ruined celebration

5 0 0
                                    

Kate's POV

Nang magising ako, nakayakap pa din ako kay Kris at ganun din siya sakin. Hindi ko alam pero kagabi, I feel safe nung niyakap ko siya. Parang nawala lahat ng takot ko at napalitan ng pagiging komportable. Tinignan ko si Kris ang himbing ng tulog niya. Baka napuyat to sa kakabantay sakin.

Tinitigan ko siya mabuti para siyang anghel kapag tulog. Sana ganyan na lang siya lagi. Hindi ako gumagalaw masyado kasi baka magising siya.

"Good morning!" sabi niya na may pagkahusky pa yung boses. Ang bango ng hininga niya kahit bagong gising infairness.

"Tapos ka na ba titigan ako?" tanong niya at bigla naman akong natauhan. Napatayo na lang ako bigla. AWKWARD! Pumasok na ko agad sa cr para maghilamos. At narinig ko pang natawa siya. Nangaasar na naman.

TOK TOK!

"pasok!" narinig kong sabi ni Kris

"Good morning! Breakfast is ready!"

"Okay po tita. Susunod na kami."

"Where's Kate?"

"Nasa cr po. Nagpapaganda." Aba loko to! lumabas na ko ng cr. Bwiset baka maniwala pa sila.

"Hi mom! Good morning!" bati ko sa kanya.

"Oh halika na. Kain na tayo." Yaya niya.

"Sige po susunod na po kami."

"Okay." Yun lang at umalis na din siya.

"Hoy! Anong sinabi mong nagpapaganda pa ko?!" inis na sabi ko kay Kris.

"Eh ano ba dapat?" pangaasar niya

"naghihilamos!" sabi ko at hindi niya ko pinansin.

"Magtotoothbrush lang ako tapos bababa na tayo." Sabi niya at lumapit sakin.

Atras – ako

Abante –siya

Atras – ako at pader na naman. Corner na naman ako.

"May toothpaste ka pa oh." Sabi niya sabay tanggal nung toothpaste na natira sa labi ko. Nakakahiya.

Ilang sandali lang at bumaba na kami. Nasa pool area sila.

"Good morning!" bati ng bawat isa

"So how was your stay here?" tanong ni tito

"So far so good naman po." Sagot ko.

"Syempre inaalagaan ko yan eh." sabat naman ni Kris.

"Of course anak. It's your duty to take good care of Kate" sabi ni tito

"Yes dad. I know." Sabi naman ni kris.

"Oh kain na." Sabi ni tita

Kukuha na sana ko ng plato pero pinigilan ako ni Kris.

"ako na." Sabi niya. Kaya ko naman. Hindi naman ako baldado.

"Okay." Wala naman din akong magagawa kung makikipagtalo pa ko.

Siya na yung nagserve ng pagkain ko. buhay prinsesa ko ngayon di ako sanay kasi diba sa unit namuhay ako magisa lang.

"Oh. Ubusin mo yan ha?" sabi ni Kris

"Wow! Bibitayin na ba ko mamaya? Ang dami naman nito Kris!" pano ba naman. Punong puno yung plato ko.

"Ubusin mo yan. Ang gaan mo kaya nung binuhat kita kagabi." Sabi niya. Ay oo nga pala! Nanonood nga pala kami ng movie kagabi. Hindi ko na naisip sa sobrang takot ko.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon